Pag pasok ko pala sa loob ng room, nagdive na ako sa bed mamaya ko na iaunpack ang mga gamit ko, ang buwisit kasing macho na yun, oh my god I praised again.
Kase naman inubos nya ang energy ko sa pakikipagtalo di naman pala uubra sinayang nya lang oras ko.
Di ko namalayan na nakatulog pala ako, nagising na lang ako sa sunod-sunod na katok sa may pinto.
Pagtingin ko sa oras na nasa aking cellphone ay quarter to seven na pala, kaya pala masyado ng reklamo ng mga alaga ko sa tiyan, dahil di pa rin pala ako naglalunch.
Di ko sana papansinin kung sino man yun kumakatok dahil alam kong si Lennard lang yun, pero mukhang walang balak na tumigil kung sino man yun.
Binukas ko yung door na sakto lang na masisilip ko kung sino man yun isturbo, pero lamang gulat ko ng nakangiting mukha ng pinsan kong si Seb ang nakita ko, sa sobrang tuwa ko napatalon sabay yakap ako sa kanya.
Sa lahat kasing pinsan ko kami ang pinakaclose siguro dahil pareho kaming mag iisang anak, kaya lang nakakaangat sila sa buhay, samantalang kami ay mahirap lang at ako'y working student lang.
"Salamat naman at naisipan mong dalawin ako dito akala ko ay mabuburyong na ako dahil sa kasama ko dito". nagpout pa ako para maawa sya.
Natawa lang naman ito sa reaksyon ko. Akala ko sya lang nagpunta dito. "Hi friendship". ani Miyo, girlfriend ng pinsan kong si Seb at best friend ko naman .
Lumapit ako sa kanya at naki beso-beso." Salamat naman at sumama ka?". tanong ko.
" Syempre naman malakas ka sa akin e". ani Miyo na nakangiti sabay tingin ulit sa lalakeng nakaupo sa may couch na parang hari." Pero friendship bat di naman sinabi na macho at sobrang hot pala ang kasama mo dito sa condo?". pahabol pa ni Miyo.
Napatingin naman ako ulit kay Lennard na nakatingin din sa akin at medyo nakataas pa ang kilay at may makakalokong ngiti sa labi, hinihintay siguro kung ano ang isasagot ko.
"Kase naman yung ibang tao dyan di sinabi na lalake pala ang may ari nito". parinig ko sa pinsan kong si Seb.
" Pasensya naman insan, kase nung nagpunta ako dito babae ang nakausap ko at sabi nasa banyo daw yung tunay na may ari at Len daw ang name, at dahil babae ang nakausap ko so I concluded na babae din yung may ari". paliwanag ni Seb." At saka babes kung makapuri ka naman ng kamachohan parang wala ako dito ". tampo naman ni Seb kay Miyo.
" Ikaw naman babes nagtampo ka naman agad, alam mo kahit sino pang macho at hot ang nandiyan Ikaw parin ang nag isa sa puso ko". paglalambing naman ni Miyo, sabay yakap at halik sa lips.
Alam kong biro lang yun ni Seb dahil alam nito kung gaano sya kamahal ni Miyo, childhood sweetheart kase ang mga ito kaya matatag na ang relasyon nila.
Naiintindihan ko naman ang pinsan ko, at saka wala namang taong perpekto lahat tayo nagkakamali.
" Mga buwisit kayo kung pumunta lang kayo dito para maglambingan umuwi na lang kayo, nang aasar kayo e". ang mga walanghiya nang iingit pa, alam namang di ko pa nararanasan ang ganung feeling." At saka bakit kayo nandito?". tanong ko.
" Sorry naman friendship, andito kami para ayain kang mag disco". ani Miyo at halatang exited.
" Disco na naman, wala naman akong napapala dun kundi sakit ng ulo at hangover". reklamo ko.
" Hay! Ikaw talaga friendship kaya wala kang love life e, wala kang social life". ani Miyo .
" Oo na sasama na ako, di mo rin naman ako titigilan e". hirap ko kay Miyo." Bihis lang ako". nagwalk out na ako at nagpuntang room para magbihis.
" Sama ka na din pogi, para masaya". ani Miyo kay Lennard.
" Sure I like that". sagot naman ng buwisit at makangiti pa rin na nakakasar ng lumingon sa akin.
Isa na namang irap ang ginawa ko, well this not a real happy night at all........Damn.