Ang sarap talagang nagsayaw lalo na at ganito ang mga kasayaw ko, nakakachanshing ako ng di nil a namamalayan o baka naman, they also like it. Lol.
Well I don't care at all, Basta ako nageenjoy.
Bumalik kase ako sa dancefloor dahil wala naman akong makuhang makabuluhan reaksyon mula kay Max, puro irap lang pagtinatanong ko, basta tuloy lang sa pagtoma.
Nang napatingin ulit ako sa counter, nakita kung dalawang lasing na ang inaalalayan ni Seb, di ko rin namalayan medyo late na rin pala.
So nagpaalam ako sa mga kasayaw ko at ako na ang umalalay ka Max, dahil ang girlfriend naman nito ang inaalalayan in Seb.
" Wag mo nga akong hahawakan, bakit shawa ka na bang kakachanshing sha mga kashayaw mo, at sha akin ka naman didikit?, pwesh kaya ko sharili ko".sabi nito sabay hawi sa kamay ko.
Nasa likod nya kasi ako, nakahawak sa braso nya para di sya matumba." Okay". tinaas ko yung dalawa kong kamay tanda ng di ko na sya aalalayan.
Pero dahil pasuray-suray at paekis-ekis na ang lakad nito at marami na rin itong nakakabangga, kaya natumba ito at napaupo sa sahig." Yan buti nga saiyo". sabi ko naman pero sa isip lang.
Kahit nakaupo na sya sa sahig at lasing na mataray pa rin.
Tumingin sya sa akin sabay turo." Nakangiti ka ba?.ani nito sa napupungay na mata." Pinagtatawanan mo ba ako?".
" Di ah!". dipensa ko." May nakita lang akong kakilala sa banda roon kaya nakita mo akong nakangiti". sagot ko.
Alam kong di sya naniniwala, dahil mas lalong pumungay ang mata nito
at sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo.
Inalalay ko ulit syang tumayo at thankful naman ako at di sya pumalag, pero guni-guni ko lang pala." Shabi ng kaya kong sharili ko, ang kulit mo". angil pa nito, ang sungit talaga.
Hinatid kami ni Seb dahil ito ang may sasakyan sa amin, di na ako humindi dahil di ko feel na sumakay ng taxi na may kasamang lasing, saka ayos din dahil nasa tipid mode ako ngayon.
Tinulungan ako ni Seb na maisakay si Max sa likod ko, parang piggyback ride lang ang peg ng lasenggang ito.
Yuck parang pang bading lang ang words.
Pagdating pa lang namin sa may lobby, halos lahat sa amin na nakatingin, at sino bang hindi, ikaw ba namang ang may makitang lasing na unggoy sa likod di ka lilingoy.
Pagpasok namin ng condo, dineretsyo ko na sya sa loob ng room, di ko alam kung may pumasok din bang alak sa utak ko at di pa rin ako umaalis sa harap nya, mas lumuhod pa ako sa harap nya para magpantay ang mukha namin.
" You don't remember me, don't you?". para akong baliw na kinakausap ang lasing na alam ko namang di sasagot.
Nagsinungaling kase ako ng sabihin Kong di ko sya kilala, ang totoo nyan matagat ko na syang kilala o mas tamang sabihing matagal ko na syang hinihintay.
"Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako tinakwil ng family ko?". patuloy kong tanong sa taong lasing.
I pinched her nose at isang buntong hininga bago ako tumayo at magpasyang umalis, pero ng malapit na ako sa may pinto may narinig akong nahulog, syempre automatic akong napalingon , alam kong di sya yun kase masyadong mahina ang kalabog.
When I saw it, yung salamin pala nya ang nalaglag mula sa mata nya, syempre lumapit ako para pulutin yun at ilagay sa side table, alangang matulog syang nakasalamin diba.
Lumuhod ulit ako at pinagmasdan lalo ang mukha nyang wala ng sagabal, wala na ang malaking salamin at ang sobrang habang bangs, ngayon mas malinaw kong nakikita ang mukha nya........."Damn, you really so beautiful".