Last Chapter

12.4K 148 126
                                    

NOT EDITED..

DAWE's POV

"Saan ba tlaga tayo pupunta?" Tanong ng babeng makulit sa tabi ko..

Nakapiring kasi siya..nasa harap ako ng manibela at nagda-drive. Ibabalik ko na siya lalaking talagang para sa kanya..

Masakit man sa akin ay tatanggapin ko.. Dahil kampante akong sa mabuting tao siya mapupunta.

Tumulo ang luha ko na agad ko rin namang pinahid..

Ayokong kapag inalis na niya ang piring niya ay may mababakas siyang galing ako sa pag-iyak..

Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon.Sa simula pa lang ay alam ko namn na hindi talaga ako ang para sa kanya..

Bago siya ligawan nuon ay tinanggap ko muna ang lahat na balang araw iiwan ko siya para ibalik sa taong tunay nagmamay-ari sa kanya.

Ou mahal ko si Adanna.. mahal na mahal.. Pero yung pagmamahal ko umiintindi at nagpaparaya. Para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan..

Tangina ayokong umiyak pero ang kulit ng luha kong pilit na pumapatak.

Lalaki ako pero bakit ang bilis tumulo ng luha ko.. mag artista nalang kaya ako? Pwede naman dahil gwapo naman ako.

"Ano ba hindi mo na ko sinagot baby?" Natauhan lang ako sa pagiisip ko ng magsalita siya uli.

"M-Malapit na tayo" nautal na sabi ko dahil pinipigila ko talaga ang pag-iyak ko.

Sa isang Flower Garden ko dadalhin si Adanna kung saan magpopropose si Reden..

Ang sakit lang.. Tangina. Bakit ko kaylangang maramdaman ito?

Ayoko nito..

"Nandito na tayo" hininto ko ang kotse at bumaba ako ng kotse para alalayan siya..

Napakaganda ni Adana sa suot niyang dress na powder blue hanggang binti at nakaplat sandals na puti..

Malayo palang ay natanaw ko na si Reden na nakaabang sa amin habang naglalakad kami ni Adanna.

"Pwede nabang alisin ang piring na ito baka madapa ako, pagtawanan mo pa ko" natatawang sabi ni ni Adanna.

"Hindi yan hawak kita"

"Sige basta wag mo kong bibitawan kahit na anong mangyari, kasi pag binitiwan mo ako ng kanang kamay mo, sa kaliwa ako kakapit, para sa dalawang kamay mo ako kakapit"
Nakangiti niyang sabi.

"Humuhugot ka na rin ngayon?" Natatawa kunwaring sabi ko.

"Eh kasi ang dami mong arte, magpoprospose ka lang may pa piring piring pa, alisin mo na ito at magpapakasal na ako sayo ngayon"

Please baby wag naman ganito. Lalong nagigiging mahirap eh.

Ngumiti ako sa papalapit ng si Reden..

Binitawan ko ang kamay niya at niyakap ko siya.. "I love you" bulong ko sa kanya.

Saka ako sumenyas kay Reden na siya na ang bahala kay Adanna. Kung ngayon ako ang mahal ni Adanna gawin niya ang lahat para mapaibig niya uli si Adanna..

"Dawe!!" Narinig ko pang tawag ni Adanna sa akin.. pero nagtuloy lang ako sa paglakad.. saka ko pinawalan ang luhang kanina pa gustong pumatak..

Tangina, nakakabakla ang pagiyak.
Kailangan ko ng magmadali, kaya sumakay agad ako sa kotse at walang lingong pinaharurot paalis sa lugar na iyon.

ADANNA (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon