NOT EDITED
CLAUDETTE's POV
Nagmamadali akong umalis ng bahay ng makatanggap ako ng tawag mula sa inupahan kong tao na magmasid kina Jelyn at Jake.
Ayon kay Nick ay nagbabalak ng magsabi ang dalawa kay Reden kung ano ang nalalaman nila. Kaya namang nagmadali agad akong umalis para puntahan sila. Kahit nahihirapan ako dahil kabuwanan ko na..
Pinapasok naman ako ng Maid ng makita ako. Kilala naman kasi nila ako. Nagsama na talaga ng tuluyan ang dalawa, dito sila nakatira sa bahay ni Jelyn.
Hindi na ko kumatok at mabilis kong binuksan ang pinto, swerte kasi hindi nakalock.
Nakangisi akong bumungad sa dalawa na halatang paalis palang. Halatang nagulat naman sila.
"Saan niyo balak na pumunta?" Nakangisi kong bungad sa kanila.
"K-Kay Reden" sagot ni Jelyn.
"At sa palagay niyo hahayaan ko yun mangyari?"
"Tigilan mo na to Claudette, kailangang nang malaman ni Reden ang totoo masyado ng matagal ang panggagago mo sa kanya" si Jake..
"Hindi kayo aalis dito" malakas ang sabi ko at talagang galit ako sa kanila.
"Sino ka naman para pigilan ang gusto namin?" Matapang na sabi ni Jelyn.
"Matapang kana ngayon, nagkakasungay kana ngayon Jelyn, kinakalaban mo na rin ako" nakangisi kong sabi sa kanya.
Ngumisi rin siya."Karapatan ni Reden na malaman ang totoo" madiing sabi parin ni Jelyn.
"Wag kang mag-alala susuportahan ko ang bata, pinag-usapan na nmin ito ni Jelyn, hindi tamang ipaako mo kay Reden ang pagiging ama sa bata" mahinahon pang sabi ni jake.
"Tangina mo, wala kang susuportahan dahil hindi mo anak to, anak ito ni Reden" nanlilisik na ang mga mata ko sa galit..
Nagagalit ako sa kanila,, isama mo na ang malanding si Adanna, kahit kailan ay hindi mawawala ang galit ko sa babaeng iyon..
Hindi na kumibo si Jake at Jelyn pareho lang silang napatulala sa pinto, sinundan ko ang tinitingnan nila..
Kitang kita ko ang galit na mukha ni Reden..
Sabay na tumulo ang luha ko pagkakita ko sa kanya..
"H-Hon, k-kanina ka pa diyan?" Pakiramdam ko ay namutla akong bigla..
"Kanina pa at narinig ko na ang lahat" galit na sabi niya,, nakakuyom ang parehong kamao niya. "Sa simula pa lang ay niloko mo na ako, pinilit kong magtiwala sayo, at ibalik ang dating pagmamahal ko sayo, tapos malalaman ko lang ang kasinungalingang binuo mo sa isip ko" may diing sabi ni Reden.
"Pls hon magpapaliwanag ak----"
"Ano pa bang dapat mong ipaliwanag narinig ko na ang katotohanan, mag iisip ka na naman ng bagong kasinungalingan!"
Hindi ko alam ang gagawin ko kitang kita ko ang galit sa mga mata niya..
Yung galit na kung pwede lang niya akong sapakin ay ginawa na niya..
Lumuhod ako sa harap niya.. at nagmakaawa sa kanya.. "please patawarin mo k-ko, n-gawa ko lang ito d-dahil mahal na mahal kita, please" pinilit kong hawakan siya sa kamay pero iniwas niya lang iyon..
BINABASA MO ANG
ADANNA (completed)
Narrativa generaleHindi ito purong Spg.. Spg na may nakapaloob na kwento.. For openminded only 18 up... Date started: June 2017 Date ending: Nov 2019