Crown 15

1.5K 94 2
                                    

Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mata kahit saglit ay nakikita ko ang mukha ni Prinsipe Aedion nang gabing iyon na siyang nagpapakilabot sa buong pagkatao ko.

" Hindi ba sinabi ko na may espesyal na ibibigay sa inyo kapag kayo ang nakahanap sa papel na hugis butuin " pag-uulit ng matanda.

Nananabik naman ang mga kasamahan ko lalo na ang nakakuha kung ano ang matatanggap nila. Baka daw mamasyal sila sa pinakamagandang lugar sa kanila o kaya naman libre lahat ng bibilhin nila. Marami silang naiisip na premyo sa nakuha nila.


" Bago ko muna sabihin kung ano 'yon. Babanggitin ko muna ang pangalan ng mga nakakuha " pananabik pa ng matanda sa kanila.

Isa-isa niyang binanggit ang mga pangalan.

" Ako? " turo ko sa sarili ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Agad akong nagtaas ng kamay para magtanong.

" Ano 'yon, Vashit? " pagmamasungit na naman ng matanda na may kasamang pagtaas ng kilay.

" Hindi po dapat ako kasama. " saad ko.

" Kasama ka. Pagkatapos kang isugod sa pamagutan ng prinsipe ay iniabot niya ang papel sa akin. Ikaw daw ang nakakuha " paliwanag niya.


Nanahimik na lang ako kaysa sa sumagot pa kasi baka pag-initan pa ako ng ulo. Pinakinggan niya pa ang ibang pangalan.

" Lahat ng nabanggit ko ay tumayo " utos ng matanda na agad rin namang sinunod. " Mapapabilang kayo sa mga Ember na magbibigay ng isang munting pagtatanghal sa araw ng kaarawan ni Prinsipe Aedion " ngiti ng matanda.

Ako naman ay napanganga. Seryoso siya? Espesyal na 'yon?


Pinagmasdan ko ang mga kasamahan ko na nakangiti pero baka naman napipilitan lang silang ngumiti. Kasi ako ngayon 'di ko magawang ngumiti dahil sa narinig ko. Ano gagawin ko? Bubuga ng apoy o kakain ng bubog para matuwa ang prinsipeng 'yon. Mas matutuwa pa 'yon kung magpapakamatay ako sa harap niya.


" Dahil ito na ang huling araw ng ating pagsasanay, hindi ko na kayo papahirapan pa. Hahayaan ko kayong gawin ang bagay na gusto niyong gawin. Sa pang-apat na linggo na pananatili niyo dito ay tutungo tayo sa palasyo bilang bahagi ng inyong pagsasanay. Ang mga nabanggit kong pangalan ay maghahanda naman sa pagtatanghal na kanilang gagawin " mahabang paliwanagan ng matanda.




-


Idinukdok ko ang aking ulo sa lamesang nasa harap ko at paulit-ulit na humihinga ng malalim. Narito kami ngayon sa silid-aklatan upang tumambay lamang.


" Anong gagawin mong pagtatanghal? " tanong ng kasamahan ko kaya tumingin ako sa kaniya.

" Hindi ko alam. Wala naman akong talento. Hindi ako sanay kumanta, tumugtog ng instrumento o kahit na sumayaw pa. Kainis! Bakit kasi ako pa?! " nababanas kong sagot.


" Baka naman tadhana na ang gumagawa ng paraan para mas lalo ka pang mapansin ng prinsipe " singit ni Alli sa usapan namin.

Ibinato ko naman sa kaniya ang librong malapit sa akin na nasalo naman niya at tumawa.


" Hindi ako nakikipagbiruan. Puwede bang umatras na lang ako? " salita ko sa kanila na ikinaiiling nila.


" Iyan ang hindi mo puwedeng gawin. Pinaghahandaan ng lubusan nila ang kaarawan ng prinsipe dahil iyon rin ang araw kung kailan sasabihin ni Lyxus Silas ang pagpapasa ng korono sa kaniya. " sagot ng kasamahan naming lalaki.


" Kaya ang ibig sabihin hindi lang simpleng pagtatanghal ang gagawin mo. Kailangan ay parang propesyonal na nagtatanghal " hirit pa ng isa.

Let Me Be Your CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon