Crown 2 - Yours 9

1.4K 85 17
                                    

" Bakit ang bilis lumaki ng tiyan ko? " tanong ko at isinuot na ang pinakamaluwang na damit na mayroon ako.


" Dahil ang mga Ember ay anim na buwan lang dinadala ang kanilang mga anak sa sinapupunan nila.  Kaya natural na kahit isang buwan palang 'yan ay umumbok na ang tiyan mo " sabi ni Elise sa akin.


Napasimangot naman ako at ininom ang inihanda niyang tsaa para sa akin.


" Nakabili ka na ba ng mga gamit ng anak mo? " tanong niya kaya umiling ako. " Limang buwan na lang ay isisilang mo na 'yan. Kaya dapat unti-unti ka ng mag-ipon ng mga gamit niya " sermon na naman sa akin ni Elise.

Laking pasasalamat ko na nasabi ko sa kaniya ang nangyayari sa akin dahil napagsasabihan niya ako sa mga hindi at dapat kong gawin.


" Ikaw na lang ang bumili para sa akin. Alam mo naman na lihim ang ginagawa ko " walang buhay kong sabi.

Kita ko ang pag-iling niya sa sinagot ko. Lumabas na ito upang ihanda na rin ang mga gagawin niya sa tanggapan. Ako naman ay nagtungo sa silid ng hari.

Hindi pa ako kumakatok ay nagbukas na kaagad ito. Hinila ako ni Lyxus Aedion patungo sa kaniyang kama kaya nakita ko ang mga nakalatag na maliliit na damit.

" Ano sa tingin mo ang magiging anak natin? Babae o lalaki? " pananabik niyang tanong.

Nakatingin lang ako sa mukha niya na maaliwalas. Ang ngiti niya na halos umabot na sa tenga na pati ang mata niya ay nakangiti. Ramdam ko ang pananabik niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

" Lalaki ang gusto ko " sagot ko sa kaniya na ikinatingin niya sa akin. " Para masasapak niya ang mga mang-aaway sa kaniya " dagdag ko pa.

Umiling naman siya. " Ako, kahit ano ayos lang sa akin. Basta maging malusog lang siya " ngiting sagot niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

" Saan mo naman nakuha ang mga 'yan? " tanong ko sa mga gamit ng bata na nakalatag sa kama niya.


" Binili ko pero huwag kang mag-alala dahil walang nakakita sa akin. Kaunti palang 'yan dahil hindi ko pa alam ang kasarian ng bata. Sa oras na isilang siya ay doon ko palang maibibili ang mga-- " nagsalita na ako kaagad.


" Huwag mo sanang kalimutan ang sinabi ko sa'yo, hindi ka niya kikilalanin na ama " saad ko.



Nanatili siyang nakangiti pero ramdam ko ang lungkot sa mga ito. " Oo ngunit huwag mo sanang ipagkait na ibigay sa kaniya ang dapat ay sa kaniya " saad niya.


Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Inutusan ko na siyang maghanda upang makakain na kami ng almusal. Pinagbigyan ko siyang magsabay na kaming kumain upang hindi naman kahit papaano masama akong tingnan.



Lumabas na kami at nagtungo sa hapagkainan na nakahanda na ang pagkain naming dalawa ngunit sa kasamaang palad ngayong araw dahil kasabay namin ang kaniyang ina na kakadating lang.


" Aedion, puntahan mo ang iyong ama sa kaniyang kuwarto. May gusto siyang sabihin sa'yo " bungad agad ng kaniyang ina at umupo na. .

Tumingin naman siya sa akin bago umalis. Ako naman ay nagpatuloy sa pagkain.


" Napansin ko na nagiging malapit ka na sa anak ko " biglang salita ng kaniyang ina.


Uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot sa kaniya. " Ssae niya po kaya natural na maging malapit ako sa kaniya " rason ko.

Nakatingin lang naman siya sa akin at kita ko ang inggit sa kaniyang mga mata. Para saan?

Naging tahimik ang aming pagkain kahit na dumating na si Lyxus Aedion. Walang nagsasalita at ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng mga kubyertos.


Let Me Be Your CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon