Let Me Be Your Crown

2.8K 109 21
                                    


" Saan mo nakuha 'yang parol panghimpapawid na 'yan?  " tanong ng babae sa binata na nasa kaniyang harap. 

Tinanggal ng binata ang lukot na parol panghimpapawid sa harap niya upang mailapag ang paborito niyang tsaa.  Pinagmasdan niya muli ito kaya rumehistro ang ngiti sa kaniyang labi na ikinailing naman ng babae ngunit hindi na niya ito pinansin.

Inabala ng babae ang kaniyang sarili sa trabaho ngunit kapansin-pansin na hindi mainit ang ulo ng binata at nakangiti lamang ito. 


" Nagtagumpay na ba ang plano mo?  " hindi napigilan ng babae ang umisisa. 


Tumango naman ang binata at nagkuwento ng bahagya tungkol sa nangyari sa pag-iibigan ng dalawang nilalang na kaniyang napaglaruan. 

" Ang ibig sabihin ay sulat 'yan ng hari ng mga Ember?  " gulat na tingin ng babae sa hawak ng binata na malinaw ang pagkakasulat ang mga katagang 'Gusto kitang makitang muli'



Hindi makapaniwala ang babae sa mapait na nangyari sa pag-iibigan ng dalawang nilalang na pinakialamanan na naman ng binatang nasa harap niya. 


" Sa wakas hindi na sila nagkatuluyan " salita ng binata at marahang hinigop ang kaniyang tsaa.  " Sa pagkakataong ito,  ako ang panalo " ngiting malawak niya. 



" Bilib na ako sa'yo " napapailing na sabi ng babae. " Kung gan'on ay titigil ka na?  " tanong niya. 


" Hindi " sagot ng binata. " May kailangan pa ng tulong ko "


" Lagi namang may kailangan ng tulong mo.  Sino naman ang pagkakalooban ng tulong mo? " makahulugan nitong sagot sa binata at nagtanong na rin.


" Ang bunsong anak ni Witche Luna. " sagot niya. 


" Oh,  akala ko ba ang mga susunod na hari lamang ang mga pinipili mo.  Hindi naman siya ang susunod sa trono ng kaniyang magulang " nagtataka niyang sabi. 


Hindi niya mabasa ang tumatakbo sa isip ng binata.  Wala itong alam sa binata ngunit naging malapit na siya dito dahil na rin sa palaging pag-inom nito ng tsaa sa kaniyang tindahan.



" Susubukan ko lamang kung gagana sa kaniya ang mga planong ginawa ko noon sa mga hindi ko napagtagumpayan ko.  Pagsasamahin ko ang plano ko sa kaniya "


Dahil sa narinig ng babae mula sa binata ay dumulas ang basong hawak niya.  Sa ngayon palang ay naaawa na siya sa magiging kapalaran ng bagong laruan niya. 


" I-ibig bang sabihin ay may mamatay sa dalawang magmamahalan?  " tanong ng babae. 


Napakunot ng noo ang binata sa narinig niya. " Sa tingin mo ba hindi ako naging matagumpay sa mga Ember?  "


" Ha? " hindi naintindihan ng babae ang pahiwatig ng binata. 


" Hindi nagkatuluyan si Aedion at Reika kaya ako nagtagumpay sa tadhana.  Natalo ko sila. Hindi naging sila sa huli " paliwanag ng binata. 


Huminga naman ng malalim ang babae.  " Hindi porke hindi sila nagkatuluyan sa huli,  panalo ka na.  Hangga't hindi nawawala ang pagmamahalan nila sa isa't isa,  panalo pa rin ang tadhana.  Hindi rin masasabi na katapusan na ng istorya nila kapag may nawala ng isa sa kanila, dahil hanggang sa huli patuloy pa rin tumatakbo ang istorya ng kanilang tadhana. " rason naman ng babae at nagpatuloy sa pagsasalita na hindi napansin ang pag-iiba ng ekspresyon ng binata.

"Ang patunay ng tadhana na nagtagumpay siya ay ang anak nila na kasama na sa kanilang istorya. Hangga't nasa puso nila si Reika,  hindi mo sila natalo. "


Bigla namang kumulog ng malakas kaya napatingin ang babae sa labas ng bintana.  Nagtataka na parang kanina ay hindi niya napansin ang pagkulimlim ng kalangitan. 


" Oh saan ka pupunta?  " tanong niya sa binata nang tumayo.


" Maglalaro " simpleng sagot ng binata na nawala na ang ngiti sa labi dahil sa narinig niya.  " Sa mundo ng mga tao "


Dahil sa narinig ng babae ay tuluyan ng nahulog sa sahig ang hawak niyang baso. Tiningnan niya ang binata at hinihintay ang salitang 'biro lang' ngunit wala siyang narinig. Ang mundong tinutukoy niya ang mundo na sa alamat lang pinaniniwalaan ng mga lahat ng lahi at kung sakaling totoo man ito,  sa oras na makatungo ka dito ay wala ng paraan para makabalik ka sa totoong mundong kinabibilangan mo. 


At sa unang pagkakataon, " Sino ka ba talaga?  " nagtanong na siya tungkol sa binata.

Muling ngumiti ang binata sa kaniya. " Maraming salamat sa tsaa. Muli na naman tayong magkikita "


Tanging sagot niya lang at tuluyan ng lumabas. Sinundan lang niya ng tingin ang binata na unti-unting nagpalit ng itsura bilang isang matandang babae. 













Subaybayan niyo ang susunod na istorya ko 😊
I will take it more lightly lang sa next story ko.

Para updated kayo,  you can follow me naman e.  pero kung ayaw niyo,  de ayaw niyo.  wala naman akong magagawa hahahaha. 



- j u n j o u h e a r t -

Let Me Be Your CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon