Crown 16

1.7K 101 16
                                    

Hindi mapalagay ang aking tingin sa iisang lugar. Tila ba lahat ng nakikita ko ay kumikinang at nagliliwanag dahil sa ganda. Sobra akong namamangha sa ayos ng palasyo ngayon dahil sa isang pinakamahalagang okasyon na gaganapin ngayon.


" Dito tayo " akay sa amin ng isang katiwala kung saan kami mananatili habang inaayos pa ang aming gagawin.

Pumasok kami sa isang silid at doon nanatili. Nakaupo lamang ako habang hawak sa dalawang kamay ko ang pamaypay na gagamitin ko sa pagtatanghal. Maingat ko ring pinagpagan ang dumi sa puti kong damit. Tumayo naman ako at sumilip sa bintana kaya nakita ko ang mga nagdadatingin na mga Ember. Ang kasuotan nila ay mahahalatang galing sa marangyang pamilya.


" Vashit " lumingon ako sa tumawag sa akin. Isang katiwala kaya lumapit ako. " Pinapatawag ka ng hari " saad niya.

Nagdalawang-isip ako kung susunod dahil ganito rin ang sinabi noon na nagpanggap na katiwala pero isang kalaban na gusto akong kuhanin.

" Vashit, sumunod po kayo sa akin " utos niya.

Sumunod na ako dahil baka ang hari nga ang nagpapatawag. Ang isa pa ay nasa palasyo kami kung saan ligtas ako sa anumang kapahamakan kaya napaka-imposibleng makapasok sila dito.

Hawak ko ang pamaypay sa magkabilang kamay ko na hawak rin ang mahaba kong kasuotan. Huminto kami sa isang silid na pinagbuksan ng katiwala. Pumasok na ako sa loob at nagpasalamat sa kaniya.



Agad na bumungad sa akin ang mag-amang nakatingin sa akin.

" Va..shit? " patanong na banggit ng pangalan ko ng hari.

" Ako nga po " sagot at lapit ko sa kanila. Yumuko ako bilang paggalang at umupo na ng paupuin niya na ako.


" Hindi kita nakilala. Akala ko ay isa kang dalaga " saad niya habang nakangiti.

Nailang naman akong ngumiti sa kaniya. Hindi lang naman siya ang unang nagsabi na para akong babae sa aking kasuotan. Naiilang lang ako dahil hindi ako sanay sa ganoong uri ng pagpupuri.


" Kamukha mo si Tala " salita ng prinsipe kaya napatingin ako sa kaniya na nakatingin sa akin. Ayaw ko man siyang purihan, ay hindi ko maiwasan. Bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang pulang kasuotan na may halong asul.


" Nandyan ba siya ngayon? " tanong ko na ikinailing naman niya kaya napabuntong hininga ako. Pinagdadamot niya talaga sa akin si Tala.


" Bakit niyo po pala ako pinatawag? " baling ko na sa hari.

" Ngayon ang araw na may magtatangkang pigilan ang aking pagpapaalam sa araw ng pagpapasa ko ng korona kay Aedion, tama ba? " salita ni Lyxus Silas.

" Opo " sagot ko.


" Ngayon ko na ipapasa ang korona sa aking anak " saad niya na ikinagulat ko.

" Ama " tila hindi rin inaasahan ng prinsipe ang kaniyang maririnig. " Ang ibig sabihin ngayon niyo rin ipapakilala siya bilang aking Ssae " dagdag pa ng Prinsipe.

Tumango ang hari habang nakangiti. " Hindi ko na dapat patagalin pa ang pagpapasa ng korona sa'yo. Gusto kong bigyan ng mensahe ang nagbalak ng pagbubunyag na wala kang ng Gerna na hindi basta-basta makukuha ang posisyon mo. " sagot niya sa kaniyang anak kaya napatingin si Prinsipe Aedion sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.

" Paano kung hindi naman totoo ang kaniyang sinasabi? " pagdududa ng prinsipe.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. " Ngayon ay pagdududahan mo ang aking kakayahan " sabi ko habang napapailing.

Let Me Be Your CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon