CHAPTER FIVE:😒

1 1 0
                                    

JANE'S POV

"Bakit?"tanong ko kay James

Anong meron kay kapitan Juan para maging ganun kaseryoso si James?

"Bakit? Kasi isa syang...









Playboy hahahhahahaahah"tatawa tawang wika ni James.So,happy lang sya?

"Not funny you know?"walng gana kong bigkas habang sya ay di matigil saa pagtawa.

"Bakit ang seryoso mo masyado? Joke lang naman yun eh haha pero naramdaman ko talagang natakot ka eh"wika ni James.

"Uyy di ako natakot no.Sayo kasi ako natakot kasi ang panget mo mag joke!"wika ko at agad na tumakbo papuntaa sa bahay nila ng masilayan ng malapit na kami.

Nang makapasok ako sa loob ay nadatnan ko na naghahain ng pagkain si lolo itong.

"Oh Jane iha andyan kana pala.Halina't kumain na tayo,asan na nga pala si Jaime?"ani lolo itong.

"Umm papuntaa na po yun."Wika ko at saka lumapit papunta sa kusina.Nakita kong kamote at karne lamang ang nakahain.

"Ahh wala po baa kayong kanin?"tanong ko.Hindi ako mabubusog kung kamote at karne lang ang kakainin ko.

"Ano iyon iha? Wala kaming kanin dito.Hindi ko alam kung anong itsura noon."ani lolo itong."Oh iho kain na!"pagtawag ni lolo kay James nang masilayan ito sa pintuan.

"Ahh kain na James."pang aalok ko rin kay James na kinangiti nya naman.Muli akong bumaling kay lolo itong paraa ituloy ang pakikipag usap namin.

"Ang kanin po sa amin ay ang pinakamahalagang pagkain sa aming mundo.Kung walang kanin ay hindi ka kaagad mabubusog.Hugis oblong sya na maliit."wika ko at dinagdagan ko pa ng action.

"Wow gusto kong matikman yun!"singit ni James sa usapan namin.Naiikot ko na lamang ang mga  mata ko.Masyado syang epal.

Kumain na lang ako ng kumain kahit diko type yung lasa pero nakakailang subo palang ako ay busog naa busog naa agad ako.

"Im full already?Nakakailang kagat pa lang ako ah?"tanong ko saa sarili ko.Medyo may pagka baliw kasi ako minsan.

"Dito kasi sa mundo namin ay ang kamote ang pinakamahalaga na agad makapagpapabusog sayo"ani james at tumayo na dahil tapos na syang kumain.

Tinulungan ko si james na magligpit sa lamesa.Tinulungan ko narin si James sa paghuhugas ng kaunting plato.

Hindi ko alam kung hanggang kelan ako dito pero gusto ko ng umuwi.Gusto ko ng mag sorry kay mom at yakapin si Jaypee.

"Halika na Jane,matulog na tayo"aya ni James kaya napataas ang kilay ko.

"Matulog ka! Bakit kaylangan isama mo pako?"tanong ko.Anong matulog kami? Kami? Ano yun magkatabi?

"Hindi ka pa matutulog?"tanong nya

"Matutulog syempre kasi gabi na pero mag isa lang ako matutulog hmmp!"maarte kong sagot

"Eh gabi na eh"wika nya

Oh ano naman kung gabi na?

"eh ano??"tanong ko.Natawa sya sa sinabi ko.May nakakatawa ba?

"Edi hindi kana mag iisang matulog kasi marami na ring matutulog.Nakakatawa ka talaga Jane"ani nya kaya pakiramdam ko napahiya ako.

Ano ba kasi iniisip nitong utak ko? Inaya lang matulog feeling magsisiping na? Aishh.. makatulog na nga.

*kinaumagahan*

Nagising ako ng makarinig ng isang magandang tunog na parang gitara at isang magandang tinig.

Bumangon kaagad ako upang sumilip sa pinto kung sino yun.Nang masilayan ay nakita ko sa sala si James na tumutugtog at kumakanta.

Ang ganda pala ng boses nya no? Parang boses lang ni Xastron.

Napaluha na lang ako ng maalala kong wala na kami.Nakakainis lang na kailangan nya pakong saktan ng ganun.Pwede naman syang makipag break ng hindi sinasabing niloloko nya lang pala ako sa simula pa lang.Akala ko sya na ang lalaking iibig sa akin ng tapat dahil sa mga nakasanayan kong ugali nya.

I miss him so bad pero wala na.

"Gising ka na pala Jane"natauhan ako ng marinig ang boses ni James kaya agad akong tumalikod at saka pinunasan ang mga luha ko.

"Umiiyak kaba?"tanong nya kaya humarap naa ako kaagad sa kanya at saka ngumiti.

"Ako umiiyak? Huh no way.By the way good morning"paiba ko na lang sa kanya at saka pumunta sa banyo para mag ayos ng sarili.

Pagkatapos ay lumabas naa ako at binati si lolo itong ng magandang umaga pagkakita ko.

Ngumiti at bumati naman ito pabalik.

Lumabas na lang muna ako ng bahay para magpahangin.Gusto kong makalimutan si Xastron dahil kahit anong gawin ko,ay hanggang dito ay sumusulpot sya sa utak ko.

Nang makalabas ng bahay ay naglakad ako papuntaa sa aking nasilayang puno na kulay silver ang dahon.

Nakakarelax sa paningin ang kulay nitong dahon dahil ngayon pa lang ako nakakita ng ganitong kulay ng dahon.

Umupo ako sa malaking ugat ng puno para mamahinga.Naalala ko pa yung araw na isinama ako ni Xastron saa park noon.

Sh**t!!sabi ko kakalimutan ko na sya diba? Bakit ayaw parin nyang maalis sa isip ko?

"Edi mahalin moko para makalimutan mo sya"nagulat ako ng marinig ang tinig ng isang lalaki sa aking likuran na parang kanina pang nakatayo roon.


Itutuloy...

----
~chuchu~
Whats up readers?musta araw nyo?

At kumusta rin kung ayos lang baa ang kwento?maikli ba?

Comment,vote and follow me mga readers(mga kachuchu🌟)
labya all😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNDER THE BEAUTIFUL DREAMS(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon