Chapter 12: Her last words

176 7 4
                                    

A/N: Hello! Hahaha, third person's pov ang gagamitin ko dito, hehehe, mas nadadalian kase ako kung ganito. :))) i-play nyo yung mv sa baba ha, ganda ng song na yan!

Oh sya ito na po, asahan ko comment guys! :)) Muaaaaaaah :**

@SheIsSushiGirl dahil miss na miss na kita, hahahaha. dedic ko to sayo! Ingaaaaat!

Baguio Trip Day 1

Third Person’s POV:

Hindi mapakali sa upuan si Maxi, hindi kase nya maiwasang magisip tungkol kay Tristan at Sandra, naalala nya rin kase yung time na nakita nya si Tristan with that girl also sa restaurant. [see Chapter 3]

Lumilipas ang oras pero nakatingin sya sa kawalan, nag-aalala na din ang barkada, hindi naman nila matanong dahil alam naman nilang wala silang makukuhang sagot kaya nagpagkasunduan nilang umpisahan na ang pamamasyal.

“Maxi, punta na daw tayo sa Burnham Park.” Pag-aaya ni Des.

“Sige, akyat lang ako. Sunod na ako sa sasakyan.” Ang sagot ni Maxi sa kanya.

Tuloy-tuloy lang sila, walang imikan na nangyayari sa sasakyan, ang tahimik, nakakabingi ang sobrang katahimikan. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

“Guys.” Sabay sabay na sabi nila maliban kay Maxi, parang iisa lang ang takbo ng mga utak nila, magkakadikit ang mga veins.

“What is it?” Si Maxi ang tanging sumagot.

Nagpaliwanagan lang ng mga pupuntahan pero mabibilang mo ang pagbuka ng bibig ni Maxi, sobrang hirap sa barkada ng sitwasyon dahil wala silang kaide-ideya kung ano ba ang nangyayari.

Mga bandang hapon na sila nakarating sa Park, sumakay sila sa bangka para maikot ang Burnham Lake, naglakad-lakad, tumingin sa mga souvenir shops pero hindi muna sila namili, sa huling araw na lang daw.

Nang mapagod sa pamamasyal at dala na rin ng gutom, nagdecide sila na sa SM Baguio na lang kumain ng dinner, nag-arcade din sila, wala pa ring pagbabago kay Maxi, ang barkada hinayaan na lang alam din kase nila na magsasabi at magsasabi din ito.

Sa sobrang pag-iisip ni Maxi, hindi na nya alam ang gagawen nya, ang sikip sikip sa dibdib nya, may kung anong tumutusok dito dahil sa saket na dala ng nakaraan, simula ng makita nya si Tristan hindi maiitanggi na namiss nya ito at may part pa rin sa kanya ang nagsasabi na mahal pa ito.

“Guys, tara sa bar.” Aya ni Maxi, doon alam nyang malalabas nya lahat ng sama ng loob na kinikimkim nya kanina pa.

Walang sumagot sa barkada, nagkatinginan sila at sa mga tingin na yon tila naguusap ang mga mata nila.

“Ok, let’s go.” Si Hanzel ang sumagot.

Party party ang nangyari, may kung ano-anong pakulo si Je-M, maharot pa din sa bar, madami din kaseng tao kaya boy-haunting ang peg nya. Tuloy tuloy naman sa pagkwekwentuhan yung apat.

Konti lang ang ininom ni Hanzel, Mae Mae at Des kumpara kay Maxi, alam nilang in any minute uumpisahan na neto ang pagkwewento.

Shot lang ng shot, pansin nilang lumalakas ang tawa ni Maxi kasabay ng pagpahid neto ng mga pakonti konting luha sa mata. Sa mga pagtawang yon ay kasabay ang paghikbi, tumabi na sa kanya si Des at Mae mae.

*sobs* na-na-kita ko sya, with he’s girl *sobs*” nawala ang mga tawa ni Maxi, pumalit ang patuloy na paghikbi at iyak. Sumusuporta naman sa kanyang ang mga kaibigan at patuloy na nakikinig.

“I said, I move on *sobs* pero baket ganto kasakit na *sobs* marinig sa kanya yun. Guys, hindi pa ba sapat ang isang taon? *sobs* Bakit hindi ko sya magawang kalimutan *sobs* ?

A Friend Or a Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon