Chapter 3: First Heartbreak

299 9 2
                                    

A/N: Comment? salamat po sa pagbabasa. muah! Play the video on the side, maganda po yung lyrics nan, para sa mga lihim na nagmamahal. :))

Enjoy po!

Third person’s POV:

Pagkapunta nila ng mall, nagikot ikot lang sila tapos saka sa Icecream parlor.

Masayang masaya si Maxi, minsan lang kasi mangtreat si Han dahil sobrang kuripot nito, sinasabi pa nga na may bulsa daw  to sa balat! 

Iniwan muna ni Han si Maxi sa parlor, nagpaalam kasi sya na magCCR sya.

Han’s POV:

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

May nakakuha ng atensyon ko.

Pabalik na sana  ko kay Maxi kaso alam kong magugustuhan nya to.Nakakita ko ng sale na wrist bag tapos dolphins yung design.

“Miss, may ibang color pa ba kayo neto?” tanong ko dun sa sales lady.

“Ahm sir, yan na po kasi yung last product namin eh.”

“Sayang naman, cute sana kung pink!” Ayy potek! Masyadong kabadingan na tong sinasabi ko, baka akala neto eh bading ako.

Sa gwapo kong to! Madaming babae ang magluluksa kung magiging bading ako!

Tumitig pa sakin tong sales lady, err!  “Sir, cute din naman yang blue. Kunin nyo na po?”

Tiningnan ko yung price.

P599.00 HUWAAAAAAAAAAAAAAT? Sale na to ng lagay na to?

Laglag ang panga ko eh!

Nako nako, mamumulubi ako kay Maxi kapag laging ganito.

Hayaan na nga, mabili na lang. Cute naman, tsaka isa pa alam kong matutuwa yun dito.

^_____^

Lakad.

Lakad.

Lakad ulet.

Kitang kita ko dito sa kinatatayuan ko si Maxi, pero nagiba yung aura nya.

Halata ang lungkot sa mga mata nya, ano na naman bang iniisip ng babaeng to. Ay nako, malapitan na nga.

Kulbit.

Kulbit.

>__> tingin sa kanan..

<__< tingin sa kaliwa..

“MAXI!” sigaw ko sa tenga nya.

“…..”

Walang pakialam? Para lang kasi kong tanga dito sa harapan nya, hindi nya ko mapansin pansin, basta tulala lang, problema neto!

“Uy Maxi!”

“……”

Nakakainis na, bat hindi to namamansin.

Napansin ko syang tumingin sa kabilang resto.

At nakita ko dun ang isang demonyo na pinabalik ni Satanas mula sa impyerno!

Anak ng tuko kung makadikit yung malademonyita nyang kasama!

Hudas barabas hestas! BUSET talaga! >___<

Nakakapanggigil! Lintek na First Love yan, pasakit eh! taon na nga ang lumipas, wala pa ring kupas!

“Maxi, let’s go. Tara na alis na tayo dito.”

A Friend Or a Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon