Chapter One : "P*kyu mo, Nezi."

240 1 0
                                    

    Ako si Mia De Jesus. Certified music lover at isang consistent top three student sa klase na laging may average na 87.99. EX-boyfriend ko si Nezi Kyle Velasquez. 9 months. First boyfriend. First kiss. First date. First hug. First holding hands. First love. Tapos nagsawa na lang daw siya bigla sa akin. Ako daw ay dakilang nakakasakal. Kulang na lang daw chain para totoo. Umiyak ba ako? Oo naman. Naka'move na ba ako? Eh kung magbasa ka kaya ng title paminsan-minsan?

"And our top three is. . . " Nagsulat ako ng "YEHEY" sa notebook ko dahil alam kong ako na naman ang tatawagin. "Nezi Kyle Velasquez! Congratulations!" Gulat na gulat akong tumingin sa adviser namin.  "Bumaba ka Mia, I'm sorry hija. Top seven ka na ngayon." Oh My God. Panaginip ba ito?! No!

    Maiiyak ako. Oh my gosh, oh my gosh. Hinawakan ko ng mabuti ang bolpen ko at huminga. Ngayong break na kami ni Ne-ne. . . Ne. . .Nezi, siya pa ang pumalit sa pwesto ko?! Oo, classmate kami. Sabi nila magtatagal daw kami. Echoserang mga frog yun. Di na ako makakabawi next grading, dahil isang month na lang bago kami ga-graduate. 4th year na ako, obviously.

"Mia. . ." Magsasalita pa lang si Nezi sa harapan ko nang mag-ring ang bell. Tumayo ako. "Congratulations for being the 7th." Nag'nod lang ako. "I'm sorry for taking your place though."

"It's okay basta ikaw. Sige na, alis na ako Ne. . ." Shet, di ko mabigkas ang name niya! "Nezi. . "

   Usually magtatatalon ako sa tuwa dahil top three na si Nezi pero wala na akong karapatan. Lovers can never be friends! Sino maysabing pwede?! Di ba nila alam na dun nagsisimula ang mga lovers? How can they go back to being 'normal' when it's going to bring back memories?! Kaya hindi kami friends ni ex.

    Paglabas ko ng room, nagsilapitan ang mga may crush kay Nezi. Currently, nalilink siya kay Keza, oo may 'Z' din ang name. Bagay sila 'no? Okay ang bitter ko. Lagi silang magkausap na parang may secret something. . .hay! Gusto ko silang tignan pero baka makita ako ng mga alipores ni Keza at sabihin di pa rin ako maka'move on. Ako na obsessed!

"Sarap talaga isarado ang pinto!" Sabi ko na lang sa sarili ko habang naglalakad papuntang canteen. Ang hirap talaga pag kaklase mo lang ang boyfriend mo.

"Mia!" Si Leng. Di ko classmate pero bestfriend ko yan since Grade School. "Samahan mo nga ako kay Miss Falgar, magpapasa lang ako ng requirements!" Tapos nagkapit-kamay kami papunta sa Disclipinary Councilor namin.

"Maa'm, magpapasa lang ho ako ng requirements." Tapos ibinigay na ni Leng kay Miss Falgar.

"Pakitawag mo nga Mia yung boyfriend mo at kakausapin ko." Nabigla ako. Di pa alam ni Miss?! "Oh bakit?"

"Miss, wala na po kami." Nabigla din ang Disciplinary Councilor namin.

"Ha? Bakit naman? Naku, lapit na kayo mag-one year, dun pa kayo nagbreak. Pero tawagin mo pa din kasi kailangan ko siya makausap." Nagnod na lang ako. "Kaya pala puro Keza nalilink dun eh." Ngumiti na lang ako ng pilit tapos lumabas.

"Nakakabitter naman 'tong si Miss sayo. Hahahaha, osige salamat sa pagsama ha. Tawagin mo na yung si Nezi, ayeeee." Nag'roll na lang ako ng eyes tapos naglakad na pabalik ng classroom. Matatapos na ang Recess anytime.

   Aisstt! Ang ayoko talaga sa lahat eh yung ipapatawag sa akin si Nezi. Kahit alam naman nilang wala na kami, para lang daw may magbalik. Wala na nga eh. Wala na. Imposible na. Siya na nga yung unang bumitaw sakin eh, di naman ako desperada. Oo, inaamin ko na naging obsessive ako sa kanya noon at naging posessive. Osige na nga! Ako na! K.

   Anlapit ko na sana sa classroom nang may makita ako sa loob ng dinadaanan kong CR. Naghahalikan na babae at lalaki sa loob ng CR. Hindi naman yung make out thingy, pero yung kiss sila ng kiss pagkatapos ng 5 seconds. Teka, zoom in. . .zoom in. . .asdfghjklanjsbafhbfwhdbfew!!!

Si Nezi at si Keza pala yun.

Bukas ko na lang sasabihan si Nezi </3 Mukhang busy ata sila. At eto pa, may narinig pa ako.

"So ang posessive ba talaga ng ex mong si Mia?"

"What do you think is the reason why you're kissing me right now?"

P*kyu mo, Nezi.

I CAN'T MOVE ON!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon