"Hoy Luis, ba't ka ba nandito?" Kanina ko pa tinatanong 'tong gwapong nilalang sa harapan ko pero hindi niya ako sinasagot---hindi sa panliligaw, kundi sa tanong. "Anong 'claim back what's mine'? Hello? Ako kaya yung iniwan mo, gago to. Nakikinig ka ba?"
"No." Ibinaba niya ang kapeng hawak-hawak niya. "Ang ingay mo, Mia. Ganun na ba talaga ang epekto ng pag-iwan ko sayo? Dapat pala di kita iniwan eh. Teka," Tinignan niya ako sa mata. "To whom were you singing for?" Naku, lagot na... Hindi niya kaya pwede malaman! "Sagot!"
"W-wala. Ano ba! Ano ba 'yang mga tanong mo, ang we-weird. Wala akong boyfriend, Luis."
"Ex?" Napalunok ako ng isang basong laway... "Mia..."
"Y-yeah...pero matagal na kaming break nung recent ex ko. 1 year na." Dehjk, 2 months pa lang nga eh. "Kaya, wala. Wala talaga." Ngumiti si Luis. "Anong nginingiti-ngiti mo diyan?"
"Wala. Maganda ka pa rin." Napablush tuloy ako ng wala sa oras! "Still have the same effect on you, then?" Napatingin ako sa likuran ni Luis---si Nezi...kasama si Keza. Nakatalikod sila sakin. Biglang parang ang sikip-sikip ng puso ko at nanuyo yung lalamunan ko---tila nawala lahat ng epektong binigay sa akin ni Luis. No, he doesn't have the same effect anymore. "Balita ko...kaklase mo daw yung ex mo? Pakilala mo nga sakin." Napatingin ulit ako kay Luis.
"Ha? Bakit naman? Aanohin mo?" Nagkibit balikat siya.
"Magpapasalamat." Ano raw?
"Para san?"
"Kasi binitawan ka niya." Ngumisi siya ng malapad. "Please give me another chance, Mia."
"LDR na naman, Luis? Ayoko na. Nakakapagod na." Kumunot ang noo niya.
"No. You'll be studying with me when you graduate." Nanlaki ang mga mata ko.
"DUN KA NAG-AARAL?!" Napatayo ako.
1st year college na si Luis. One year ahead. Sa Liberty Condensada University siya nag-aaral...yung dream school ko. Matagal na. Alam din ni Nezi yan---akala ko nga makakasama ko siya sa eskwelahan na yan...nangako kasi siya sakin na kung san ako mag-aaral, dun din siya. Mukhang malabo nang mangyari yun.
"IF you'll give me another chance...I might be with you." Might? So hindi pa siya dun nag-aaral? Mag-aaral siya dun kapag binigyan ko siya ng chance?
"Luis, magiging pranka ako..." Tinignan ko siya sa mata. "Hindi ko pa nakakalimutan ang ex ko. Masakit pa din. Hanggang ngayon, masakit pa din. I can't give you a chance when I can't even give myself one." Parang binagsakan ng langit at lupa si Luis.
"I guess pursuing you again won't work now..." Ngumiti siya kahit alam kong basag na basag siya. "Hindi nga pala kita iniwan..." Tumayo na siya. "Lumayo lang ako kasi narinig 'kong gusto mong abutin yung mga pangarap mo na mag-isa." Pangarap ko kasing maging singer... "Pataas ng pataas ka kasi nun eh, ni hindi mo na ako natatawagan at nakakausap..." Ngumiti ulit siya. "You found someone else, you reached your dream somehow...I guess I'm alright."
With that, he left.
Akala ko magiging kontrabida siya, yun pala panandalian lang. Alam kong busy siya at lahat pero pinuntahan niya ako rito para lang humingi ng chance... Chance. Ayokong paasahin lang si Luis. Ang gwapong nilalang na yun, kailangan ng mas deserving na babae. Hindi ako yun ok. Hindi ako.
Nakatanga pa ako nang bigla akong natamaan ng bola galing sa Volleyball girls.
"Sorry Mia!" Sigaw ng isang player, hinimas ko yung ulo ko sabay tapon sa bola pabalik sa kanila.
Habang hinihimas ko yung parte ng ulo ko na natamaan, nahagip na naman ng mga mata ko si Nezi. Mag-isa siya, nakaupo sa bench at tila may katext. Bigla siyang napatingin sa akin galing sa pagtetext niya. Ilang segundo kaming nagsukatan ng tingin.
"Mahal pa rin kita..." I mouthed to him---pero hindi niya ako nakitang sinabi yon, bumalik siya sa pagtetext niya. "Naririnig mo ba?" Bulong ko. Malamang hindi niya maririnig, buti sana kung hayop siya---ay, oo. HAYOP SIYA! HAYOOOP! Hayop talaga.
Patapos na ng patapos ang araw. Ending act na nga yun kanina, kaya free time for all the students na lang. Kung kami pa rin siguro ni Nezi ngayon, siguro----
I'm standin' on the bridge
I'm waitin' in the dark
I thought that you'd be here by now
There's nothing but the rain
No footsteps on the ground
I'm listening but there's no sound
Ay putaragis talaga! Pang-emote na naman yung kantang pinapa-play dito sa gym... Kainis. Biglang may nakatutok na spotlight sakin. Nagsitigil lahat ng mga naglalaro, nagtsitsismisan, gumagawa ng not like ours, nakatanga at nakanganga sa pagtutok sa akin ng maliwanag na ilaw na yun.
Maya-maya, biglang tumutok din ang isang 'pang spotlight kay Nezi na nakaupo sa bench. Bahagya siyang nagulat pero walang ginawa. Hinanap ko sa paligid si Keza, pero wala. Wala, hindi ko siya makita. Kakalbuhin niya ako panigurado dahil sa nangyayari!
Isn't anyone tryin' to find me?
Won't somebody come take me home?
It's a damn cold night
I'm tryin' to figure out this life
Won't you take me by the hand?
Take me somewhere new
I don't know who you are
But I'm, I'm with you
I'm with you
Kapag nalaman 'kong pasimuno na naman 'to ni Prince, kakalbuhin ko din siya! Mauuso ang kalbuhan dito sa Pinas, I say. Nakaplay pa din yung kanta. Gusto ko nang lamunin ng lupa at wag nang ibalik pa! Bakit ba kasi 'to nangyayari? Teka, diba dapat gustuhin ko 'to? Pero hindi eh...feeling ko hindi tama. Wala na kami.
I'm looking for a place
I'm searching for a face
Is anybody here I know?
'Cause nothing's going right
And everything's a mess
And no one likes to be alone
"Sumayaw daw sa gitna yung natamaan ng spotlight!" May sumigaw mula sa God-knows-where. Natamaan? Parang nabaril lang? Adik. Sasayaw? Hello?! Parehong kaliwa ang paa ko---alam na alam ni Nezi yan! Kaya nga lagi akong nakakaapak ng tao sa prom eh!
At parang NeMia---este sakit na nagkalat ang isinigaw ng taong yun at nagrequest lahat ng mga estudyante na sumayaw daw kami ni Nezi.
Hindi niya gagawin yan.
He won't.
Wala na, Nezi diba? Hindi mo naman talaga gagawin.
Dahil kapag tumayo ka diyan at isinayaw ako...
Marahil baka mahal mo pa ako.
Ayaw mo kasi ng public display of affection diba?
Ayaw mo.
Tsaka---
"OMG TUMAYO SI NEZI!"
BINABASA MO ANG
I CAN'T MOVE ON!!!
Teen Fiction"Is moving on just all about forgetting the person you once loved? Or is it all about accepting the fact that that person isn't the one for you? Most of all, should you move on, at all?" - A 10-chapter story about how a girl tries to move on from he...