Papauwi na ako nang umulan ng araw na yun. Oo, andito pa din ako sa school. Buti na lang tapos na ang araw na 'to. Ayoko na! Ang hirap naman ng move on na yan. Pano ba magsisimula?! Di ko alam eh. Turuan niyo nga ako. Nakakainis si Nezi eh. Kung naging posessive man ako sa kanya, yun ay dahil mahal ko siya :'(
"Walang justice ang waiting shed, Mia. Nagpapaulan ka na oh!" Tinignan ko ang nagsalita. Si Nezi. Inirapan ko. "Nande-dedma ka na?"
"Wag mo nga akong kausapin."
"Eh kung sumilong ka kaya muna."
"Eh pakielam mo nga kaya muna."
Katahimikan. Antagal ng Kuya ko, siya lagi sumusundo sakin simula nang magbreak kami ni Nezi eh. Si Nezi tigahatid sakin sa amin for 9 months. Nahirapan ako sabihin kay Kuya na araw-araw na akong magpapasundo sa kanya eh kasi akala niya 'going strong' kami.
"Ang sungit mo na, Mia. Epekto ba yan ng break up?" Gusto ko siyang murahin sa katatanong niya sakin na para 'bang magkaibigan kami. Di ko na sinagot tanong niya. "Ihahatid na kita. Hindi ka susunduin ni Kuya Kris ngayon, may meeting siya."
"No thanks, magco-commute na lang ako." Naglakad na ako sa ulan. Napatigil lang ako sa paglalakad nang marinig ko boses ni Keza sa likod ko.
"Nez! Sabay naman tayo, tutal manliligaw ka na din naman. Haha!"
Tinignan ko sila. Wow, pinayungan agad ng magaling kong ex si Keza. May payong pala ang gago. Ok fine whatever. "Uy, kawawa naman si Mia! Walang payong. Isabay na natin. Miaaa!!!" Lumingon ako ulit. Naknangtinapa talaga 'tong si Keza! Ugh! "Sabay ka na samin!"
"Wag na. Sige bye. Ingat." Umalis na ako sa harapan nilang dalawa. Ex ako. Ex ako. Ex ako. Ex ako ni Nezi Kyle Velasquez na kasama ni Keza Cheriko sa ilalim ng payong. Ex lang ako.
Nandun na ako sa antayan ng jeep pero nakaka-jirits lang dahil puno lahat! Pwede 'bang maglupasay dito? Wala si Kuya Kris. Hindi ko alam pano mag'commute. Seryoso ako. Basang-basa na ang gamit ko at ang report ko sa Science. SIP, ika nga. Gagawin ko na lang 'to ulit bukas.
3 oras na akong naghihintay ng jeep pero pinagkakaitan ako ng kalsada. Maglakad?! Ano kayo, hilo?! Kailangan ng jeep papunta samin. Ngayon lang ako hindi sumakay ng sasakyan pauwi ng bahay. Umupo na lang ako sa gilid ng kalsada. Kung lalagnatin man ako bukas o mamaya, kasalanan ko. Minsan kasi pinapagalitan nila Kuya ang mga kasama ko pag nabasa ako ng ulan. Ngayon wala. Wow ha, single po kasi ako ehhhhh.
"Ihahatid na talaga kita." Tss, andito na naman ang ex kong ayaw paawat. "Magco-commute? Ni hindi mo alam anong jeep ang sasakyan mo." Nakakaloko yun ah! At least may desire akong mag-commute! :( "Tumayo ka na diyan at ihahatid na kita and don't worry, ngayon lang at pinaka-huli na 'to." Oo, dahil si Keza na ang ihahatid mo araw-araw.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod sa kanya sa sasakyan niya. Yeah, licensed driver na si Nezi. Wag niyo na itanong kung bakit dahil ganun talaga. . .baka kasi matandaan ko pa yung mga napagdaanan niya KASAMA KO nung kinukuha niya pa yung license niya. Baka tadyakan ko lang siya sa inis dahil baka maiyak ako.
Naka-play na agad ang stereo sa loob. At lintek lang kasi nakakapatama ang kantang naka-play ngayon. Nezi likes Elliot Yamin kaya lagi yun naka-play sa stereo niya. Gusto niyo ba pakinggan ang kanta? :(
I'm just laying in my bed
Hand up on my head
Can't get any rest
Thinking what you meant to me
Right before I saw you leave
Sabi na eh, andito na naman 'tong mga clichè na scenes na 'to katulad ng mga nababasa ko. Akala ko hindi mahirap ang feeling kasi kanta lang pero bawat lyrics kasi na lumalabas sa bibig ng singer, pumapasok sa utak ko! Para akong tinotorture. Ah si Nezi? Naku, kahit naman anong gawin niyo dun, naka'move on na yun. Mas nauna pa sakin. . .may Keza na nga oh. Tss.
Did I ever make the time for you,
More important things to do,
Don't know how to open up,
Did I do the little things
And now I know how much it means
And I can't stand the rain no more
Cos now it hurts like never before
I can't go another day living with this pain in my life
"If you're uncomfortable about the song, you can shut the stereo or you can change the song." Nag'nod na lang ako sa sinabi ni Nezi. Shut the stereo or change the song? Sana ganun na lang din sa puso. Pinindot ko na yung next button at ibang kanta na naman. . .mas msakit pa ata sa isa.
Is this the way that it goes when it's falling apart?
Maybe it's time to let go
'Cause what if the best is yet to come?
What if we're broke but not undone?
What if we're not what we've become?
How do I know? How do I know when it's over?
Bwisit na mga kanta, oo. Eh kung i-off ko na lang kaya 'to? Pati 'to, nakikisama pa sa sakit. Oo na, edi si Nezi na nakamove on! Ako na 'tong sawi dito na parang tanga na nakaupo sa tabi niya na umaasa na baka meron pa kahit ang totoo, wala na.
I shut off the stereo.
"Mia, are you okay?"
"Oo."
"I'm sorry."
"For what?"
"You know what I'm talking about."
"Ganun naman talaga parati. Somone gives up on me, eventually. It's not your fault."
"I wish I could ease your pain right now."
"You can't ease my pain when you're the reason behind it." Natahimik kaming dalawa sa sinabi ko.
Huminto ang kotse sa harap ng bahay at dali-dali akong bumaba. I thanked him and went in the house. Noon, ibang scene ang nadadatnan ko sa harapan ng pinto; him watching if I safely went inside the house pero ngayon wala na.
Am I really that posessive and obsessive for him to leave me? :(
BINABASA MO ANG
I CAN'T MOVE ON!!!
Teen Fiction"Is moving on just all about forgetting the person you once loved? Or is it all about accepting the fact that that person isn't the one for you? Most of all, should you move on, at all?" - A 10-chapter story about how a girl tries to move on from he...