"What?! Magperform sa festival?! Ano 'to, joke?" Seryosong nakatingin sa akin ang mga officers ng Student Body Council. "Hindi ako kumakanta sa harap ng mga tao."
"And hindi ka din kumakanta pag wala si Nezi sa audience, am I right?" Si Prince, SBC President. "Come on Mia! Ilang minutong kanta lang naman ang ipapakita mo sa stage. Kahit anong song na gusto mo, pwede mong kantahin basta kumanta ka. We really need an ending act, wala nang available. Ikaw na langggg, please?"
"Eh kung bitawan niyo kaya muna ako?" Hinawakan ng 1st & 2nd year representative ang mga kamay ko para di daw ako maka-alis at makatanggi.
"Orders are orders." Sabi nilang dalawa.
"Sige kayo, di ako kakanta! Masisira ang festiv---" Binitawan na nila. "Good boys. Oo na, sige na. Kakanta na ako. Happy?"
"Thank you Mia!" >:D< Tatakbo na sana silang lahat para yakapin ako pero lumabas na ako ng conference room. Ganun ka-adik ang SBC namin, basta may kailangan, hindi ka tatantanan.
Dahil sa pagmamadali kong lumabas, nakabangga ako.
"Sorry!" Si Vince pala. Member yan ng Basketball team namin, one of the star players. Haha! Gwapo din yan. Actually. . .teammate sila ni Nezi. Nezi is the captain ball.
"Kung maka'sorry ka naman parang ang laki ng kasalanan mo, hahahaha." Bigla niyang ibinaba ang mukha niya sa mukha ko para magkalevel kami. "Umiyak ka ba?"
"Ha? Wala 'no!"
"I mean hindi ngayon, kahapon o kahit nung isang linggo. . ."
"Bakit? Well, yeah."
"You don't look happier just like last time. Tss, sorry ah. Ang gago kasi ni Nezi. Hayaan mo, favorite girlfriend ka pa rin ng team. Promise." Sabay ngiti niya. "Sige alis na ako. Duty calls." Tapos umalis na siya sa harapan ko.
Lagi kasi akong bumibisita sa gym para panuorin mag-practice at maglaro ang Blue Leopards. Ayun, kapag andun ako lagi akong kinakamusta ng team, actually kaming dalawa ni Nezi tapos binibigyan ko din sila ng Polvoron parati kapag andun ako kasi alam ng Mom ko na gusto ko talaga yung team kaya free sa kanila yung Polvoron niya.
At sabi pa nila ako raw ang favorite girlfriend nila sa lahat ng girlfriend ni Nezi. Well guys, ibahin niyo na ang favorite niyo dahil si Keza Cheriko na naman ang magiging girlfriend ng captain niyo. Bitter? Hahahahahahaha k fly. Makabalik na nga ng classroom!
Pagkabalik ko dun ang nice ng view. Si Nezi, nakabihis na ng jersey niya habang nag-uusap sila ni Keza. Si Keza din ang naglalagay ng bimpo at drinking water ni Nezi sa bag nito. Nang makita ako ni Keza, ngumiti siya tapos may sinabi.
"Mia! Pakilala mo naman ako sa team, di ko pa kasi sila kilala lahat. I want to know them, please?"
Funny, pero captain si Keza ng girl's basketball team tapos di niya kilala yung iba? A-ako? Oh no. Nag'quit na ako last month, reserve player lang kasi ako parati. Nag'volleyball na lang ako and so far, nagagandahan na ako sa laro. Yun lang ang alam kong sport eh :(
"Si Nezi na lang, Keza. May gagawin pa kasi ako, wala akong time pumuntang gym. . ." Excuses! Ang galing ko kaya diyan. Ayoko siyang samahan, ayoko makita ang kapalit ko bilang favorite girlfriend ng team. "I'm sure naman magugustuhan ka nila Vince." Sabay smile ko sa kanya tapos umupo na ako sa upuan ko.
Maya-maya narinig ko na lang na nagtatawanan ang ex ko at si Keza. Sila lang kaya ang maingay sa classroom! Di na lang mag'practice si Nezi eh kanina pa sila pinapatawag! Ugh.
"What?! You want me to kiss you when you win the finals? Baliw ka na ata eh. Hahahahaha!"
Ay anak ng asdfghjputaksdnhweufbbejfbejbfewjfe!!! Kailangan ipagsigawan, Keza? Nang-i-inggit ka? Edi ikaw na. Ikaw na nga makakahalik sa ex ko. Ikaw na lahat! Shit lang kasi sumasakit na naman ang dibdib ko. Sarap magmura kaso di ako bad girl, di ko kaya! :(
Biglang may tumapik sa balikat ko. Si Virgie, classmate ko.
"Kaya mo yan, Mia. Mas boto pa din ako sayo kesa kay Keza." Ngumiti na lang ako kahit naiiyak na ako. "At alam mo? Hindi kayo pilit ni Nezi, para kayong meant-to-be."
"Yun na nga Gie eh, hindi kami yung meant-to-be. Hehe. . ." Tumawa na lang ako tapos natulog sa armchair. Free period kasi ngayon kaso bawal lumabas ng room except yung mga pinapatawag.
Nakatulog na ako.
"Wake up! Hoy. Mia, gumising ka na." Napadilat ako dahil ang ingay ng paligid. "It's already 4:45 pm. If you still want to go home, gumising ka na dahil walang maghahatid sayo! Hello?!" Si Leng ata. Bumangon ako.
"S-sorry ah, pumunta ka pa dito. Haha! Effort lang eh."
"Hindi ah, si Nezi nagsabi sakin na gisingin ka na daw." Di ko pinakinggan ang sinabi ni Leng. "Huy, di man lang mag'thank you sa kanya?"
"Thank you for what? Para sa sakit? Yun lang kasi maramdaman ko." Tapos kinuha ko na gamit ko tapos lumabas. Siguro naman na'meet na ni Keza ang team by now.
Lumabas kaming dalawa ni Leng sa high school building tapos saktong-sakto na nakita ko ang buong team at nagulat ako dahil parang matagal na silang magkakilala. Nakita ako nila Vince at napahinto naman sila.
"Miaaaaaaaaaa!!!!" >:D< Tumakbo silang lahat tapos niyakap ako, actually dinumog ako. "Di ka man lang bumisita ng gym! Puro ka tulog 'no?! Minsan ka na nga lang namin makita ehhh! Yung Polvoron! Pahinge nga kame!"
Nagkamali ako. Favorite pa din pala ako ng team.
"Oo na nga! Eto na oh, puno na sa bag ko." Binigyan ko sila lahat. "Favorite bestfriend niyo na ako ngayon ah?"
"Hindi din. Favorite girlfriend ka pa din namin! Sus, hindi lang kayo ni Captain pero para samin, alam mo naaaa!! HAHAHAHAHAHA. All-time favorite ka namin, ok?!" Sabi yun ni Dean, isa sa mga ka'close ko sa team. Lagi kami magkausap niyan eh.
Tapos umalis na sila. Ang talim ng tingin ni Keza sakin.
I'm sorry Keza, nililigawan ka lang. Ex na ako. Benefit kaya yun? XD
BINABASA MO ANG
I CAN'T MOVE ON!!!
Teen Fiction"Is moving on just all about forgetting the person you once loved? Or is it all about accepting the fact that that person isn't the one for you? Most of all, should you move on, at all?" - A 10-chapter story about how a girl tries to move on from he...