Chapter Four : "Ako dapat yun eh."

120 2 0
                                    

  Kung iniisip niyo na magiging kontrabida si Keza sa buhay ko, pwes hindi. Ako yung kontrabida ng buhay niya. Ajejeje, just kiddin'. Medyo wala akong care sa paligid ko ngayong araw, wala pa kasi akong napiling kanta para i-present dun sa festival. Less than a week na lang. I am not ready, lutang pa ako!

"Mia! Halika nga sandali." Si Leng, nasa labas ng room. "Paki-distribute naman 'tong clearance niyo. Kaw naman may alam diyan sa mga classmate mo eh. Sige na ha? May gagawin pa kasi ako. Sige byeee." Pumasok na ulit ako hawak-hawak ang clearance naming mga 4th year.

May mga pangalan na 'to lahat kay ibibigay ko na lang.

Isa-isa kong tinawag lahat ng classmates ko, yung iba wala kasi pinatawag ng mga club moderators para sa festival. Pinapahawak ko na lang sa iba para hindi mawala. Naibigay ko na lahat at naipahawak ang clearance ng girls. 3 boys lang ang wala sa room kasi basketball practice para  sa last game next next week.

Si Velasquez, si Verdadero at si Chanez ang natira sa boys na hindi ko pa nabibigyan ng clearance. Ipapahawak ko na lang kay Keza yung kay Nezi, tapos si Verdadero sa seatmate niya tapos si Chanez----teka, wala si Keza sa room! Alangan naman ilagay ko sa bag niya eh magulong tao yung si Keza eh. Ugh, sa iba na lang.

"Virgie! Pwede 'bang favor?" Sabi ko kay Virgie tapos lumingon siya. "Pakihawak muna 'tong kay Nezi na clearance, wala kasi si Keza ngayon eh tapos siya na lang di ko pa nabibigyan." Umiling si Virgie.

"Sorry girl, uuwi na ako eh." At yun na nga, lumabas na siya. Grrrrr~ Nakakainis 'to ah.

Uuwi na lang din ako pero idadaan ko na lang 'to sa gym! Kainis. Hindi kasi pwede na kung sansan lang ilalagay yung clearance, nakasalalay dito kung gagradweyt kami or hindi. Makapunta na nga ng court! Kainis 'to.

Pagkatapos ng mahabang lakaran papuntang gym, umabot na talaga ako! Buti naman andito pa sila. Nag-hi ako sa team bago lumapit, tumigil naman sila sa paglalaro at lumapit sakin, akala pa nila kami ulit ni Nezi kasi bumisita ako. Neknek niyo! =__= Kahit tingin, di nga yun eh. Psh.

"Oh so ano nga ginagawa mo dito?" Si Vince yung nagtanong.

"Pakibigay niyo naman 'to sa------"

"Team! Ano 'bang ginagawa niyo?! Tsk, oras ng praktis nakikipaglandian pa kayo." Napatingin kaming lahat kay Nezi.

Pawis na pawis na nakapamewang habang nakatingin sa akin---este sa amin. Pwede 'bang sabihing ang sexy niya pa rin? OMGEEE ANO BA. KAINIS NA KALANDIAN HORMONES NAMAN TO. EX MO YAN MIA! EX MO. EX MOOOOOO. Iba kasi ang aura niya pag naglalaro, ang seryoso tapos parang ughhh, di ko na dapat 'to inaalala eh.

Lumapit ako tapos ibinigay sa kanya ang clearance niya.

"Thank you." Sabi niya tapos huminto, akala ko may sasabihin pa siya eh.

"Ano?"

"Wala." Tapos lumapit ako ulit sa team.

"Uy good luck guise ah. Dapat manalo sa finals! Ngayon na lang kayo makakapaglaro, dapat seryosohan na! Gagaraduate na tayo eh! Diba?" Tapos nakipag-high five ako sa kanila.

"Ang totoo niyan gusto ni Nezi manalo kasi may gusto siyang mangyari." Si Kutcher, isa ring member ng team. Isa sa mga star players yan! Gwapo tapos mabait sa girlfriend. Loyal na loyal yan, 4 years na silang dalawa ni Lalise. "Kapag nanalo daw kami sa finals may ki------" Tinakpan ni Dean at ni Vince ang bibig ni Kutcher.

"Wala yon, Mia! Wag ka makinig dito, nagbibiro lang si Kutcher! Diba Kutch?!" Tumango-tango naman si Kutcher habang nakatakip pa din ang bibig niya. Ngumiti na lang ako.

"Alam ko na 'no, wag niyo na itago. Kiss galing kay Keza 'no?" Napahinto silang lahat sa sinabi ko. "Ano ba kayo, di na nga kami eh. Dapat i-welcome niyo na si Keza kasi siya na girlfriend ng Captain niyo. . ." Sige Mia, magpakatanga ka diyan sa sinasabi mo na parang naka'move on ka na.

"Sorry Mia!" Sabi nilang lahat sabay hug sa akin.

"Ang lalagkit niyo!!" Yun na lang nasabi ko.

Bigla akong napatingin sa bleachers kung san nakalagay ang gamit ng team. Si Nezi at si Keza, magkayakap tapos hinalikan ni Nezi sa cheek si Keza sabay bitaw. Wow ang sakit ha.

"O sige na guys, uwi na ako. Good luck, ingat sa pag uwi." Lumabas na ako ng gym habang yung puso ko, feeling ko malalaglag.

T**G I*A, ANG SAKIT. Ako dapat yun eh. . .

I CAN'T MOVE ON!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon