Unico's POV
Bumaba kami mula sa room at nagtungo sa canteen para bumili ng makakain. Kasama ko si Jedd. Si Noreen kasi may nakilala ng ibang kaibigan kaya yun na ang kasama nya. Ganyan naman sila, pag nakahanap ng iba, kakalimutan na yung mga nauna. Pwe! Mga hayup sa dilang hayup! Magkaka alta-presyon ata ako. Hahahaaha jok.
Sa paglalakad namin, nakita ko yung mga kaklase ko nung grade 6, si Angela at si Marienel. Nagpaiwan na ako sa kanila. Pinauna ko na si Jedd na umakyat sa room.
"Kumusta, Unico? May kakilala ka na ba?" tanong ni Marienel sakin habang nakatingin na tila ba nag-aabang ng istorya.
"Ayun lang yung kasama ko, tas may isa pa yung seamate ko." Sagot ko habang medyo malungkot.
"Sus, sa daldal mong yan maraming matutuwa sayo." sabi ni Angela. "You will be your section's happy pill." dagdag pa nya. Wow, umeenglish si Angela ah dinadaig ang valedictorian nila.
"Sana nga. Pero ang tahimik ko kanina aba siguro dahil sa wala pa akong kakilala. Pero sila medyo nag-uusap-usap na." pagsasalaysay ko. Marami-rami din yung galing sa sinasabing elementary department. Siguro mayayaman yung mga yun.
"Eh nakapagpakilala na ba kayo isa isa?" tanong ni Marienel.
"Hindi pa eh after break pa." sagot ko habang nginunguya yung hotdog sandwich. "Nakakaexcite nga na nakakakaba eh." dagdag ko pa
*kring kring kring*
Bell na yun? Wow, tinanong ko pa talaga ha. Nakakagulat kasi aba. Sandali pa lang kami nakakapag-usap eh tas nagbell na agad.
"Uy, mauna na ako sa inyo ha. Baka mapagalitan ako. Babye!" paalam ko. Tanging tango at ngiti na lang ang isinagot nila sa akin. Agad na akong tumayo at nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Wala pa si ma'am kaya medyo lumuwag ang kalooban ko at nawala ang kaba. Ayoko kasing magkalate, kabago-bago eh.
Tinitingnan ko sila. Nakakainggit. Yung iba nagkakausap na. Pero medyo marami-rami pa rin ang nananahimik. Hayyyys sana marami akong makaclose dito.
Nakita ko si ma'am sa may labas ng pinto. Papasok na sya. Lagi kasing sarado ang pinto kasi maingay sa labas pag may mga tao.
"Okay, let's start. Sana ready na kayong iintroduce ang inyong mga sarili, ha?" Panimula ni Ma'am. Napalunok ako nang bahagya. Kinakabahan talaga ako. "Just say your name, age, address, at school na pinanggalingan. Isama nyo na rin kung pang-ilan kayo sa top dahil for sure, kayo'y mga katali-talinuhang mga bata." dagdag pa ni ma'am. Wow, sana all matalino. Ako nga valedictoriang hilaw eh hahahaa. 90 lang kaya average ko. Nakakahiya. Pero atleast diba?
Nagpakilala na sila isa-isa. Nakikinig naman ako pero parang di ko maalala.
"My name is Ashley Crisolo...."
Wow, Ashley pero lalaki. Ameyzing huh.
"My name is John Albert Andres but you can call me ajhay...."
Wow, Ajhay pero John Albert ang pangalan? Hindi ba dapat jay-a? Weird ha.
Hala, si Mr. Sungit na kamukha nung sa trolls. Ano kayang pangalan nito?
"My name is Daniel John Lim from Lunsod Elementary School...."
Ahhh, Daniel. Parang pang artista ha, pero ang mukha parang si bentong hahahaha. Hinde, may itsura naman si Dan, mukha lang talagang masungit. Wow, Dan? Feeling close ako sa part na yun. Tsaka di naman ako sure kung yun nga ang nickname nya.
Nagpakilala na yung mga sumunod hanggang sa ako na pala ang magpapakilala.
Tumayo ako, tumungtong sa platform, tiningnan silang lahat at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Not that Typical Man [ON-GOING]
RomanceNot that Typical Man. Bakit nga ba? Hindi sya yung typical na lalaki na gwapo, cold-hearted, astig, cool. Iba sya sa mga lalaking typical. Paano kaya magmahal ang isang "not-so-typical" guy?