Chapter 1: Graduation Day

10 0 0
                                    

Unico's POV

"Sa ating mga pinagpipitagang panauhing pandangal, sa magagandang punong guro ng iba't ibang paaralan..." Nakapambola pa ng mga senior citizen na principal hahahaha.

"...sa mga butihing guro ng Paaralang Elementaryang ito na aking minamahal, sa mga magulang at kapwa ko nagsipagtapos, Magand.." Ay bwisit may mga epal pa nga palang kabarangay na nakikinood hahayyynaku.

"...sa magaganda't naggwagwapuhan kong mga kabarangay na naririto, Magandang Umaga po sa inyong lahat at Mabuhay!"

"huh, hapon na kaya!"

"Ano ba yan valedictorian tas umaga ang tawag sa hapon"

"Naku bawian na yan ng award."

Aba'y huo nga naman hano. Hapon na nga pala. Masyado naman kasi akong kinakabahan. Napakadami kayang tao. Di magkamayaw aba wala namang ginagawa kundi pumalakpak hahahaha. Tsaka ganun daw kaya sa business, laging morning. Eh alam nyo naman na ako ang tagapagmana ng ano hahaha ooops baka masabi ko bigla.

Di ko pa magegets kung di nagbulungan yung mga inggiterang magulang na anak nila ang gustong maging valedictorian. Hmmmp sorry na lang kayo, andito na ako, oh?! Hahahaha bleeee.

So ayun, usap lang ako nang uspa ng kung ano-anong mga bagay dito basta related sa tema ganon lang.

"...itong mga karangalang natamo ko ay espesyal kong iniaalay sa aking Nanay Loida, ang aking lola na yumao dalawang taon na ang nakalilipas. 'Nay, kung nasaan ka man, para po sa inyo ang lahat ng ito..."

"Hala umiiyak sya!"

"Bigyan nyo ng tubig baka mahimatay!"

"Mahal nya talaga ang lola nya."

Emosyonal talaga ako pag si Nanay Loida na ang pinag-uusapan o kaya naman basta usapang tungkol sa lola. Napakadaming pinagdaanan ni Nanay para maitaguyod ang buong pamilya. Sa pitong anak nya, kay mame sya pinakaclose kasi pinili ni mame na mag-asawa ng late na para maalagaan nya si Nanay. Nagsipag-asawahan na kasi mga kapatid nya, mga tito't tita ko kaya ayun.

Samin nakatira si Nanay kasi yung tinitirhan naming bahay, yun ang bahay nilang pamilya mula pagkabata. Kumbaga yun ang main house. Bukod bukod na kasi ang bahay ng mga tito at tita ko pero magkakatabi lang kami.

Si Nanay Loida yung tipo ng lola na ipaparamdam sayong mahal na mahal ka nya. Sa tuwing magmamano ako sa kanya lagi nyang sinasambit ang mga katagang, "Pagpalain ka ng Diyos magbabait ha. Mahal ka ng Birheng Maria at ng Mahal na Patron San Juan. Mag-iingat ka sa daan ha. Iyong galingan sa eskwela". Tapos pag wala kaming makain ipinapangutang nya kami sa tindahan para makakain kami. Mayaman naman talaga kami, kung tutuusin dahil Santos Rice Company ang pinakasikat na Rice Company sa buong pilipinas. Kaya lang ayun nga, dinala kami dito sa lugar na sinilangan ni mame dahil pinili ni dade na wag akong lumaki sa karangyaan.

"...Maraming Salamat pong muli, Magandang Hapon, at Mabuhay!"

*clap clap clap*

Naku natapos na rin ang speech ko. Hayyyys makakahinga na ako ng maluwag. Aba at ang mga kaklase ko ay nagtayuan pa. Palibhasa masyado silang banggit na banggit sa speech. Sikat na sila nyan ha.

So ayun nga uwing uwi na ako gawa sa spaghetti ni mame. Sakto naman nang makaramdam ako ng gutom eh tapos na ang graduation. Andaming nangangantyaw na magpakain daw ako. Ano bang gusto nyong kainin sakin? HAHAHAHA.

Nanood pala si Kuya Bernard ng speech ko thru video call. Isa sya sa mga pinsan ko na sobrang galante pagdating sakin. Ako kasi ang pinakabunso sa lahat ng magpipinsan kaya tinatry nilang i-spoil ako nang bahagya.

Not that Typical Man [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon