Characters and Prologue

9 0 0
                                    

Eto yung cast ng istorya para naman may overview kayo kung pano magiging flow! Haha

John Dexter Santos
- ang bida ng kwento. Siya yung tipo ng lalaki na halos lahat ata ng good and bad attitudes e nasa kanya na. Laking simbahan at mama's boy sya. Nakafocus sa family at friends. Di masyadong friendly pero soooobrang daldal.

Maria Clarissa Buenaventura
-unang crush ni Unico. Pang DJ ang boses. Maarte magsalita, like krissy! Bulol sa letter R kaya laging inaasar at pinagkakatuwaan.

Katrina Natividad
-ikalawang naging crush ni Unico. Nagpatulong tong si Unico sa kanya para kay Clarissa kaya ayun, nafall sa kanya. Sexy, maganda, at matalino itong si Katrina. Ideal girl, kumbaga.

Rinoa Marie Ramos
-ang unang babaeng nagpatibok ng sobra sobra sa puso ni Unico. Di ganon kalakas yung dating. May anggulong maganda, may anggulong ang gulo. Pero minahal ng sobra ni Unico to the point na halos four school years na syang in love dito.

Daniel Lim
-isa sa mga bestfriend ni Unico. Makulit, makwela, all around din. Kaso pag nayamot, paktay na!

Jerald Martinez
-bestfriend ni Unico. Nakakasama sa mga kabalbalan nya. Pakboy, pero gentleman. Makwela rin.

Ivan Lee Rivero
-bestfriend din ni Unico. Tahimik, mabait, NBS at Pandayan ng klase. Mapagkakatiwalaan.


Mainit.

Nakakatakot.

Madilim.

Masikip.

Kung bakit ba kasi ganito sa antipolo! Nakakasawa na. Kada na lang manonood, dito lagi. Antipol Gymnasium. Palagi na lang.

"Hoy gumising ka! Sayang tupipti mo pag tutungo-tungo ka lang dyan." Sabi ni Georgette, yung kaklase ko ngayong Grade 6. Buti na lang talaga makakagraduate na ko. Ulol kasi mga kaklase ko e.

"Pake mo ba? Eh ano kung nagbayad ako? Wala lang akong barya kaya di ko nasagot ang lahat ng bayarin nyo para dito eh. Sayang."

"Alisin mo nga yang bentilador sa katawan mo. Napuno ka na naman ng kahanginan."

"Ayaw mo nun, ang init init nga dito eh. Bat kasi palaging dito? My skin hates the sorroundings"

"Maka english ka ha. Palibhasa ikaw ang susunod na CEO ng Santos Rice Compa-..."

"Sssssshhhh! Walang nakakaalam nito hoy. Kaya wag kang maingay."

"Ay, sabi ko nga."

"Hoy, ano yang naririnig kong magiging CEO si Unico ng Santos Rice Company? Porket Santos lang sya, sya na?" sabat naman ni Axl. Psh, di naman sya kausap. Saka, kung alam nya lang, di sya makakapagsalita ng ganyan. Baka mamaya pag-aralin ko pa sya sa Ateneo ng 5 times.

"Wala yun nako. Nagbibiro lang si Georgette." sabi ko. Kinabahan naman ako dun ng very very light.

"Buti naman at malinaw. Hayan at halata namang hindi mayaman sina Unico. Hayy nako tama na ang ilusyon."

"Oo nga, tama!" Segunda ni Georgette.

Pinili kong ilihim sa kanila, actually, sa lahat, ang kalagayan ng pamilya ko. Well, ang mga Santos lang naman ang isa sa pinakamayamang angkan sa Manila. Pero, eto, nagtitiis kami dito sa Probinsya, just to teach me on how to be a good leader of the company. Yes. Para daw alam ko yung mga taong dapat at deserve naming tulungan. And yes, this baranggay deserves our help.

Nagpakilala na ba ako? Hahaha

My name is John Dexter Mendoza Santos, future CEO of Santos Rice Company. Yan talaga pakilala ko sa sarili ko. Unico ang naging palayaw ko komo daw nag-iisang anak ako tapos gusto nila ako ang laging numero uno. Uno dapat ang palayaw ko kaso yun na ang palayaw nung kuya (pinsan) ko.

At the age of 12, ang yabang ko na haha, atleast aminado dibaaa. Pero hindi naman sa ganon, medyo medyo lang. They're describing me as "Not that Typical Man" maybe because I possess all kinds of attitude. Madaldal, mabait, madasalin,mapagkakatiwalaan. Sa kabilang banda, mayabang, matapobre, bartikal. Alam mo yung balance? Yun. Yun ang tamang term.

So ayun nga pinatapon kami ni Mami sa Dapitan, de joke. Pinatapon kami dito sa isang barangay sa Rizal, para dito manirahan. At maranasan daw ang mahirap na buhay. Di naman ganon kahirap. Sakto lang.

Nasabi ko na bang matalino ako? Di pa ata no? Hahaha. Kasi mula lang naman Grade 1, hanggang ngayon, Grade 6, e ako ang top 1 ng klase. WALANG MINTIS. All caps para tagos hanggang buto. Valedictorian pa ko nung kinder. Tas ngayon, eto, naghahanda na naman ako ng panibagong speech. Kayanin ko kaya? Hahaha.

"Unico, halika na. General practice na."

Ang bilis talaga ng panahon. Kala ko nasa Antipolo pa kami? Hahaha. Nung January pa pala yun. March na nga pala ngayon.

"Huy! Ayaw mo ba mag speech. Sige ibahin na lang ang Valedictorian."

"Maaaaaaaaam! Ako! ako! ako! ako! Papunta na poooooo!"

Kayanin ko kaya?

Ehem ehem

...............................

Not That Typical Man
Published under Pop Fiction hahaha joke
All Rights Reserve ©

Short Description lang about the cover of the book.

Siguro pamilyar kayo sa anime character na yan. Sa mga hindi, sya si Light Yagami sa Deathnote. I'm not sure sa ilang infos nya kasi di naman ako mahilig sa anime pero according to one of my friends, sya daw yung parang perfect na lalaki: gwapo, matalino, magaling sa lahat. That guy represents Unico, the not typical man. Enjoy reading guys!


Not that Typical Man [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon