Chapter 2: Binata

7 0 0
                                    

Unico's POV

Boring dito sa bahay. Walang magawa kundi kumain, maglinis, matulog, repeat. Kakabagot, walang ibang ganap.

Hindi na naman kasi ako mag-aasikaso para sa school na papasukan ko dahil nakapasa na ako sa entrance exam sa Binalayan Catholic College. Catholic school sya, obvious naman. Nasa sentro sya ng bayan ng Binalayan kaya oks na oks.

Dapat kasi talaga sa Rizal Science High School ako mag-aaral sa Binalayan, Rizal din kaso di naman ako nainform tungkol sa entrance exam. Nang malaman ko, wala na, finish na. Gusto ko pa naman don mag-aral kasi matatalino daw mga nag-aaral dun, baka mahawahan nila ako hahahaha.

Tamang fb lang ako habang nakahiga ah. Bago lang kasi ako nagkaron ng account. Nakakatuwa pala tong gamitin. Nalalaman ko mga birthday ng friends ko kahit di ko sila kilala.

Sa kakascroll ko, nakita ko yung post nung simbahan, yung sa may parish namin. May pilgrimage daw papuntang Antipolo. Di pa ako nakakapunta don aba, hindi kasi ako gala. Niyaya ko si mame.

"Mameeeee!" Sigaw ko kasi nasa baba ako ng bahay, nasa taas sya, nagluluto.

"May sunog? May sunog? Saan, papatayin ko." she replied sarcastically. Aba tinawag lang eh.

"Sama tayo dito oh!" Sabay pakita sa picture sa fb. Natawa sya. Bakit kaya?

"Nako Unico. Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Nakapagpalista na ako. 100 per head. Akina bayad mo."

"Tsaka na pag ako na ang CEO ng Sant-"

"Hooooopia mani popcooorn!" pagpuputol nya. "Magtinda kaya ako ng popcorn?"

Sus ang mame naloka na ata.

"Edi sigi balakajan" sabi ko. "Uubusin ko lang yan lalo na't wala akong magawa dito sa bahay."

"Magpapasukan na naman eh wag kang mag-alala." sambit nya. "Sya nga pala, bukas na yang pilgrimage ha."

Teka sandali.

"Halaaaaa?!?! Eh diba bukas ako magpapatuli? Pano yan, punta tayo ng Antipolo nang iika-ika ako. Nakakahiyaaaa." sagot ko habang pumapadyak-padyak. Tila uris lang.

"Aba edi pagkagaling natin sa Antipolo saka ka magpatuli." malumanay nyang sabi habang naglalagas ng malunggay para sa monggo. Monggo na naman ang ulam, kaasar.

"Sasamahan moko haaaa?!?!" pacute kong sabi. "Mameeee!" pagtawag ko sa pansin nya na tila hindi narinig ang sinabi ko.

"Oo na, ano pa nga ba. Ang dade mo kasi aba, tila walang pamilya dito. Nakalimutan na ata tayo nun". Kaya nga nakakaasar. Once a week lang kung magparamdam. Pero kagagaling lang namin dun. Dalawang linggo din ata kami dun kaya nakaranas naman ng hayahay na buhay kahit papano.

"Naku yaan mo sya dun, busy lang talaga siguro." sabi ko na may halong pangamba. Mamaya may pamilya na yun dun na iba. Eeeew ayokong magkaron ng kapatid sa labas, baka sya ulanin.

Lumipas na naman ang maghapon nang walang ginagawa. Naghanda na lang sandali para sa pilgrimage tas wala na. Nakakatamad talaga.

Makatulog na nga. Maaga pa ang alis bukas.

Kinabukasan....

Eto na nga, papunta na kaming Antipolo. Nakakaexcite. Kaso nakakahilo dito sa jeep. Bat parang pagewang gewang to?

Nakarating naman kami sa Antipolo. Kaso nung ipinapark na yung jeep, biglang nabunggo sa pader. Buti walang nasaktan, napiing lang yung bandang unahan ng jeep. Naglasing pala yung driver kagabi, may hangover pa daw.

Not that Typical Man [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon