Chapter 3: First Day High (1)

5 0 0
                                    

Unico's POV

Nasa 7/11 ako. May kasama akong dalawang lalaki at apat na babae. Bumili kami nung gulp. Tas nagselfie kame. Tas umuwi na rin kami.

Kasabay ko paglabas yung isang lalaki tsaka yung dalawang babae. Hinatid namin yung dalawang babae sa sakayan ng jeep.

Nang makasakay na sila, nagbabye sakin yung isang babae. "Babye, Unico!" sigaw nya mula sa jeep.

Sa hindi inaasahang pangyayari, isinigaw ko ang aking pamamaalam sa kanya "Babye, I love youuu!". Nag-init ang buong katawan ko lalo na ang mukha ko, particularly yung pisngi ko. Kinikilig akoooo!

"UNICOOO! TANGHALI NA! MAY PASOK KA NAAA!"

Isa na naman palang panaginip. Ang nakakapagtaka, akong ako talaga yung nandun, as if nangyari o mangyayari sya somehow in the future.

"UNICO WALA KA BANG BALAAAAK?!?!" naiinis na ang mader dir. Makabangon na.

Medyo naninibago kasi ako. Nung elementary kasi walking distance lang from our house to school tapos 8am ang klase. Eh ngayon kailangan ko pang magtricycle at bumiyahe ng 20mins papuntang bayan para makapasok. 7am ang start ng class. Maghapon pa tas di naman pwedeng umuwi.

"Nandyan na mameee" tugon ko. Nagpunta nako sa dining area. Pag-upo ko nanlaki mga mata ko. Fried chicken ba naman ang ulam. Huwaaaaaw.

"First day of class kasi kaya sosyal ang agahan. Next time tuyo na lang o kaya dilis." sabay tawa. Wow ha, sardinas na lang, wag lang tuyo o dilis.

Naligo na ako at nagbihis. I'm so inspired talaga na pumasok. Nakakaexcite kasi syempre bagong environment, bagong mga mukhang pagsasawaan hahaha. Medyo masakit pa din ang tuli, pero kaya naman. Nakakadekwatro na. Hahaha.

Sumakay na kami sa tricycle. Oo tama, kami. Kami ni mame. Ihahatid nya daw ako dahil first day pero sa mga susunod daw, hindi na. Nakapagbyahe naman na ako mag-isa eh kaso iisang beses pa lang, muntanga pako sa bayan.

Nang makarating na kami sa school, inayos ako ni mame. Pagpag dito, pagpag doon kahit wala namang dumi.

"Nakuuu, ang laki laki na ng Unico ko. Mag-aral mabuti ha. Wag munang maggirlfriend. Tsaka na."

"Kailan mame, pag 35 na rin ako gaya nung edad mo nung magpakasal kayo ni dade?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Hinde, pag nagbalik-loob na si Satanas sa Diyos tsaka ka mag-asawa." tugon nya. Huh, wala namang konek, bat naisalibanda yun? Tsaka isa pa tila malabo yun ah at kung mangyari man, baka tigok nako nun.

"Tss para namang ayaw mo akong pag-asawahin." sabi ko at tanging tawa na lang ang naitugon niya.

Papasok na ako sa gym ng school nang biglang may nakita si mame sa malayo. "Nico, kaklase mo oh! Tingnan mo ang section patch nya. 'Grade 7- St. Thomas Aquinas' ang nakalagay." Wow ha ang linaw ng mata ni mame. "Teka lang, tatawagin ko." dagdag pa niya. Nakalampas na samin yung lalaki nang tawagin ni mame. "Oyyy psst kuya!"

Lumingon lang yung lalaki. Hindi sya katangkaran, hindi rin masyadong mataba, medyo malaki ang mata, tila cold-hearted guy, tapos malaki ang tenga nya parang sa trolls.

Tinanong sya ni mame "St. Thomas ka din?" Tumango lang sya. "Ahhh, magkaklase kayo ng anak ko" sabay turo sakin. "Sabay na kayong pumasok! Magkasection naman kayo eh." dagdag ni mame. Wow ha feeling close. Tinanguan lang siya nung lalaki tsaka nagtuloy sa paglalakad.

Isa lang ang masasabi ko. NAPAKASUNGIT nung lalaking yon! Tila nalugi ang negosyo ah. Kinabahan ako nang slight dun, baka ganon lahat ng mga kaklase ko. Parang ang hirap makipagkaibigan. Hayyys bahala na.

Not that Typical Man [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon