"Hoy! Pahingi naman ako niyan." Sambit ko sa bestfriend kong may kinakain na sitsirya na nakaupo mag-isa sa labas ng kanilang bahay.
Siya nga pala, ako nga pala si Eunice Lee Del Rosario. Maganda, siyempre. Matalino, siyempre. Sexy, siyempre at higit sa lahat manyak. hahaha charot lang.
24 years old. Nakatira ako sa bahay namin, este sa Aurora Hill, Baguio City. High school graduate lang ako. Bata palang kasi ako, pangarap ko talaga ang mag negosyo. Nag start ako mag-negosyo ng milk tea since 21 years old ako. Sa tulong ng aking mga magulang. Tatlo kaming magkakapatid, may kapatid akong kambal na lalaki sa Pangasinan nag-aaral. Ako ang panganay sa aming tatlo.
Ganun din ang bestfriend ko. Siya nga pala, ipapakilala ko rin bestfriend ko. Danny Fernandez. Yes, tama ang nabasa mo, lalaki siya. Bata palang kami, palagi na kaming magkasama. Dahil narin siguro dun, kaya parehas kaming pinangarap ang mag-negosyo. Hindi kami magka-kumpitensya ha, kasi nagpatayo siya ng sarili niya computer shop dito rin mismo sa lugar namin. 28 years old na siya. And yes, may girlfriend na siya. Jusko napakabait niyan, mapagbigay, mas inuuna ang iba kesa sarili. Gwapo, siyempre, kaya nga hanggang ngayon mag-bestfriend kami eh, haha, char. Mabait, Maka-diyos, walang bisyo, at iba pa. Ah basta, makikilala niyo rin siya.
-------------------------------------------------------
Umupo narin ako sa tabi niya, at napansin kong parang tahimik siya at malalim ang iniisip. Kaya minabuti ko nalang na 'wag muna magsalita, at hayaan siyang mag-isip. Dumampot nalang ako ng sitsiryang hawak niya. Nang maka-limang dampot na ako, nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa'kin. Tumingin ako sa kanya pagkasubo ko nung panlimang sitsiryang dinampot ko.
"Ayos ka rin eh noh? Mapag-samantala ka eh." Sambit niya na parang naka-ngisi pa.
Napapigil tawa ako. "Eh pano naman kasi, anlalim ng iniisip mo! Napano ka ba?" Sabi ko.
Umiwas siya ng tingin at hindi pinansin ang tanong ko. Kaya nagkibit-balikat nalang ako sabay dampot uli ng sitsirya. Pero this time nahuli niya kamay ko. Sa pagkakagulat ko, napatawa nalang ako ng malakas, at ganun din siya. Hanggang sa para na kaming tangang nagtatawanan.
Si Danny yung tipo ng lalaking mapag-isip. Yung pili lang ang lumalabas sa bibig. Kaya pag tahimik siya, alam na this, may iniisip na kung ano na naman, at hindi mo siya mapipilit magsalita. Pero minsan nagsh-share din naman siya, kaso nga lang pili. Lalo na pag pagdating sa pamilya niya, di siya mahilig magkwento, diba, walang kwentang bestfriend!
-----------------------------------------
Andito ako ngayon sa kwarto ko, siyempre ka-chat ko boyfriend ko, si Melvin. Oo tama, may boyfriend ako at wala kayong pake! Hahaha, single ka kasi eh. Yun nga lang, sikreto yung relationship namin. Si Danny boy lang nakaka-alam, yung bestfriend ko. Ewan ko kung bakit, Mag-2 years na kaming mag-jowa, pero parang hanggang ngayon, hindi pa ako handang ipakilala siya sa mga magulang ko. Classmate ko dati yun nung high school, mula 1st year hanggang 4th year. Naipakilala na niya ako sa mga magulang niya, at gustong gusto naman ako ng mga ito. Kaya nga kapag pinapasyal ako ni Melvin sa kanila, lagi akong binubusog ni tita sa mga luto niya, yung akala mo may okasyon at importanteng bisita ka.
Siguro, isa sa mga dahilan ko, kung bakit hindi ko pa pinapakilala yung jowa ko sa mga magulang ko, kasi natatakot ako, na baka hindi siya magustuhan. May kaya naman sila sa buhay. Si Melvin kasi yung tipo ng lalaking, kung mag-salita ay parang maangas, pati paglalakad, at may tattoo siya sa braso, ayaw na ayaw ng mga magulang ko yun. Eh sa yun ang tipo ko eh, lalo na yung may pagkabastos. Haha.
11:55pm. naku, di ko na naman napapansin ang oras, gawa ng pakikipag-chat ko sa jowa kong ambagal magreply. Hayst, naseenzoned na naman ako. Hmp, makatulog na nga.
--------------------
Kinaumagahan, tumawag Mama ng jowa ko, at pinapapunta ako sa kanila, namiss na daw ako. Malamang sa malamang, patutulugin na naman ako dun at hindi pakakawalan, siyempre isang araw lang, dahil kakailanganin naman ako ng dalawang helper ko sa milk tea.
Pagkalabas ko ng bahay, si Danny kaagad nakita ko. At aba! Abot hanggang tenga ang ngiti, habang hawak ang cell phone. Nasa labas lang siya ng shop niya, sigurado kakabukas niya lang, 9:00am na kasi eh, gantong oras talaga siya nagbubukas ng shop.
"Hoy! Ganda ng ngiti mo ah! Napano kana naman?" tanong ko na parang maangas pero pabiro.
Agad naman niyang iniwas sa paningin ko cellphone niya. At ako naman tong si tsismosa, hinablot ko at tingnan kung anong nginingiti ngiti netong kupal na to.
"Aba, aba! May papuso puso pa kayong nalalaman! Maghihiwalay din kayo uy!" pabiro kong sabi, sabay balik ko sa cellphone niya.
"Wala kang pake!" sagot niya at hindi parin naalis ang ngiti sa labi niya"Teka, san ka ba pupunta?" tanong niya nang mapansin ang dala kong bag, hindi naman malaki, hindi rin maliit, sakto lang.
"Dun kila Melvin. Pinapapasyal ako ni tita, namiss daw ako eh, alam mo naman yun, ubod ng kulit." sagot ko naman sa kanya. "Osiya sige, mauna na muna ako, at ma-traffic na naman mamaya." pagpapaalam ko.
"Geh, ingat." Pagpapa-alam din naman niya.
_________________
please vote guys kung nagustuhan niyo! Thanks for reading!!
BINABASA MO ANG
Love and Lust
RomancePart 2 link: https://my.w.tt/eU6WmCRgd2 PAALALA: Ang istoryang ito ay napakaraming kalaswaan! Kung hindi ka open minded, mas better kung 'wag mo nalang itong basahin. Para lang ito sa mga mambabasang open-minded! Si Eunice ay isang independent na b...