Naalimpungatan ako nang may yumuyugyog sa balikat ko. Si Danny. Ginigising ata ako.
"Anoooo????" naiirita kong sabi.
"Anlakas ng hilik mo. Ginigising kita baka mamaya eh, binabangungot kana jan." pag aalala naman nito.
Hayss, grabe, parang totoo yung panaginip ko. Bakit ganun? Pero feeling ko parang ayoko na sanang magising nun. Urgh! Mali! Erase, erase, erase. Panaginip lang iyon Eunice Lee!
Hindi ko nalang siya sinagot, sa halip ay natulog nalang ulit ako, bakasakaling mabalik ako sa panaginip ko kanina, hahahaha.
----------
Habang nasa biyahe kami papuntang Alaminos ay tahimik lang ako sa kotse, habang si Danny ang nagdadrive. Maya maya ay napansin siguro nito ang katahimikan ko kaya nagpatugtog ito ng music dahil kanina pa ito pasulyap sulyap sa akin. Nakatingin lang kasi ako sa labas.
Pero hindi iyon umubra, maya maya ay mas nilakas pa nito ang volume ng music na para bang masisira na ang tenga ko."Ano ba yan, Danny! Anlakas naman niyan." pinatay ko naman agad ang music, kasi sobrang lakas talaga.
"Ano ba nangyayari sayo? Kanina kapa tulala jan ah." tanong nito na nakakunot ang noo.
Nagpakawala lang ako ng malakas na hangin saka ito sinagot, "Ahh, wala, yung panaginip ko kasi kagabi... alam mo yun, parang totoo siyang nangyari talaga." tumingin na naman ako sa labas.
"Ano bang napanaginipan mo kagabi, ha?" tanong nito.
Napatingin ako sa kanya sa tanong nito, saka iniwas agad ang tingin dito, "Ah, eh, naku, wag mo nang tanungin at baka masuka ka pa riyan." sabi ko nalang, sabay ngiti. Hindi ko kasi maimagine kapag sinabi ito sa kanya. Nahihiya ako, naiilang. Ah basta. Huwag ko nalang sabihin.
"Hala, sige ka, pag di mo sinabi yan, baka magkatotoo, ikaw rin." parang nag aasar na sabi nito na para bang alam nito kung ano ang napanaginipan ko kagabi.
"Luh, grabe ka naman! 'Wag nanga, sigurado akong mandidiri ka lang." sabi ko.
"Eh ano nga yun? Hmmm... siguro ako napanaginipan mo noh?" Aba at... bigla akong namula sa sinabi nito.
"Duuhh!!! Hindi noh." Hindi ko tuloy alam ang aking sasabihin.
"Oh bat namumula ka jan?" grabe, ang init na ng pisngi ko! Jusko! Hindi naman dating ganito eh, ni minsan hindi ako nailang sa lalaking to. Bakit ngayon.... urgh!!!
"Hindi ah!" pagkasabi ko nun ay agad kong iniwas ang tingin sa kanya at iniharap ang muka ko sa labas ng bintana para hindi nito makita.
Hindi na ito humirit pero, nang sulyapan ko uli ito ay nakangiti lang ito. Kaya lalo akong nailang.
Nang makarating kasi sa aming destinasyon ay agad akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang ibang mga gamit namin. Lumabas naman si Danny at tinulungan ako.
Ang sarap ng hangin. Ang presko. Dinig na dinig pa ang malakas na paghampas ng alon na nagmumula sa dagat. Tiyak na sulit ba sulit ang bakasyon namin.
---------
Nasa loob kami ng kwarto ni Danny nang alukin ako nitong mag-swimming na.
"Ano Lee? Ready kana? Tara mag-swimming na tayo." atat na pag aya nito.
"Wow ah, ata na atat lang? Samantalang anlamig ng Baguio. Osiya sandali at magbibihis ako." sabi ko naman.
naghubad na ito ng pantalon at nagsando lang. Aba, ready-ng readi siya ah at naka shorts na ito nang pangswimming pagtanggal ng pantalon.
Nagsalamin muna ako at tinanggal ang mga che che burecheng nakasabit sa aking buhok. Nang paglabas ko ng Cr ay para namang tangang napatitig si Danny sa akin.
BINABASA MO ANG
Love and Lust
RomancePart 2 link: https://my.w.tt/eU6WmCRgd2 PAALALA: Ang istoryang ito ay napakaraming kalaswaan! Kung hindi ka open minded, mas better kung 'wag mo nalang itong basahin. Para lang ito sa mga mambabasang open-minded! Si Eunice ay isang independent na b...