Chapter 5

30.3K 339 3
                                    

Habang nasa hapag kainan kami ay bigla kong naalala sabihin sa kanila yung balak namin ni Danny na pupunta kami sa Hundred Islands.

"Siya nga pala, magpahinga na muna kayo bukas at aalis tayo, pupunta tayong Hundred Islands, kami na ni Danny bahala sa gagastusin." sabi ko.

"Naku anak, bakit ngayon mo lang sinabi, eh may appointment kami ni Daddy mo bukas." si mommy.

"Oo nga anak, dapat kahapon mo pa yan sinabi, para nai-adjust namin yung schedule, eh hindi pa naman namin pwedeng i-cancel yun kasi bagong kliyente lang namin iyon." pumangalawa naman si Daddy.

Bigla akong nalungkot, dahil nga ngayon na nga lang ako mag aaya ng bakasyon ay tatanggi pa sila.

"Sige Daddy, Mommy. Okay lang po. Marami pa namang next time eh. Justin, Marco, kayo baka naman pupwedeng lumiban na muna kayo sa klase bukas, ngayon na nga lang tayo magkakasama sama eh." baling ko naman sa dalawa kong kapatid.

Mas nalungkot pa ako nang sabay silang nagkatinginan at napakunot ang noo na tumingin sa akin ng sabay. Alam ko na to, tatanggi din ang mga ito kaya di na ako nagsalita. Alam ko na ang isasagot ng mga ito.

"Ate, pasenya ka na, hindi din kasi kami makakasama, eh marami pa kaming kailangan tapusin sa school, eto kasing si Marco, ML ng ML," Justin.

"Oh bat ako na naman. Ikaw nga tong invite ng invite eh." Natawa nalang kami sa sinabi nito. Bumalik ang lungkot sa mukha ko, papano pa namin itutuloy yung plano eh lahat sila hindi pwedeng sumama. Nakapag-book pa naman na kami ni Danny doon ng kwarto, eh para saming lahat na sana iyon.

"Naku iha, wag kang malungkot, nasa hapag kainan tayo, hayaan mo at pag nagkaroon kami ni Mommy mo ng mahabang libreng oras ay babawi kami sayo." Si Daddy.

"Saka anak, pwede niyo pa naman ituloy ni Danny ng kayo lang eh, nang makapag-relax din naman kayo." pagpapatuloy naman ni Mommy.

"Wala namang masama kung kayong dalawa lang kasi magkasintahan naman kayo, hindi ba Danny." baling ni Daddy kay Danny.

Sa pagkabigla ni Danny ay nasamid ito at napainom ng tubig sabay tingin ito sa akin. Nginitian ko lang ito bilang sign na sakyan nalang si Daddy.

"Magkasintahan? Akala ko ba eh magkaibigan lamang sila?" si Mommy.

"Umamin na iyang anak mo kanina, naku may patago tago pang nalalaman." sagot naman ni Daddy.

"O-opo tito, tama ho kayo. Pwede namang tayong tumuloy parin eh, sayang naman kung icacancel pa natin yung pinabook natin doon." sabi naman ni Danny sa akin.

Nagkibit-balikan na lamang ako, bilang pagsang ayon. Ano pa nga ba ang magagawa ko.

"Si yaya Inday pala, baka kakailanganin ninyo ng makakatulong duon, isama na muna ninyo, tutal wala namang maiiwan dito sa bahay bukas, eh maaga kaming aalis ni Daddy mo. Etong dalawang kapatid mo naman eh, maaga sa school, siguradong pagkaalis namin ni Daddy mo eh aalis na din ang mga ito." tanong ni Mommy.

"Naku wag na, para naman masolo din nila ang isa't isa." si Daddy. Hindi ko alam kung seryoso ba ito, nagpapatawa o nangangantiyaw lang.

"'Wag na Mommy, naku, sigurado naman akong tatanggi rin iyon eh." sabi ko nalang.

Kinagabihan, pagkatapos namin manood ng movie sa sala ay dumiretso na kami ni Danny sa kwarto.

Pagkapasok namin ay agad namang ini-lock ni Danny ang pinto sabay bulong sa akin.

"Hindi ka ba naiilang?" tanong nito.

"Bakit mo naman naitanong yan?" nagtataka ko namang tanong.

Love and LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon