Parang hindi naman aa. Tamo yung picture sa ☝. Haha :D
(Ang tunay na kagwapuhan ay hindi nasusukat sa panlabas na KAANYUAN) Libre mo ko ha. xD
2nd year ko sya unang nakilala. Hindi pa ganoon kakilala pero parang feeling ko ay HINDI KAME MAGKAKASUNDO. xD Pero ang lahat ng yun ang feeling ko lang pala. Dahil sa pagtagal ng panahon hanggang ngayon, para kaming ewan pag magkasama.
Noon, palagi syang kasama ni Ms. Body, pero simula nung nagka-war ata sila at nag iba ang takbo ng mundo nya. Ayon sa nakikita ko noon, halos hindi sila mapaghiwalay, ngunit ngayon, okay na sila ng wala ang isa't isa.
(Parang sa LOVE, matapos mo syang mahalin at ibigay lahat ng dapat ibigay, darating ang araw na iiwan ka pa rin nya at makakapag move na syang mag-isa. Naisingit pa nga e)
Hindi ko maintindihan sya minsan (I mean, alam nyo na GREAT kung anong ibig kong sabihin) Pero sa araw araw na magkakasama kame, nakilala ko na nga talaga sya. Nakakasama ko rin sya sa mga party party pag may problema or kung ano man. Hindi sya KJ. Sobrang saya nyang kasama. Parang ewan lang ang araw ko kapag magkaka usap kami. Medyo prangka sya kung magsalita lalo na dun sa isa naming kaklase na Ody ang ngalan. Napaka-harsh nya talaga dun.
Isa sa mga taong sobrang harsh mangopya. HAHAHA. Hindi naman sa pangda-down pero kakawa naman yung pinag gagayahan nya kung mas mataas pa sya sa ginayahan nya. AT YUN ANG NANGYAYARI. HIHI . The best talaga sya.
Palagi rin nga pala syang nilalait ni Mata dahil sa mga alaga nya sa mukha nya. Minsan natatawa na lang ako e, pero minsan may pagka dismaya rin, kasi hindi naman gaanong kalala yung mga alaga nya. Hindi tulad nung iba na sobra na talaga. Nakikita ko na imbis na seryosohin nya ang mga panlalait ni Mata ay tinatawanan na lang nya ito para matawa na lang din kami.
Ay oo nga pala. Makakalimutan ko pang sabihin e. Sya nga pala si Nheil Patrick M. Comia. "Mia" sa gabi xD Hihi. Juk laang. Walang magagalit ha. Ang lahat ng biro ko ay dapat na tinatawanan lamang at hindi siniseryoso. xD
Na alala ko tuloy yung mga araw na magkakasama kami, na halos hindi ko na alam ang gagawin ko kakatawa. Basta yung mga pangyayaring yun na halos maubusan na kami ng hininga dahil sa pagtawa ay hinding hindi ko makakalimutan. Hinding-hindi.
Minsan nga muntik pa kaming magkagalit e. E kasi naman nag-groupings sa LAW para sa Quiz bee, tapos ang naging kagrupo ko ay isang magandang babae lamang. Naging iba ang dating sa akin nung mga salitang lumabas sa bibig nya kaya ayun, parang nag-init ako. Pero sa huli naman ay naging okay, dahil naging mahinahon ang pag uusap namin. At natawa na lang kami parehas. Tapos sa sunod na araw ay nangyari na naman ulit, ang pinag-kaiba lamang ay sya naman ang nag-init sa sinabi ko. Hindi ko na matandaan kung ano ang nasambit ko e, pero ang alam ko sabi nya na parang ibinalik lang daw nya yung sinabi ko sa kanya. Kaya ayun, utas naman kami ng tawa e. xD
Lately lang nakasama ko sya sa paggawa ng isa naming requirement para sa paggraduate namin (Sana.Sana.) Yung Feasibility Study namin. Hahay. AY UTASSSS naman sadya kami ng pagtawa e. Subra. Yung feeling na kailangan silent lang ang pagtawa mo, dahil madaling araw na at nasa bahay pa kami ng isa naming professor. That moment, na hinding hindi ko rin makakalimutan sadya.
Sa mga nakilala ko na tulad nya, iba sya. Iba sya sa lahat ng iba. HAHAHA. Wala akong ibang ibig sabihin ha. Ang sinasabi ko lang, mabait ka. Hihi.
Salamat sa pagiging CLOWN ng barkada ha. Wag ka na kasi masyado kung ano ano pang ginagawa, kaya nadami ang inaalagaan mo e. Hinay hinay lang, wag mong ampunin lahat aah. Sige ka, maghihirap ka nyan. Hehe. Sya dine na natatapos ang aking paunang pagpapakilala sa iyo. Hanggang sa susunod na mga chapter ha.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Ang iyong ALAGA,
Marosa xD
BINABASA MO ANG
How Great We Are :)
Teen FictionThe GREAT friends who did great and amazing things. Lucky to be one of them