.hahaha. Hindi to HORROR ha. Hehe. xD
Alam mo, minsan talaga may makikilala tayo na may kakayahang hihigit sayo'. At wala kang magagawa kundi tanggapin na lang. (Ay hugot ! xD)
Sa ilang taon naming magkasama bilang magkaklase, magka-officer at lalung-lalo na bilang magkaibigan (ewan ko laang kung kaibigan nga, sobra kasiii minsan xD), nakilala ko na ang taong to. Bagaman may kalakihan ang MATA ay mas malaki pa rin ang PUSO nya para sa ibang mga taong nangangailangan. Sobrang proud ako na naging kaibigan ko sya, kahit na minsan sobra syang manlait ay okay lang. Kaya naman, na-inspire ako sa ginawa nya at sumulat ako ng isang maikling kwento at pagpapakilala sa kanya. Hanapin nyo pa sa The BatStateU Files or kaya naman Batangas State University Confessions (pa-like na din). Kung tinatamad ka eto na oh yung sinulat ko tungkol sa kanya:
The Heart of a True Man.
Hindi to lovestory. Hindi rin to pambrokenhearted. Hindi ito para sa magbestfriend at lalong hindi rin to para sa kung anuman ang may kinalaman sa sikat na topic na "LOVE". Sabihin na nating malaki ang MATA nya (hehe xD or eyebags kaya ?) pero mas malaki naman ang PUSO nya para sa mga taong nangangailangan ng tulong. His SIMPLE way of giving is such a big BLESSING. Hindi ko nga malaman kung saan humuhugot ng ganoong kabaitan ang taong iyon. Nakakainggit minsan dahil para sa kanya walang imposible. Lahat pwedeng gawin basta nasa tama. Lahat pwede mong ipaglaban basta nasa katwiran at lalong lahat pwede mong tulungan basta nangangailangan. He inspires me to do things na pwedeng makatulong sa iba. Sa iba na isang kahig isang tuka. Sa iba na walang maayos na natutuluyan. At sa iba na dumaranas ng matinding paghihirap.
Kaya ako sumulat dito ay hindi para magmalaki. Kundi para mainspire din kayo gaya ko. Okay simulan naten. Itong taong to mala-piolo pascual ang dating (pag nakatalikod xD). John Lloyd ang datingan at Coco Martin kapag humarap na. Pero syempre biro laang yun. Isa sya sa kilalang lalaki sa department namin dahil sa tikas, pananalita at gawa nya. Magaling syang magsalita sa harap ng maraming tao. Hindi mo sya kakikitaan ng kaba kapag sya na ang nagbabahagi ng kanyang mga kaalaman. In short, maayos syang lalaki. I mean, hindi kagaya ng iba na buhay teenager lang, party,party, bonding bonding. Sya kase, may sarili na syang business (Mikiron business na sobrang sarap ng suka xD). Napag alaman ko rin na mula bata sya ay nagkaron na sya ng ibat ibang business. Sino naman ang hindi hahanga sa kanya d ba ? Mas humanga pa ko sa dedikasyon nyang makatulong sa ibang mga tao gaya ng mga aeta at badjao na kumakalat sa lugar namin.
Ganito yun. Sinabihan nya ko na kung gusto ko raw magdonate ng kahit na ano. Kahit mga lumang damit okay na para raw sa mga pulubi na tutulungan nya bago sumapit ang kapaskuhan. Nagdonate agad ako ng damit at nagpack ng ilang mga biscuits. Sabi nya kung gusto ko raw sumama sa pamimigay nya. First ko gagawin yun, kaya umo-o agad ako. December 24 , 2013. Isa sa mga hindi ko malilimutang araw ng buhay ko. Araw kung san nakapagpasaya kami ng ilang mga hirap sa buhay at nabigyan sila ng kahit konting ngiti sa kanilang mga labi. Matyaga kaming namimigay ng mga regalo at pagkain sa mga nagkalat na bata at pamilya sa lansangan. Hindi namin iniintindi ang iniisip ng ibang tao, basta nakakapagbigay saya kami. Minsan naisip ko, unfair ba para sa mga mahihirap yun, dahil habang sila ay abala sa pagbili ng mga magagarang kasuotan at kumakain ng masasarap na pagkain, sila naman nag iintay lamang ng mga biyayang hindi nila alam kung may dadating o wala. Kaya habang nagbibigay kaming dalawa ng mga aginaldo, kitang kita namin na napakasaya nila kahit na alam namin na maliit na bagay lamang ang naibigay namin.
Saludo talaga ako sa taong iyon. Sya ang nagpamulat sakin na dapat pahalagahan natin ang lahat ng mayroon tayo dahil maraming mga tao ang hindi pa nakakamtam ang syang nakamtan na natin. Mula sa pagkain na dapat inuubos palagi, dahil maraming mga bata ang naghahalungkat ng basurahan makakain lamang. Sa pera na dapat ay tinitipid, dahil maraming pamilya ang gagawin ang lahat kumita lamang ng salapi, miski na makapatay, makasakit ng ibang tao. Basta sa lahat ng mayroon tayo may kaakibat dapat na pagpapahalaga. Dahil baka isang araw, pagmulat natin wala ang lahat ng bagay na ating nakasanayan. . . .
Yun lang. Humanga lang talaga ako sa angkin nyang kabaitan. Sana lahat ng lalaki ay katulad nya, ngunit alam ko naman na nilikha ng Diyos ang tao ng may kanya kanyang personalidad pero sana talaga. XD haha. Hanggang dito na lang. Ako nga pala si "PAA" haha. Pag mabasa mo to, kahit di ko lam kung nagbabasa ka ba dito, ee SALAMUCH talaga sayo. You inspired me.
-------*
Yan na yan ang sinulat ko para sa kanya. Naisip ko nga, kapag naging isang kilalang writer na ko, magsusulat ako ng mga article tungkol sa mga totoong tao. Not just for what they did but for who they are. Sa kalakihan ng MATA ng taong ito, hindi maitatanggi na malaki na rin ang EYEBAG nito (hahaha. Peace !) Seryoso, singkit naman sya e pag tulog xD
Physically!
Gwapo.
Maputi.
Matangos ang ilong.
Malinis sa katawan.
Malaki ang mata.
Payat nga lang ng konti.
Mentally !
Pang Mental ang ugali xD hahaha
Spiritually !
Sobrang maka-DIYOS.
Emotionally !
Matulungin.
Perfectionist.
Madiskarte.
Masipag.
------*
Ewan ko ba. Minsan nagugustuhan ko sya. Minsan naman naiinis ako sa kanya. Kapag nakasama mo talaga sya. Mapapaisip ka kung ano talagang klaseng tao ang gusto mong makasama habang buhay (kung kagaya ba nya). Hinahangaan ko kasi sya sa mga bagay na ginagawa nya. Mula sa simpleng bagay hanggang sa napaka-kumlikadong bagay na.
Swerte ng babaeng magiging partner nya kasi bukod sa malaki ng ang MATA ay mas lalong malaki ang puso ng taong minahal nya xD OHA ! xD
I will never stop saluting this kind-hearted man even when we grow old.
Sya nga pala si Arjay Torralba. Mas kilala sa tawag na MATA (sa Great). Thank you for being a friend :) See you soon... Yayaman tayo ! xD
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ang iyong PAA,
Marosa xD
BINABASA MO ANG
How Great We Are :)
Teen FictionThe GREAT friends who did great and amazing things. Lucky to be one of them