Ms. Dimples ♥

49 1 0
                                    

-----------

----.

Lahat ng sikreto ay nabubunyag. Lahat malalaman sa takdang panahon. Lahat may rason at eksplanasyon. Kaya siguro ito na siguro ang oras para malaman ko kung...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Pano' sya nagkaroon ng DIMPLES ! XD Haha. Curious kasi ako talaga kung bakit ang lalim ng dimple nya sa may kaliwang pisngi nya. Mayron rin naman sa kanan, kaso masyadong mababaw. Hihi. Ang cute kaya pag may dimples, pero hindi ko sinasabi na CUTE sya ha. Kase... Maganda sya. ^__^ (libre mo ko memea ha.)

Bago pa kayo mainggit sa dimples nya, este bago pa kayo malito kung sino sya. Ipakikilala ko na sya agad sa inyo.

Siya si Ma. Gladys Javier. Pede mo syang tawaging Maria, pero dapat handa ka pag nainis sya. Haha. Hindi naman sya masyadong wild pero hindi na sya manlilibre. Hahaha :D Anyway. Seryosohan na. Bago pa ko magsimula ng career ko sa University namin, (haha. Makacareer ee, kala mo sikat :D) kaklase ko na sya. In short, mula first year college kame, inggit na ko sa cute nyang dimple. Haha. Joke lang. Simple lang sya kagaya ko. XD. Walang kaayos ayos sa sarili kaya naman hindi malayong madaming magkagusto sa kanya.

Naalala ko nga nung time na naging close kame. School Intramurals noon. Habang nanoonod kaming mga magkaklase ng laro, natawag ko syang "KERIBESBES". Ewan ko nga din, medyo mabantot pero nung nasabi ko yun bigla syang natawa at yun, simula noon yun na ang tawagan namin. Medyo mahaba din pag sinabi yun, kung pede nga lang KERI na lang. Hahaha. Ee sa KERIBESBES kami nagkakatawanan ee. Sabi nila pag binigyan mo raw ng codename ang isang tao, mahalaga na ito sayo. Ee mahalaga naman talaga sakin si Gladys ee. Mabait sya. Maganda. Medyo masipag mag-aral (haha. Medyo naman talaga) Hindi sya marunong magalit. Maintindihin rin. Medyo may pagka-imature din. (Konti lang naman) Isa na sya sa mga naging close friend ko magmula ng pumasok ako ng college. Para na nga raw magkamuka na kami ee dahil palagi kaming magkasama kahit san man magpunta. Pero sabi ko mas cute ako sa kanya, ee mas maganda kasi sya ee. Haha :D

Naalala ko tuloy nung pauwi na ata kami nun, habang papunta sa SM, mY nakasalubong kaming matanda ata na nagtitinda tapos ang sabi, magkapatid raw kami ee parang kambal raw . D ko na masyadong tanda ee, first year pa yun. Hahaha. Tawa naman kami ee. Ayun. Sayang nga sya ee, kaliit kasi, pede na sanang panlaban ng Ms. Chuchu. Haha :D Pero diba sa ng iba karamihan raw ng maliliit ay maganda. (Yieeeee. Feeling) Haha. Joke. Agree kaya ako dun. Maganda naman talaga sya.

Sa isang araw ata, ilang libong tawa ang nagagawa namin, dahil minsan pag magkasama kami, kulitan lang kami ng kulitan. Pero hindi kami mag-bestfriend. Tamang Closefriend lang ang turing namin sa isa't isa. Daig pa kaya namin minsan ang mag-bestfriend kung umasta. Pero hindi ko inisip na maging bestfriend nya kasi sa dami nyang bestfriend, baka mag-away away pa. Isipin mo na lang pag dumagdag pa ko sa isa sa mga bestfriend nya baka ako na lang ang samahan nya, edi nagselos selos na. Hahaha. Ewan ko nga ba, sa sobranh bait ng babaeng yun, dumami na ng dumami ang bestfriend nya. Bahala nga sya. Pag bestfriend kasi, isa lang dapat. Isa lang ang taong pinagsasabihan mo ng mga sikreto mo, isa lang ang pinakasinasandalan mo. Pero sya madami. Iba talaga. Choice naman nya yun ee, ee sa madami syang bestfriend ee, bakit ba ko nakikialam. Haha :D

Hanggang sa nung nag-summer class kami, nagkahiwalay kami. Dun sya sa kabila napapunta. Medyo hindi nagkakatagpo ang schedule namin kaya minsan sa isang araw hindi talaga kami nagkikita. Madalas na lang. Pero pag magkikita kami, hindi rin nagtatagal kasi nga may klase sya minsan. Kaya tuloy parang feeling down ako. Haha. Sabi ko na lang, madali naman ang summer at magiging magkaklase ulit kami. Nasanay na kasi ako na palagi syang kasama. Minsan nga sa kanya ko naibabahagi ang mga bagay bagay sa aking buhay. Naiyakan ko na rin sya. Nakukulit ko sya nung mga oras na ako ee walang tulog at hindi sya naiinis. Masaya kaya kasama ang mga taong ganun, walang kaarte arte. Minsan pag gipit na gipit ako sa kanya ako napapalapit. Hahahaha. XD

Wala akong masabi. Hahaha. Minsan nga naiinis na ako sa kanya kasi ang bait bait nya masyado. Tangek tangek ee. Haha. Nagtampo na din kaya ako sa babaeng yun. Ewan ko rin kung bakit, pero ako rin ata ang nag-approach sa kanya. Hihi. Baliw lang. Yan ang sinasabing HINDI MATIIS ANG TUNAY NA KAIBIGAN. Haha. Kaya yun, naging magkaklase naulit kami at wala namang nagbago, KERIBESBES ko pa rin sya. Pero minsan na lang namin nagagamit yjng codename na yun, masyado na kasing busy. Hahaha :D

Madalas,sa kanila ako nag-oovernight pag nag gagawa ng mga assignments or projects. At mas marami pa ang kulitan kesa sa ipinag gawa namin ng schoolworks. Haha. Ganun naman minsan. Hindi na maiiwasan. Haha :D At nalaman kong hindi sya mahilig sa mga gawaing bahay noon. Ewan ko lang ngayon. Hihi. Ee kasi nga alagang alaga sya sa kanila kaya siguro ganun. Napacute talaga ng dimple nya lalo na nung nakita ko ang picture nya nung bata sya. Ang taba taba. Ngayon naman payat na. Ee ganun naman talaga pag naganda di ba. Hihihi. XD (kotang kota na ha. Libre na ko nyan)

Ngayong third year na kami. Isa sa Great Friends ko. Mahiligsya minsan mag-ayang umuwi kahit 10 minutes palang wala ang professor namin. Hahaha. Sabi ko na ee. BI talaga to. Hahaha. Joke lang. Nakakatamad rin naman kasi minsan pag hindi napapaattend ang mga teacher. Ang resulta, tinatamad rin kami. Ang busy kasi nila ee. Ee hindi naman kami busy. Hay buhay. Kaya minsan nagkakayayaan umuwi ang Great. Ako naman, sabi ako ng sabi ng ayoko na uuwi na ko. Ee hindi naman ako natayo sa kinauupuan ko. Hahaha. In short, natatakot kasi ako. Hehe. Gusto ko ngang hawahan siya ee, para wag na sya umuwi or magyakag umuwi. Hahaha.

Nung last birthday nya, pinaghandaan ko yun. Kasi naggawa pa ko ng VIDEO ko para sa mga sasabihin ko sa kanya tapos may cartolina pa. Hehehe. Gusto ko kasi personalize para may effort. NAgustuhan naman siguro nya. Ewan ko rin. Dapat nga mag-cocompose pa ko ng kanta para sa kanya ee, kaso tinamad na ko. Hehe. Ganyan sya kahalaga sa akin. Pero sabi nga walang permanente sa mundong ibabaw. Lahat nagbabago. At habang nagiging mature kami parehas ay nag-iiba rin ang mundong ginagalawan namin. May mga bago kaming kaibigan na nagiging parte ng aming buhay. At Happy naman ako na ganun pa rin ang lahat sa amin. May mga konting pagbabago lang tulad ng hating hating talaga ang mga oras nya sa mga bestfriend nya kaya minsan iniisip ko na hindi na lang ako makikisali sa hati oras nya. Haha. Mabait kasi ako. (Tatanggi pa to ee.)

Wala. Masaya ako na naging part sya ng buhay ko sa mundong ibabaw. Yung mga kakulitan nya. Yung mga jokes na na minsan ay waley at habey. Haha. Yung pagiging mabait nya. Yung pagiging baliw nya. Yung pag.. yung nakakinis nyang PAG NGITI na labas pa ang Dimple. Arrggg. Papalagay din ako nyan. Mas malalim pa sa kanya. Hihi. Hindi ko malilimutan ang lahat ng yun. Gusto ko sabay kaming gagraduate at pupunta ng ibang bansa para magbakasyon kasama ang Great.

---------

----.

Malapit na nga pala ang Birthday nya. Sa OCTOBER 4 na. Batiin naman natin sya oh. Aadvance ko na ang pagbati ko sa kanya kasi naman wala ako sa birthday nya. Nasa isanh business trip ako. Hihi. HAPI HAPI HAPI HAPI HAPI HAPI. HAPI ??? Yung Toothpaste ?. Hihihi. Waley ! De. Happppppppyyyyyyyy BURPDAY MARIA. Hahaha. Hiling ko na sana maging fully mature ka na. Matupad mo lahat lahat. Magkalovelife na rin. Haha. Parang ang cute kasi pag nagkaboyfriend na sya uli. XD Pero focus muna dapat sa pag aaral. Hehe. SANa maging masaya ka palagi sa life mo. Wish you all the best. Enjoy your day ha. Nexttime na ang gift ko. Sa ngayon muna ay ito. Hehehe.

"STAY PRETTY and HUMBLE."

LOVELOTS,

KERIBESBES ♥

-------

---.

How Great We Are :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon