Chapter 5

13 0 0
                                    

Di pa man sumisikat ang araw ay agad na akong nagising,  hindi pa ganoon ka liwanag ang kalangitan, ni hindi pa nga tumitilaok ang mga manok ng aming kapit bahay e.  Naunahan ko pa ang pag tunog ng aking alarm clock, bihirang bihira mangyari ito hahaha.  Kadalasan kasi ay yung alarm ko lamang ang gumigising sa akin. Eksakto 5:00 am ang sinasabi ng aking orasan.  Agaran kong binuksan ang aking bintana at nilasap ang napaka sariwang hangin na ibinubuga ng umaga. Hmm wala ng mas gaganda sa pakiramdam ng pagtama ng sariwang hangin sa iyong mga balat napaka dalisay at nakakagana nga naman.

Nanatili ako sa aking bintana upang hintayin ang pag silay ng haring araw. Dahan dahan ang pag liwanag ng kulay kahel na sinag nito na siyang nag bigay buhay sa kalangitan kalangitan. Bawat minuto na lumilipas ay marahang lumilitaw ang araw,  na hindi pa gaanong masakit sa mata titigan haaay.  Napaka ganda naman

Kasabay ng pag tama ng sinag nito sa aking mukha ay ang malakas na pag tunog ng aking alarm clock. Hudyat na dapat ko nang simulan ang araw na ito. 

Kasabay kong pumasok si Kurt ngayong umaga, kaya naman napaka gandang ngiti ang namumutawi sa aking mga bibig. Masaya kaming nag lalakad patungo sa paaralan na di naman kalayuan sa aming tahanan. Kasabay ng mga huni ng mga ibon ang  bawat naming pag hakbang. 

"So love, anong plano?  Malapit na" ngiting ngiti niyang sambit.  At alam ko na agad kung anong tinutukoy niya,  ang nalalapit na anniversary namin. Mag tatatlong taon na pala kami, hehe

"san ba tayo?  San mo ba gusto?"

"Hmm,  ako na ang bahala,  I have something special for you." and he winked, oh my yung kindat talaga niya nakakatunaw. Anyway,  sya na daw pala bahala e. Saan nya kaya ako dadalhin?  Hmm I can't wait.

"Talaga love?  Yieeee"

Maaga naming narating ang school, hindi pa ganoon karami ang tao roon at maging sa room namin ay apat pa lang ang nandon.  Wala pa si Raz, parang ngayon lang ata ako nauna dumating don ah hahaha.

Limang minuto na lamang at mag uumpisa na ang klase,  ngunit wala pa rin ang magaling kong kaibigan.  Papasok kaya yon?  Ilang beses ko na chinat at tinext pero di naman nag rereply e hays. 

Lunch na,  natapos na ang dalawang klase at hindi pa rin nag paparamdam si Raziel sa akin. Di kaya may sakit yon?  Pero bakit di man lang sya nag sabi sa akin? Ay nako hayaan na nga yon,  asan na kaya si Kurt? 

Di nag tagal ay dumating na rin ang cute kong boyfriend. Ngiting ngiti itong lumapit sa akin.

"Love!  Sa labas tayo kumain" aba ano kayang meron at nag yayaya to kumain sa labas?  Pero sige haha paulit ulit na lang ang pag kain sa canteen e nakakasawa na haha.

Narating namin ang isang restaurant di kalayuan sa school, minsan na kaming kumain dito at ngayon na lang ulit kami nakabalik. May kamurahan ang mga pagkain dito kumpara sa ibang mga restaurant kung kaya't medyo marami ang kumakain dito. 

Sa may tabihan kami ng bintana naupo at dahan dahang nilalasap ang sarap ng mga pag kain na nakahanda sa aming harapan. Tila ba napaka saya kumain kapag kasama mo yung taong mahal mo.

"Asan nga pala si Raz? " biglang tanong ni Kurt,

"Hindi nga pumasok e, di ko rin alam kung bakit." malungkot kong sabi habang hinihiwa ang steak na nasa harapan ko,

"Nga pala love,  sa anniversary natin, susunduin kita sainyo ng 6pm wear a casual dress" I can't wait!  Mag dadate kami sa anniversary namin yeeeey!  Saan kaya kami pupunta?  Excited na akooo!

Natapos na ang aming pag kain ngunit mananatili muna kami saglit dito sa aming kinauupuan dahil halos isang oras pa naman bago kami mag time.

Sa kalagitnaan ng aming kwentuhan ay mayroon akong napansin sa aking bandang kaliwa sa kabila ng bintana. Di kalayuan, sa ilalim ng isang puno ay nakatayo ang isang pamilyar na imahe, na hinding hindi ko malilimutan.  Ang matandang babae ay nandoon at matamang nakamasid sa amin.

"Kurt tara na!  Alis na tayo" Agad kong aya kay Kurt sapagkat ayoko ng makita pa ang matandang babae na iyon.  Ayoko ng mag tama pa ng isang beses ang mga mata namin dahil labis na ang takot na ibinibigay niya sa akin. 

"Ha? Maaga pa ah, mamaya pa klase natin" puno ng pag tatakang usal nito.  Ngunit tumayo na ako kaya naman wala na rin siyang nagawa kundi sumunod na.

Nang makabalik kami sa school ay nag diretso na agad ako sa room namin, wala pa rin si Raz at di pa rin siya nag paparamdam sa akin.  Nasaan kaya yung babae na yon? 

Mabilis na lumipas ang oras, sari saring aktibidad nanaman ang pinagawa ng aming mga guro at kasama na doon ang aming P.E class kung saan pinatakbo kami sa buong oval.  And as usual, nag jogging nanaman ako HAHA.  bakit ko papahirapan ang sarili ko,  wala naman akong dapat patunayan na mabilis akong tumakbo hahaha.  Bahala kayo dyan mag jojogging ako!

Talaga namang nakakapagod ang araw na ito,  buti na lamang ay nandiyan ang aking boyfriend para ihatid ako pauwi.  Di tulad kahapon,  nakadaan na kami sa paborito naming bilihan ng kwek kwek at fishball.  At dahil napagod ako sa lintek na P.E ay naparami nanaman ang kain ko hehe. Ansarap talaga nito. Lalo na yung sauce na ginagawa ni manong.

Nang makarating ako sa bahay ay agaran ko ng inayos ang aking mga gamit at akin ng inusisa ang kalagayan ng mahal kong bestfriend. Tinawagan ko ito at noong una ay di pa ito sumagot,  ngunit noong pangalawa kong tawag ay sumagot na rin ito.

"Raz, kamusta ka naman?  Bat wala ka kanina? " agad kong tanong dito

"may pinuntahan kami ni Mommy kanina e, di na ako nakapag sabi sayo kasi biglaan din" ah kaya pala.  Isesend ko na lang sakanya ang mga notes ko para di sya ma huli sa klase. 

"ganon ba,  bukas papasok ka na? "

"oo sis!  Papasok na ako bukas, namiss moko no? HAHA"

"Aba oo naman,  wala akong ma chika kanina sa room e hahaha. Sige na bukas na lang " at pinutol ko na ang tawag dahil narinig ko na ang aking Nanay na tinatawag ang aking pangalan. 

"Teka lang Ma.  Papunta na" sagot ko rito. 

Naabutan ko ang aking Ina na nag luluto at tinawag niya ako upang utusang bumili ng toyo sa malapit tindahan. Dala ko ang barya at may kabilisang nag lakad patungo sa tindahan sa kabilang kanto. 

"Ate pabili pong toyo yung nasa bote" magiliw kong sambit sa tindera. 

Nang ma iabot sa akin ang bote ay isang mahina at tila pabulong na boses na nag mumula sa aking likuran ang aking narinig na siyang nag pa tindig ng balahibo ko pagkat nakikilala ko ang boses na iyon. 

"ang ahas ay nakapulupot sa mahiwagang puno"

Ang matandang babae ay nasa likuran ko at kamuntikan ko ng mabitawan ang hawak kong bote ng toyo sa labis na pagka gulat at pagka takot. Hindi ko na nagawang lingunin ang matanda at ako ay nag madali ng tumakbo pauwi ng aming bahay.

Narating ko ang aming bahay ng pawisan na siyang ipinag taka ng nanay ko ngunit di na nita ito pinansin.

Kinagabihan ay naririnig ko pa rin ang boses ng matandang babae,  tulad na lamang nung unang beses na may sinabi siya sa akin.  Hindi ko maintindihan kung bakit lagi niya akong sinusundan, at kung bakit may mga sinasabi siya sa akin na mga napaka weird na bagay. 

"ang ahas ay nakapulupot sa mahiwagang puno"

Ano namang meron diyan?  Baka nakuha niya lang sa Bible to?  Ito yung time ni Eba at Adan, na may ahas sa ipinag babawal na bunga. Hays.  Baliw nga lang siguro yung babae na iyon.  Malakas na ata ang saltik noon kaya kung ano ano na lamang ang sinasabi,  ngunit ang nakakapag taka ay kung bakit lagi niya ako sinusundan? My God! May stalker akong baliw?...

The night with you in a lost starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon