Chapter 7

7 1 1
                                    


Maaga akong nagising kahit na mahigit alas dose na kami nakauwi kagabi. Napakasaya ng umagang ito. Tila ba ay naririnig ko pa ang musika na tumutugtog, nararamdaman ko pa ang hangin na tumatama sa mukha ko,  ang mga kamay ni Kurt na nasa bewang ko, at yung... AAAHHHHHH.  Yung labi nyaaaa!  Ramdam ko parin hanggang ngayon!  AAAAHHHH! Ang malambot niyang labi. Napaka saya kagabi, hindi ko inasahan na mangyayari ang lahat ng iyon. Gising na kaya yon si Kurt?

Kinuha ko ang phone ko at tumambad sa akin ang message ng aking pinaka mamahal, 

"Hope you enjoy! " Hindi lang enjoy! Isa pa nga!  HAHAH harot ko e.

"Oo naman,  Thank you for the last night" agad kong reply dito. 

Bumaba na agad ako upang mag agahan dahil naaamoy ko na ang masarap na ulam na nang gagaling sa kusina. Nang marating ko ang kusina ay naabutan ko ang nanay ko na nakabihis at tila ba aalis. 

"Ma,  san ka pupunta? "

"Punta ako kay Tita Marie mo" paalam nito "kumain ka na dyan" dagdag niya. 

"Sige Ma,  ingat kayo"

Nang matapos ako kumain ay agad akong naupo sa sala para panoorin ang mga paborito kong palabas tulad ng; dragon balls,  slamdunk,  Doraemon at iba pa.  Mukhang eto nanaman ang gagawin ko mag hapon ah,  ang manood lang ng t.v. kapag kasi wala akong magawa, facebook,  tv at youtube lang ang ginagawa ko. Minsan nag gigitara ako,  pero  naputol yung isa kong string at di parin ako nakakabili hanggang ngayon. 

At doon ko biglang naalala na may kailangan pala akong bilhin sa mall. May activity pala kami this coming week na kailangan ng art materials,  naubusan na ako dito sa bahay e kaya kailangan ko na bumili.  Isasabay ko na rin ang pag bili ko ng strings. 

Chinat ko si Raz kung may ginagawa ba sya ngayong araw kasi ay isasama ko sana sa mall,  kaya lang di naman nag rereply. So ako na lang mag isa bibili,  saglit lang naman ako.

Halos kalahating oras ang naging biyahe ko papuntang mall. At dahil may weekend sale, napaka raming tao ngayon kaya naman inihanda ko na ang aking sarili sa pakikipag siksikan.  Agad akong nag diretso sa National Book store para mag hanap ng mga kailangan kong art supplies at iba pang mga maiisipan kong bilihin. Nadaanan ko ang mga lalagyan ng libro,  at nandon ang mga libro nila John Green,  Jay Asher, Gorge R.R Martin, Nicholas Sparks at marami pang iba pa. Sayang naman kulang budget ko. Andaming bagong libro,  and naka sale pa!  Hays.

Nilagpasan ko ng labag sa kalooban ang stand ng mga libro at dumiretso na para kunin ang kailangan kong canvas.  Kulang na talaga pera ko para makabili ng libro, sayang e. Puno ng pang hihinayang kong nilisan ang NBS

Nag diretso naman ako sa isang guitar shop pag ka galing ko sa National Book store para bumili ng isang set ng strings.

Now what?

Nabili ko na ang kailangan kong bilhin,  saan naman kaya ako pupunta? Hmm.

"uy DQ" wala sa sarili kong sambit nang masipat ko ang Dairy Queen stand sa kabilang dulo ng mall.  Biglang nag doble ang bilis ng lakad ko ng marealize ko ang nakita ko.  Ang favorite kong puntahan sa mga mall.

"Cookies and cream nga po! " parang bata kong pag kakasabi sa nag titinda. Hanggang ngayon namamangha parin ako kapag binabaliktad nila yung ice cream. Pero ayoko i try kasi baka mamaya mapahiya lang ako hehe.  Naalala ko tuloy si Raz HAHAHAH

Field trip namin non, 3 years ago,

"uy Jaz tara don sa DQ! " agad nan kaming pumila para bumili and as usual cookies and cream ang binili namin.  Manghang mangha si Raz dun sa nag babaliktad nung ice cream kaya naman habang nag lalakad kami ay sinubukan niya.  The first try was ok. Kaya naman tuwang tuwa sya. Pero dahil mayroon akong kaibigang bida bida, inulit niya.  Next thing I know, tulala na lang sya don sa sahig at nangingilid na ang luha. Hindi dahil sa ice cream nya,  kundi dahil sa napaka raming tao na nakakita sa katangahan nya. HAHAHAH priceless ang reaction ni bestfriend ko that time.

"Ma'am eto na" ay eto na pala yung ice cream ko hehe. 

"Thank you po"

Nag lakad lakad muna ako sa mall habang ineenjoy ang ice cream ko, ansarap talaga nito. Sayang lang at di ko kasama si Raz. Nang marating ko ang second floor ay nanatili muna akong nakatayo sa gilid ng railings para pag masdan ang mga tao palakad lakad sa ibaba. Halos lahat sila ay para bang nag mamadali, maraming mga dalang pinamili, may mga mag kakaibigan na nag window shopping lang, meron ding mga mag kasintahan na di mapag hiwalay haha.

Bakit para na silang mga robot?  Ni hindi manlang  magawang tignan ang mga nakakasalubong. Lahat ay may kanya kanyang gawain, lahat ay mabilis na nag lalakad, lahat ay nakatungo sa kanilang gadgets. Tila ba'y wala na silang pakialam sa paligid nila,  Hays, another random thoughts again.

Naputol ang aking malalim na pag iisip nang makita ko ang aking kaibigan,  naka tagilid siya sa akin habang bumababa ng escalator sa may harapan ko. Naka jacket siyang blue at naka cap na white. Di ako pwedeng mag kamali, si Raz yung nakita ko. Nang makababa si Raz sa ground floor ay may nilapitan siyang isang naka jacket na itim at naka cap din. Nakatalikod iyon kaya di ko makita kung sino, ngunit sa hubog ng katawan ay mahahalata na isang lalaki ang kausap ng bestfriend ko.  Pero sino naman kaya yon?  At bakit sila naka jacket at cap, tanghaling tapat e. 

Matapos ang panandalian nilang pag uusap ay lumakad ang dalawa patungo sa labasan ng mall.  Kaya naman di na ako nag aksaya ng oras at dali daling sumakay sa escalator pababa para masundan ko yung dalawa. Naiintriga ako sa lalaking kasama ng bestfriend ko e.  Hahaha.  May nililihim sakin si Raziel! Kaya kailangan kong malaman kung sino iyon. 

Binilisan ko ang pag lalakad para maabutan ko yung dalawa, pero dahil sa dami ng tao na nakakasalubong ko ay naging mahirap ang pag usad ko.  Kaya naman sinubukan kong sumigaw at tawagin ang aking kaibigan. 

"Raziel! " isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng mall. Tumingin sa akin si Raziel na para bang gulat na gulat.  Nanlalaki ang mga mata nito na para bang nakakita ng multo. At laking gulat ko dahil imbes na tumigil ay tumakbo pa ito,  kasama yung lalaki. 

Sinubukan kong tumakbo din para habulin sila pero ng makalabas ako sa mall ay di ko na natagpuan ang aking kaibigan at ang kasama nya. 

Nakauwi ako na puno ng katanungan ang isipan.  Sino iyong kasama ni Raziel?  At bakit nila ako tinakbuhan? Boyfriend kaya nya?  Pero bakit di nya pinapakilala sa akin.  Ay nako, she have some explaining to do!  Kaya naman agad kong tinadtad ng messages ang phone nya hoping na mag reply sya at ng malinawan na ako...

The night with you in a lost starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon