Chapter 16

5 1 0
                                    

Stars looks upon us, don't they? 

The cold December breeze makes me shiver from within as the night sky starts sparkling. Millions of stars gather tonight to watch this lonely and miserable life of mine. They're here to watch me die deep inside.  I want to cry for help, hoping that a star might come and ignite this dying and fading hopes I have.

Siguro mga 9pm na, I'm not sure wala akong orasan e.  Pero malalim na ang gabi and nandito lang ako sa isang park sa tabi ng city hall, mag isang nakaupo sa ilalim ng puno at malungkot na pinag mamasdan ang kislap ng gabi. 

The night sky gives us mixed emotions. Pwedeng masaya ang perception mo the other night, tapos sa ibang gabi kapag tinitigan mo ang kalangitan is lungkot na lang ang mararamdaman mo.  it's weird pero ganon din naman sa buhay natin e, last week masaya ka then next week wala na.

May naalala tuloy akong kanta.

( Vincent - Don McLean )

"Starry, starry night
Paint your palette blue and grey
Look out on a summer's day
With eyes that know the darkness in my soul"

Unti unting lumabas ang mga liriko sa aking bibig habang inaalala ang mga tamang tono ng kanta. 

"Now I understand
What you tried to say to me
And how you suffered for your sanity
And how you tried to set them free

They would not listen, they did not know how
Perhaps they'll listen now"

Malungkot ang pag labas ng bawat lyriko at tono mula sa aking bibig. At habang marahan na kumakanta ay wala akong ibang magawa kundi titigan na lamang ang tila ba ay nakikisabay sa akin ng kalungkutan na mga bituin. 

Marahan ang naging pag lapat ng aking likuran sa malambot na damuhan, ngayon ko lang namiss ng ganito ang kwarto ko at ang malambot kong kama. Nanatili ang marahang pag awit ko kasabay ng pag dampi ng malamig na hangin sa aking balat. Hindi pa rin nag babago ang emosyon ng kalangitan at nananatili parin ang labis na kalungkutan at pangungulila. 

Unti unti ng dumapo ang antok sa akin kaya naman isinuot ko ang hood ko at pinilit takpan ang aking mata. Hanggang sa tuluyan na akong nahimbing, umaasang bukas magigising ako sa kwarto ko dahil panaginip lang lahat ng ito. 

Nagising ako sa nakakasilaw na pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha.  Andito pa rin pala ako, sa ilalim ng puno,  sa park malapit sa city hall na nasa ibang planeta.

I thought this was a dream. Akala ko gigising ako ngayong araw sa kwarto ko. At ang unang sasalubong sa akin ay ang amoy ng napaka sarap na pagkain na inihahanda ni Nanay sa kusina

Pero hindi pala, maybe this is not a dream at all.  Ito na siguro ang buhay ko ngayon.  Walang bahay,  walang pamilya,  walang pagkain, walang kasama,  walang kahit ano.  Basically I'm nothing.

How could this happen to me?  Bakit ako yung kailangan mag suffer? Bakit ako yung kailangan makaranas ng ganito. Kasi as far as I know ako tung niloko e, ako yung sinaktan.  And now here I am, without everything. Na after a week of pain and sadness, here comes another week of suffering and hopelessness. Bakit di na lang kasi ako mamatay!

Isang araw na ako dito sa lugar na ito without knowing kung makakabalik pa ba ako sa amin. Mayroon pa akong natitirang kakaunting mga barya mula doon sa binigay nung Ginang kahapon sa bakery,  pero those will not be enough.

Matapos ang halos isang oras na pakikipag talo sa sarili kung saan pupunta at anong gagawin ay nag desisyon na rin akong umalis sa pwesto ko.  I can't believe na kinaya kong matulog don sa ilalim ng puno.  That's something na hindi ko nagawa ever.  Pero siguro ganon talaga kapag walang wala ka na, kakayanin mo matulog kung saan saan. 

Mga ilang minuto na rin akong nag lalakad,  at pilit na tinitiis ang napakainit na sikat ng araw na tumatama sa aking balat. Hindi ko masabi kung anong oras na pero mataas na ang sikat ng araw at parami na ng parami ang mga taong makikita sa lansangan. 

Habang nag lalakad at hindi pa rin alam ang patutunguhan ay di ko namalayan na dinala na pala ako ng aking mga paa sa tapat ng isang maliit na karinderya.  At doon ko lamang napagtanto na kanina pa pala kumukulo ang aking tiyan. 

Kapansin pansin na may mga kaparehas din silang lutuin na inihahain dito.  Mayroon silang adobo,  sinigang, nilaga at iba pang ulam na matitikman din mula sa Earth na pinanggalingan ko.

Gutom na ako!  Sana kasya itong kakaunting barya na hawak ko. 

"Ate,  magkano po dito?" hindi ko masabing adobo dahil baka mamaya iba pala ang tawag nila dito kaya naman itinuro ko nalang ito. 

"Twenty kapag may kasamang kanin iha" uy sakto sa pera ko!  Ayos makakakain na ako sa wakas. 

"Sige po ate,  isang order po sakin" agad ko ng inabot sa kanya ang mga barya na kanina ko pa hawak hawak. At nagtungo na sa isang upuan para kumain. 

Nang dumating na ang pagkain ko ay hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad na nilantakan ito.  Hmm, napaka sarap sa pakiramdam kapag nag kakaroon ng laman ang tiyan. Nakakamiss tuloy ang mga pagkaing niluluto ni Nanay.

Ang hirap pala kapag wala kang makain, yung hindi ka sigurado kung may kakainin ka ba para sa agahan,  tanghalian at hapunan.  Yung kailangan mo pag hirapan yung kakainin mo.

Ngayon ko lang na realize na kung dati may mga pagkain na tinatapon tapon ko lang kapag hindi ko maubos,  mayroon palang mga tao na desperado na at hirap na hirap para lang makakain ng isang beses sa isang araw. Now I feel guilty.

Nanatili muna akong nakaupo sa hapag kainan ng karinderya at tahimik na nag masid sa paligid. 

Kapansin pansin na nag iisa lamang si Ate sa pag papatakbo nitong karinderya.  Siya na ang nag hahain ng pagkain,  nagliligpit ng pinag kainan at siya na rin ang nag huhugas ng mga pinggan at kubyertos sa maliit na lababo katabi ng lamesa niya.

At isang napaka ganda na ideya ang biglang pumasok sa akin. 

"Ate..." napalingon ito sa akin at lumapit.

"bakit iha?  May kailangan ka pa ba?"
Kailangan kita Ate... hehe

"Ate napansin ko kasing ikaw lang mag isa dito, kailangan mo ba ng kahit taga hugas man lang? Pwede po ako" napakunot na lamang ang noo nito sa pag tataka.

"Bakit gusto mo magtrabaho dito?"

"Ang totoo po kasi, wala na po akong natitirahan ,  wala rin po akong makain, at wala rin po akong pera."

"mapag kakatiwalaan ba kita? " bigla na lamang naging seryoso ang mukha nito at naupo sa harapan ko.

"Opo mapag kakatiwalaan nyo ako, kailangan ko po talaga ng trabaho Ate"
Ngumiti ito.

"Ate Dorothy na lang"

The night with you in a lost starTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon