Kabanata 8.

14.7K 671 141
                                    


ABALANG nag-empake ng mga gamit si Dawn nang abutan s'ya ng kaibigang si Mei. Wala naman si Sean dahil nasa fieldtrip ito kasama ang guardian na si Celda.

"Ilang araw naman kayo sa Japan?" Tanong ni Mei nang banggitin sa kanya ng kaibigan ang planong pag-alis ng Pinas.

"7 days. Hindi kasi makakasama si Nessy 'yung kinukwento ko sa 'yo na kasamahan ko dahil umuwi ang kapatid galing Australia." Sabi ni Dawn habang iniisa isa nitong ipasok ang mga damit sa itim na maleta. Wala namang naging problema kay Sean nang malaman n'ya ang agarang pag-alis ng ina nang tawagan ito.

"Dito kana muna Mei. Magpapadala na lang ako ng mga kailangan n'yo rito. Mas kampante kasi ako pag kasama mo si Sean." Humawak si Dawn sa mga balikat ng kaibigan para kumbinsihin ito.

"Okay." Agad na sagot ni Mei. Wala rin namang pakialam sa kanya ang asawa kahit na lumayas pa s'ya ng mansyon.

Nakahinga agad ng maluwag si Dawn. Gano'n lang naman kasi kabilis kausap ang kaibigan n'ya.

"Aalis kami bukas ng madaling araw." 4am kasi ang flight nila papuntang Japan ni Jian kaya nakapag gayak si Dawn ng maaga. Mga bandang alas-siyete naman ng gabi dumating sina Sean pati ang matandang katiwala na si Celda. Naabutan pa nila si Dawn habang nagluluto ng hapunan. Nang makita ni Dawn ang anak ay binitiwan na muna nito ang hawak na sandok at nagtungo sa gawi ni Sean. Ginulo n'ya lang ang buhok nito at pinayuhan na magpakabait habang wala s'ya.

Si Sean ang tipo na hindi mo na kailangan pang pagsabihan. Hindi kasi ito katulad ng ibang bata na matigas ang ulo at pasaway. May sarili itong pag-iisip at ginagamit ang katalinuhan sa tama. Alam ni Dawn na hindi mahihirapan si Mei kay Sean dahil kampante naman ang anak n'ya rito.

Nang matapos ang hapunan ay nagkaroon pa ng maliit na pag-uusap ang mga ito. Kahit naman kasi hindi galit si Sean ay hindi mawawala sa mukha nito ang pagsimangot. Si Mei naman ay palaging pinupuna iyon kaya't hindi maiwasang mag-away ang dalawa. Nagkatinginan na lamang si Celda at si Dawn. Normal na kasi kila Mei at Sean na mag-away na parang aso't pusa.

Namumula ang magkabilang pisngi ni Sean dahil sa pang-aasar ni Mei. Palagi kasing bine-baby ni Mei ito at iritang-irita naman ang bata kaya't nauuwi lang sa away.

"Ang sarap mo talagang asaring bata ka." Natatawang sabi ni Mei. Humahalakhak pa habang nakahawak sa kanyang tiyan.

Sinamaan nanaman s'ya ng tingin ni Sean. Ayaw na ayaw na nga n'yang tinatawag na bata ngunit ayaw parin paawat si Mei.

Ngunit ang panandaliang pag-uusap na 'yon ay naputol nang may mag-doorbell.

"May inaantay ka pa ba sa ganitong oras?" Tanong ni Mei kay Dawn at napatingin sa orasan. Pasado alas-nuwebe ng gabi at wala nang gaanong bisita ng ganitong oras.

Tumayo naman si Celda at sumilip sa bintana. Nakita ng matanda ang pulang sasakyan na pamilyar dito. Nahagip din ng kanyang mga mata ang lalaking naninigarilyo pa sa labas.

"Mei ang asawa mo nandito." Sabi ng matanda. Sumimangot naman si Sean nang marinig iyon. Ilang beses na kasing napag buhatan ng kamay si Mei ng asawa nito. Nanginginig ang mga kamay ni Mei dahil sa halo-halong emosyon. Tumayo naman si Dawn para lumabas. Alam n'yang masasaktan lang ang kaibigang si Mei sa mga kamay ng asawa nito at hindi s'ya makakapayag.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ni Dawn.

"Asan si Mei? Anong oras na bakit hindi pa umuuwi?!" Naamoy ni Dawn ang amoy ng alak na may halong sigarilyo sa bibig nito.

"Lasing ka… umuwi kana kung ayaw mong tumawag ako ng guwardiya." Nagulat si Dawn nang bigla na lamang itong nagwala sa labas at sinisipa sipa ang rehas ng kanilang gate. Hindi umalis ang asawa ni Mei hangga't wala ito.

"Jian umalis kana!" Sigaw ni Mei na nasa likuran na ni Dawn.

"Damn you slut! Nandito ka lang pala! Kanina ka pa pinapahanap ni lola alam mo ba 'yon?!" Galit na galit na sabi ng asawa nito.

"Nagpaalam ako kaya't huwag kang gumawa ng kwento at gulo. Umalis kana!" Sigaw ni Mei.

Ngunit sadyang matapang ang asawa ni Mei at bumunot pa ng baril. Nagpagewang-gewang na ito sa daan kaya't natakot si Mei at binuksan ang gate para sumama sa asawa.

"Lalabas ka rin pala!" Sinabunutan nito si Mei.

"Mei!" Sigaw ni Dawn nang sikmurahan ng asawa ang kaibigan. Doon ay lumabas na si Sean na parang apoy na nag-aalab ang mga mata sa ilalim ng bilog na buwan.

"Diyos ko!" Napasigaw na lamang ang matandang si Celda sa sobrang bilis ng pangyayare.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang hawakan ni Sean ang kamay n'ya na s'yang pinangsikmura sa asawa. Galit na galit si Sean at kulay dugo ang mga mata nito. Sa takot at sakit ay nabitiwan ni Jian ang buhok ng asawa.

"S-Sino ka?" Utal-utal na tanong nito ngunit sadyang wala ng pakialam si Sean at kung hindi pipigilan ni Mei ay baka madurog ang buto ng asawa n'ya sa mga kamay ni Sean.

"Ahhhhhhhh!" Isang malakas na sigaw na umalingawngaw sa buong villa. Sigaw ng sakit at takot.

"Sean wag!" Awat ni Mei nang makitang nakaluhod na sa sobrang sakit ang asawa at nagkanda bali-bali ang mga buto sa kamay. Walang pakialam si Sean habang nakaluhod sa kanya ang asawa ni Mei.

"Hindi mo na masasaktan si Mei." Galit na sabi ni Sean sa asawa ni Mei. Nagulantang si Dawn sa nasaksihan at hindi na makapag salita. Kakaibang galit ang sumasanib ngayon kay Sean at kung hindi mo pipigilan ay baka mapatay pa nito ang asawa ni Mei.

"Sean please tama na!" Sigaw ni Mei at hinawakan ang kamay ni Sean. Bigla naman itong nahimasmasan at ang nag aalab na mga mata'y naging normal. Sa takot ay kumaripas ng takbo ang asawa ni Mei at sumakay sa kanyang sasakyan. Hirap na hirap ito dahil bali-bali ang mga buto n'ya sa kamay gawa lamang ng mahigpit na hawak ng batang nakatayo sa harapan n'ya.

"Halimaw!"

"Halimaw!" Sigaw nito hanggang sa kumaripas ang kanyang sasakyan.

"Sean ano'ng nangyayare sa 'yo?" Hindi parin makapaniwalang tanong ni Mei rito habang nakaluhod. Hinawakan pa n'ya ang mukha ni Sean ngunit umiwas ito at naglakad papasok ng villa. Napahawak naman sa dibdib si Mei dahil sa kakaibang nasaksihan. Gulong-gulo ang kanyang isip sa lahat ng nangyayare.

ITUTULOY...

SUPER SORRY SA DELAY!
NAGING BUSY AKO SA BOOKS NG LOVE TO SIN (40 PCS SOLD!) MARAMING SALAMAT PALA SA MGA BUMILI AT BIBILI PA:)

ANYWAYS, I NEED MOTIVATION GUYS. PROMISE 100 COMMENTS FOR CHAPTER 9🥰😘

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon