Kabanata 5.

15.1K 823 170
                                    


TILA tinakasan ng lakas si Dawn nang makitang kasama n'ya mismo sa loob ng sasakyan si Jian. His eyes are only staring right at her. Hindi malaman ni Dawn ang gagawin. Hindi s'ya mapakali at para bang nabibingi ang kanyang tainga dahil sa malakas na pagkabog ng puso.

Tumikhim si Jian at tinanggal ang coat saka iniabot kay Dawn. Nakita n'yang basa ang kaunting bahagi ng damit nito. Wala namang kahit anong usapan ang naganap sa loob dahil parehong tahimik ang magkabilang panig.

Habang binabaybay ang basang daan, mas lalo pang lumakas nang husto ang ulan. Malayo-layo pa ang kanilang tatahakin. Umataki naman ang migraine ni Dawn dahil sa pabago-bago ng panahon. Kaagad n'yang binuksan ang maliit na bag. She took one pill and closed her eyes. May baon talaga s'yang isang bote na naglalaman ng painkillers.

Kanyang inihilig ang ulo sa bintana para pumikit. It aggrevated the situation. Imbis na mawala ang pananakit ay mas lalo pa itong lumala. She groaned because of dreadful pain. Ni hindi na niya alam ang gagawin dahil sobrang sakit na talaga ng ulo at sabayan pa ng pagkahilo. Ito na talaga ang sakit n'ya simula nang mag kolehiyo.

Napansin ni Jian ang pag-iiba ng mood ni Dawn. Namumutla ito at tila may iniindang sakit. Kaagad n'yang pinahinto sa pagmamaneho ang driver nang makitang mukhang susuka ito. Hinuhad ni Jian ang polong suot para doon sumuka si Dawn. May panloob naman itong itim na t-shirt.

"No I'm okay. Ganito lang talaga ako kapag umaatake ang migraine ko." Nanghihinang sabi ni Dawn.

"You don't look okay." Sabi ni Jian. Inutusan n'ya ang driver na idiretso sa hospital ang sasakyan ngunit nagpumilit naman si Dawn na huwag nang mag-abala pa.

"Okay lang talaga ako. Itutulog ko lang ito at mawawala rin." Sa katigasan ng ulo ni Dawn ay hindi n'ya napigilan ang masuka. Kaagad namang pinunasan ni Jian iyon gamit ang kanyang polo at ipinadiretso ang sasakyan sa kanyang mansiyon. Kahit ayaw ni Dawn ay hindi n'ya nagawang tumanggi dahil sa labis na panghihina.

Ilang minuto ang lumipas at huminto ang itim na sasakyan sa malaking bahay. Lumabas si Jian at inutusan ang driver na tawagin ang mga kasambahay. Pagkatapos ay walang alinlangan n'yang binuhat si Dawn na namimilipit na sa sakit.

Sinalubong naman sila ng matandang babae at inalalayan hanggang makapasok sa master bedroom ni Jian.

"Master ako na po ang maglilinis sa kanya." Sabi ng matanda ngunit tumanggi naman si Jian at inutusan itong ihanda ang paliguan. Hindi naman nagtanong ang katiwalang babae at kaagad na sumunod.

Nagising na lamang ang diwa ni Dawn nang maramdaman ang malamig na hangin ng buong silid. Namaluktot pa ito habang nakasara ang mga mata. Dinamdam ang malambot na kama at makapal na kumot na yumayakap sa hubad n'yang katawan. Hindi iyon nagtagal at nang rumihistro sa utak n'ya ang mga nangyare ay kaagad itong napabangon.

Kaagad itong napatingin sa malaking orasan, pagkuwa'y isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Nasa ibang lugar s'ya at pasado alas-onse na ng gabi. Ano'ng ginagawa n'ya rito? Ang sunod na napansin ay kung bakit hubo't hubad s'ya at tanging makapal na kumot lamang ang nagtatakip ng kanyang katawan.

Bumukas ang malaking pinto at bumukas ang ilaw. Napapikit si Dawn dahil sa pagkakagulat. Hindi pa rin gaanong nag-adjust ang kanyang mga mata dahil may kaunti parin itong kirot. Isang matandang babae ang kanyang nakita. Nakangiti ito habang may dalang mainit na pagkain.

"Kumain kana muna hija para mainitan ang sikmura mo." Sabi ng matanda. Hindi pa rin nakakapagsalita si Dawn at pilit na inaalala ang nangyare. Nawalan s'ya ng malay at biglang nakatulog dahil sa labis na pananakit ng ulo. Nang kanyang maalala ay agad s'yang napatayo at nawala sa isip na wala itong anumang saplot. Doon din ay lumabas si Jian galing banyo at nagpupunas ng kanyang kamay.

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon