Kabanata 12.

14.1K 724 105
                                    


DAWN:

ILANG araw nang makabalik kami sa Pilipinas. Nakita ko agad si Manong Albert sa Airport at kasama si Mei. Magkahiwalay ang eroplanong sinakyan namin ni Jian kaya't hindi kami magkasama.

"Dawn!" Masayang salubong sa 'kin ni Mei. Kinuha naman ni Manong Albert ang mga bagahe ko at ipinasok sa loob ng compartment ng sasakyan. Masaya kong sinalubong ng yakap ang kaibigan ko kahit na hindi naman ganoon katagal akong nawala.

"Kamusta si Sean?" Tanong ko. Kasalukuyang nagmamaneho na si Manong Albert pauwi sa villa.

"Okay naman s'ya kahit na bugnuting bata." Natatawang sabi nito. Hindi naman na bago sa 'kin ang ganoong pag-uugali ng anak ko.

"Wow ang ganda ng broach na 'yan." Turo ni Mei sa may bandang dibdib ko. Hinawakan ko naman ang kulay pulang broach at inilagay sa palad ko.

"Bigay ni Mr. Sun." Sabi ko. Tumikhim naman si Mei na may gustong sabihin.

Tinignan ko ito nang may katanungan sa 'king mga mata ngunit nag kibit-balikat lamang ang aking kaibigan.

Nang dumating kami sa villa ay naroon na sa labas si Auntie Celda. Sumalubong ito ng yakap sa 'kin at kinamusta ako.

"Dawn nandito pala si Master Riku." Sabi ni Auntie. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Mei.

"Sige po Auntie. Si Sean po ba nasa loob na?" Tanong ko. Tumango naman ito kaya't nagpaalam na akong mauna.

Pagbukas ko sa malaking pintuan ay nakita ko si Riku at si Sean sa sala. Nag-uusap lamang ng pormal ang dalawa hanggang sa makita ako ni Riku. Ngumiti naman ako at hinawakan sa ulo si Sean at saka ito ginulo. Bakas sa mukha ng anak ko ang iritasyon at natutuwa akong makita ito dahil sa ilang araw kong nawala.

"Sean iwan mo muna kami ng Uncle Riku mo." Sabi ko. Hindi naman sumagot si Sean at seryosong umalis sa sala. Itinuon ko naman ang aking pansin kay Riku na nakatayo sa harapan ko.

"Riku, kamusta?" Tanong ko. Matagal din itong nawala dahil sa naging abala sa kanyang negosyo.

"Dawn." Banggit n'ya sa pangalan ko at kinuha ang isang magazine sa kanya suitcase at saka ito ini-abot sa akin.

"Ano'ng ibig sabihin nito?" Tanong n'ya nang makita ang larawan ni Jian sa media.

Napalunok ako dahil doon. Alam ko kung ano ang iniisip ni Riku dahil kamukhang-kamukha naman talaga ng kuya n'ya si Jian.

"Nabalitaan ko ang pagbili ng Sun Group sa kumpanya. Dawn, bakit ka pumayag magtrabaho sa kumpanya ni Mr. Sun?" Seryosong tanong ni Riku. Huminga ako nang malalim at inilapag ang magazine sa katabing mesa.

"Alam mong mahalaga sa kuya mo ang Van Shen Group." Bungad ko.

"Kailangan kong gawin ito Riku. Ito na lang ang paraan para makapasok ako sa Van Shen Group."

"Iyan nga lang ba ang dahilan mo Dawn? Look…" Kinuha muli nito ang magazine at itinuro ang larawan ni Jian.

"Sigurado ka bang 'yon ang motibo mo?" Seryoso ang mukha ni Riku.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam mo kung ano'ng ibig kong sabihin Dawn." Humigpit ang pagkakahawak ko sa 'king palda.

"Umalis ka na sa Sun Group habang maaga pa." Nagulat ako nang bitiwan n'ya ang mga katagang iyon.

"Gano'n ba kababaw ang tingin mo sa 'kin?! Sa tingin mo ba ay mahuhulog ako kay Jian dahil lang sa kamukhang-kamukha n'ya si Liu?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses.

"Mahalaga ang Van Shen Group sa kapatid mo Riku."

"Pero hindi ito ang nakikita kong solusyon." Sabi nito. Napa-atras ako nang marinig ang bawat katagang iyon. I feel ashamed. Ano nga ba itong ginagawa ko? Naiipit ako sa sitwasyon. Naging magulo ang isip ko dahil sa mga sinabi ni Riku. Paano nga kung ginagawa ko lang ito dahil ayokong malayo kay Jian?

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon