Kabanata 2.

16.1K 657 63
                                    

Dawn:

I CAN'T GET HIM OFF MY MIND. His fierce eyes, walang kabuhay buhay ang mga matang 'yon. His cold voice, na s'yang humahaplos sa 'king puso. Ang kanyang mga tindig na hindi nag bago. His brushed up hair which highlight his stunning face. He walked towards the table. He suddenly leaned forward. He gently placed his arms on the table.

Kinuha n'ya ang tasa na may lamang kape. Matagal n'yang tinitigan 'yon. I couldn't do anything but stand up and watch him. His face was expressionless. It was full of nothing. Hinintay kong mag salita s'ya.

"If you want to succeed in this kind of work, you better know your place." Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pagkatapos n'yang bitiwan ang mga katagang 'yon ay parang napunit ng paunti-unti ang puso ko. I was devastated. It felt like he ruined every inch of me.

Matapos ang pangyayareng 'yon ay lutang akong bumalik sa trabaho hanggang sa umuwi. I can't face my son. Kilala ko si Sean. Magaling s'yang mag basa ng tao. Hindi ko pa kayang humarap sa kanya ng ganito ang lagay ko. I want to burry my self in my bed. Pagod ang katawang lupa ko at mas pagod ang mentalidad ko.

KINABUKASAN ay nagdali-dali akong pumasok.

"Late na ako!" Salubong ko kay Auntie Celda.

"Dawn hindi ka nanaman ba kakain?"

"Auntie sa opisina na ako kakain. Please paki-sabi kay Sean nauna na ako." Nasa labas si Manong Albert at katatapos lang nitong mag linis ng sasakyan.

"Manong sa Sun Group tayo." Hindi naman nakapag salita ito at pumasok na ako sa loob.

"Hija ayos ka lang ba?"

"Yes manong. Hindi ako pwedeng ma-late. Not now." Kibit balikat na lang itong nag maneho. Pagkarating ko ng kompanya ay tumakbo na ako sa lobby. Bumungad pa sa 'kin ang ibang mga employees na abala sa kani-kanilang mga trabaho.

"Sandali!" Hindi ko na naabutan ang elevator para sa mga employees. Dahan-dahan na itong sumara nang bigla na lamang may isang lalaki ang iniharang mismo ang kanyang kamay. Awtomatiko naman itong bumukas.

"Thank you." Pasasalamat ko. Wala itong kibo. Napansin ko rin na ang bagong mukha nito. Baka sa ibang department s'ya naka-assign. Habang nasa loob ay hindi mawala ang bulong-bulungan ng mga kababaihan.

"Oh my!… hindi ba s'ya ang kaisa-isang anak ng Changco family? Napaka gwapo n'ya." Narinig ko ng hindi sinasadya.

Patuloy ang pag taas ng elevator. Tahimik lang akong nakatayo. Huminto naman sa Engineer Department ito at nagsilabasan na ang mga tao. Naiwan kami ng lalaki.

"Are you new here?" Basag n'ya sa katahimikan. Lumingon naman ako sa kanya at duon ko nakita ang gwapong mukha n'ya.

"Yes Sir." Suddenly he smiled at me. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya itinuon ko ang mga mata sa iba.

"I'm Larson Changco." He offered me his hand.

"Dawn. Dawn Feng-Van…" Naputol ang sasabihin ko nang bumukas ang elevator. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Mr. Sun ang bumungad. Kaagad akong tumingin sa paligid. Walang katao-tao. Muling bumalik ang mga mata ko sa kanya. Nanatili s'yang nakatingin sa 'kin habang nakasimangot. He looked at me with his frowned expression.

"Jian." Masayang bati ni Larson. Jian? Iyon ba ang pangalan n'ya?

"What are you doing here with my secretary?" Walang emosyong tanong ni Mr. Sun dito.

"Oh so she's your secretary?" Hindi na ito sumagot. Napaisip naman ako. Ganito ba siya kapag walang tao? Akala ko ba ayaw niya sa mga tao?

He stepped back and cross his arms. Naglakad naman ako palabas ng elevator at gano'n din si Larson.

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon