Kabanata 15.

13K 470 44
                                    


The tone of your dying voice recalls a time when I was stuck beneath the effulgence of the moon.

UMIHIP ang malakas na hangin. Gabi nang ako'y makauwi ng villa. Paano ko haharapin ang katotohanang nakabalot sa 'king pagkatao? Kung ang pag-iwas ni Liu sa akin ang s'yang paraan upang mabuhay ako ay bakit? Bakit nagawa pa n'ya akong pakasalan kung ang kapalit nang lahat ng ito'y puro kalungkutan?

Hinayaan ko lamang na tangayin ng hangin ang mahaba kong buhok. Payapa ang buong kalangitan. Nananalangin ako sa may kapal na bigyang kasagutan ang lahat patungkol sa 'king nakaraan. Gusto kong mahanap ang nawawala kong memorya. Gusto kong maging buo muli upang maipagpatuloy ang buhay ko.

Hindi ako nabibilang sa mundong ginagalawan ko. Mas nananaig sa 'kin ang tuklasin kung anong misteryo ang bumabalot sa 'king pagkatao. Hinawakan ko ang aking leeg na may marka. Hindi ito nakikita ng ordinaryong tao lamang. Kumabog nang husto ang puso ko. Hindi pa rin nababago ang nararamdaman ko kay Liu.

Nagulat ako nang maramdaman ang presensya ni Sean. Nakatanaw ito sa 'kin mula sa bukas na pinto. Ngumiti ako sa 'king anak at sinenyasan itong lumapit sa 'kin na agad naman n'yang pinaburan.

Lumuhod ako upang magpantay kaming dalawa.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko dahil lumalalim na ang gabi.

"I can't sleep. I dreamed about you and dad." Sabi nito.

Bumuntong hininga ako at ginulo ang buhok nito.

"Anak matulog kana. Hindi maganda sa bata ang nagpupuyat."

Hindi ito umimik at sa halip na magsalita ay hinawakan n'ya ang kamay ko at doon ay nagbago muli ang kapaligiran.

"Sean ano'ng ibig sabihin nito?" Nanlaki ang mga mata ko sa kakayahan nito.

"I knew everything. I knew it from the very start." Sabi nito. Napaupo ako sa damuhan at sumandal sa puno. Puno ito ng Maharlika. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng aking nakikita. Ang mga mata ni Sean na mas pinili na lamang tumingala sa papalubog na araw. Ang mga dahon na nagmumula sa puno ng Maharlika'y isinasayaw ng hangin. Panahong taglagas.

"Anak." Napalunok ako. Kinusot ko ang aking mga mata at nagbabakasakaling nananaginip lamang ako.

"You're not dreaming mom. Alam ko kung ano ang totoong pagkatao natin. We're not belong to the human world. We belong here." Muli s'yang tumingin sa 'kin. Unti-unti kong nadidiskubre ang kapangyarihan nito. Ang kakayahan n'ya na katulad na katulad ng kay Liu.

Iginala ko ang aking paningin sa buong kagubatan. Walang pagbabago. Ganitong-ganito ang nasa panaginip at pangitain ko. Napapikit ako nang lumakas pa ang hangin at tumingala sa kalangitan.

"Kung babalik tayo sa mundo natin. Sasama ka ba?" Tanong ko rito. Ang buong akala ko'y tanggap n'ya ang mundong kinabibilangan namin ngunit nagdalawang isip ako nang makita ang pagdigusto sa mga mata nito.

"Sean… ano'ng problema?" Pag-aalala ko. Bumalik ang lahat sa normal. Ang larawan ng kagubatan ay nawala nang parang bula. Naupo ako sa kama malapit dito at hinawakan ang kanyang balikat.

"Gusto kong kasama si Mei." Napakunot noo ako sa sinabi nito.

"Anak alam mong hindi maaari ang gusto mo. Hindi lubos na mauunawaan ng tita Mei mo ang madidiskubre n'ya." Alam kong napalapit na nang husto si Sean kay Mei. Nararamdaman ko rin na papalapit na ang aming pag-lisan sa mundong ito.

Huminga ito nang malalim. Hinga na may bigat o pasan na hindi ko nalalaman.

"Ano ba ang gumugulo sa 'yo?" Pagaalalang tanong ko.

Evenfall: My Aloof Husband 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon