Note: This story contains violence, curses, and murders that are not suitable for many young readers. Please be advised. All of the names, characters, events, and places are purely fictional and came from the author's imagination only.
An original story of LJ Armilla.
Plagiarism is a crime.
PROLOGUE:
Malakas ang buhos ng ulan kaya naman pagkauwi ko ng apartment ay basang-basa ako. Hindi ko nadala ang payong ko dahil nakalimutan ko na naman. Mabuti na lang hindi ko dala yung mga bago kong biling libro kundi mababasa na naman tulad ng mga luma ko.
"Oh, bakit?" Pagkasagot ko ng tawag ay dumiretso agad ako sa cabinet at kumuha ng damit pantulog.
"Kakauwi mo lang?" Tanong ni Emma na sa tingin ko ay medyo sabog pa.
"Oo. Sabog ka pa ba?" Narinig ko ang paghalakhak niya kaya naman napailing na lang ako. Here we go again.
"Sa tingin mo friend?" At tumawa na naman siya. Sasabunutan ko talaga 'to pag nagkita kami. Sabi na eh, ganito siya lagi pag nakakainom.
"Itulog mo na lang 'yan. May gagawin pa ko. Bye." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay ang tawag.
It's almost midnight. Tanging ilaw ng poste ang nagsisilbing liwanag sa labas. Matapos maligo ay pumunta akong kusina para magtimpla ng kape.
"Wala?" Naubos na pala kaninang umaga. Dali-dali kong kinuha ang kulay gray kong jacket. Malamig sa labas. Mabuti na lang tumigil na ang ulan.
May 7/11 naman na malapit sa school kaya doon na lang siguro ako magkakape. Madilim ang paligid at patay sindi ang ilaw ng mga posteng dinadaanan ko. Hindi pa napapalitan ng bago kaya nagpapatay-sindi ang ilaw kapag umuulan.
Kinuha ko mula sa bulsa ng jacket ang cellphone ko at saka binuksan ang reading site na binabasa ko. Inaabangan ko yung story na binabasa ko dito. Mystery/Thriller siya at dahil mahilig ako sa ganoong genre ay natutuwa ako sa pagbabasa.
May bagong update yung author. Agad kong inopen yung chapter at saka binasa.Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang bigla kong naalala ang nangyari sa estudyanteng namatay. Noong Biyernes lang 'yon nangyari. Natagpuan siyang tadtad ng saksak sa katawan at putol ang mga tenga. Pero nakapagtataka lang dahil ganoon din ang pagkaka-describe nung author sa bago niyang update.
Gamit ang hawak na kutsilyo ay pinagsasaksak niya ang lalaki sa dibdib at tiyan. Nagmamakaawa man, hindi siya natinag sa nag-aagaw buhay nitong boses.
"Kailangan mong mamatay! Hahaha!" Tila baliw nitong sigaw at saka paulit-ulit itong pinagsasaksak.
Hindi lamang iyon ang kanyang ginawa. Kahit hindi na ito humihinga ay nagawa niyang putulin ang magkabila nitong tenga.
Hindi kaya...
Aish! Imposible naman. Baka ginamit lang ng author yung nangyari para ma-describe niya yung murder. Oo, yun nga.
Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang isang bultong naglalakad palapit sa direksyon ko. Dahil sa madilim na paligid ay binuksan ko ang flashlight mula sa cellphone ko.
Napatalon ako sa gulat at muntikan pang mapatili.
Dahil sa suot niyang kulay white na night gown ay mapagkakamalan siyang white lady nyan eh. Napansin ko din na wala siyang kahit anong suot sa paa. Sabog din yata 'to. Dis oras na ng gabi at tahimik ang paligid. Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan ko na yatang bawasan ang pag-inom ko ng kape.
Yayain ko kaya siya? Kaso di naman kami close. I know her 'coz she's my schoolmate, and I find her creepy.
Maya-maya ay nakaramdam ako ng sakit sa tagiliran. Lumabas ang dugo mula sa bibig ko. Bago ko isara ang mga mata ko ay nakita ko siya.
END OF PROLOGUE.
LJ's Note: Here's the Prologue! Big thanks for those who were waiting to post this new story. I'm not expecting everyone to like it but I just want to share this with you :)
I hope you'll enjoy this.
THANKS FOR READING!
VOTE AND COMMENT ❤