Chapter Two

371 12 14
                                    

s h w l k s t n g h t
2

"Justice will prevail and the evil will pay."

-----------------------------------------------------------

May 20, 2012. Sunday.

I was sleeping when my phone went to snooze. Pikit-mata kong kinuha ang cellphone ko at saka sinagot ang tawag. 

"Hello?" Antok ko pang sabi.

Tila paghinga lamang ang naririnig ko sa kabilang linya. 

"Hello?" Pag-uulit ko ngunit wala pa ding sumasagot. 

Inaantok man ay nagawa ko pa ring idilat ang isa kong mata at tinignan kung sino yung caller. It was unregistered. 

"Who's this?" pagtatanong ko na lamang ngunit hindi pa rin ito sumasagot. 

"Sorry, wrong number ka po." sabi ko na lamang. Ibaba ko na sana ang tawag nang bigla ko itong marinig na tumawa. He sounds so creepy. Napakunot ang noo ko habang nakapikit pa rin. 

"Sorry po pero gabing-gabi na po ang lakas niyo pang mangtrip." Inis kong sambit habang nakakunot na ang noo. Dis oras na ng gabi ang lakas maka-prank call nito.

"Oy Dennis! Tigilan mo kaka-prank call mo ha! Gabing-gabi nambubuwisit ka!" Inis kong sabi sa pag-aakalang ang kaklase kong bully ang kausap.

Nagulat na lamang ako nang bigla itong sumigaw na parang galit.

"Hindi! Kailangan niyong mamatay!" Aniya sabay baba ng tawag.

Tila nagising ang diwa ko dahil sa narinig. Hindi ako mapakali kaya agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at saka nagtungo sa kwarto ni Mommy at Daddy. Ngunit pagkapasok ko ng kwarto nila ay hindi ko sila nakita. Nasaan sila?  

Tinignan ko ang oras mula sa cellphone ko. Almost 1 a.m na pala. Imposible namang wala sila dito dahil kaninang 10 p.m ay tulog na sila, day-off nila parehas pag Monday.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kalabog mula sa baba kaya dali-dali akong bumaba ng hagdan.

Muntikan na kong mapatili nang masaksihan ang kalunus-lunos na pangyayari kaya agad kong tinakpan ang bibig ko habang nanlalaki ang mga mata.

"Mamatay ka! Mamatay ka! Mamatay ka!" Paulit-ulit na sabi ng isang lalaki na sa tingin ko'y 20 ang edad pataas habang inuuntog ang ulo ni Mommy sa pader na tila ba wala na itong buhay. Nakita ko sa Daddy na walang malay at puro dugo ang katawan nito na sa tingin ko'y sinaksak ng lalaki gamit ang dagger na hawak nito.

Hindi ko na napigilang mapaluha at matakot kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tinakpan ang bibig. 

Rinig na rinig ko pa din ang kalabog at ang galit na galit na boses ng lalaki. Wala akong maisip ng mga sandaling iyon dahil sa labis na takot.

Teka, pamilyar ang boses niya. Siya yung---

"Matutuwa si Georgie pag nalaman niya 'to. Hindi na siya malulungkot dahil sa inyo! Mga puta kayo! Mamatay kayo! Mamatay kayo!" Walang tigil na sambit pa nito.

Pagmulat ng mga mata ko ay nagtama ang paningin namin ng lalaki at dumagdag ang takot ko nang bigla itong ngumiti.

"Ikaw pala.." Saad nito habang nakatingin pa din sa akin. 

"Hayop ka!" Sa kabila ng takot na nararamdaman ay nagawa kong magsalita.

Napawi ang mga ngiti sa labi nito at napalitan ng pagka-disgusto.

She Walks at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon