Chapter Four

272 12 27
                                    

s h w l k s t n g h t
4

"I killed them."

-----------------------------------------------------------

Tuluyan na ngang nasira ang pintuan ng kwarto habang ako ay nanatiling nakatago sa malaking aparador. Tumindi ang kaba sa aking dibdib nang makapasok ang lalaki at marinig ang mga yabag nito sa loob ng kwarto.

Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay. Hawak ang gunting at cellphone, pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal ng mataimtim.

'Please Lord, help me..'

At kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.

Dumoble ang kaba sa aking dibdib at lakas ng tibok ng puso ko lamang ang maririnig nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinubukan ko itong hinaan o patayin na lamang ngunit huli na ang lahat, biglang bumukas ang aparador at bumungad sa akin ang taong pumatay sa mga magulang ko.

"Nandito ka lang pala!"  Masayang sambit nito, malayo sa galit na ekspresyon nito kanina.

Napatili na lamang ako sa takot at gamit ang hawak na gunting ay tatlong beses ko itong nasaksak sa hita niya. Gamit ang natitirang lakas, tinulak ko siya dahilan para matumba siya at mamilipit sa sakit. Paika-ika akong naglakad palabas ng kwarto ngunit napatili ako nang bigla na naman niyang hablutin ang paa ko.

"Hindi mo ko matatakasan!" Galit na sambit pa nito.

Kahit na nahihirapan at nasasaktan sa tinamong saksak, sinubukan kong gumapang patungong hagdan. Napasigaw ako nang bigla na lamang niyang hablutin ang buhok ko at inuntog-untog ang ulo sa pader, katulad ng ginawa niya kay Mommy. Naramdaman ko ang dugong dumadaloy mula sa ulo ko.

"Walang hiya ka! Hindi ka makakatakas sakin! Papatayin kita!" Paulit-ulit na sambit nito hanggang sa naramdaman ko ang paggulong ng aking katawan pababa sa hagdanan.

Dahil sa sakit at hapdi, unti-unting pumikit ang mga mata ko.

"Tulala ka na naman." Nakita ko ang sarili sa kasalukuyan at napasinghap.

I really don't want it, remembering about my past. I just want to forget it, but it keeps on haunting me. I hate remembering.

Itinuon ko na lamang ang nagrereport sa harapan para kalimutan ang nasa isipan ngunit nabaling lamang ang atensyon ko sa bagong estudyante na nakapwesto sa tabi ng bintana, kahilera ng kinauupuan ko.

"Avery, okay ka lang?" tanong ni Bonnie. Dahil blockmates kami since first year college, siya pa din ang seatmate ko hanggang ngayon.

Nalipat ang tingin ko sa kanya at saka sinagot. "Yeah." Tipid kong sagot at saka itinuon muli ang tingin sa harapan.

"For those who didn't pass their papers yet, I'll give you time to finish it until today only. Today. 5 p.m. That's final." Pag-aanunsyo ni Mrs. Gilbert na nasa harapan habang inaayos ang mga papel. "I'm expecting it. Bye, class." Paghabol pa nito at saka lumabas ng room.

I heard my classmates groaned. Oh shit, I forgot mine. I'm not yet done with my essay. I guess I'm gonna stay for a while.

It's already 3 p.m and I only have 2 hours to finish it. Mabilis kong isinilid sa aking bag ang libro at saka sinukbit ang strap ng bag sa balikat.

"Ave! Punta ka sa party ko bukas ah. It'll be in my house. You can bring your friends, too." Panimulang saad ni Bonnie na nakangiti habang hawak ang librong ginamit sa kakatapos lang naming klase.

She Walks at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon