Chapter Six

116 4 20
                                    

s h w l k s t n g h t
6

"The first thing that came to my mind was to save you. I made a promise."

-----------------------------------------------------------

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatitig sa mga mata niya habang may luhang pumapatak mula sa mga mata ko. Walang ibang nasa isip ko kundi ang lumabas sa sasakyan at ganoon nga ang ginawa ko. Hindi ako makahinga.

Kasabay ng hampas ng malamig na hangin sa balat ko, tuluyan akong napahagulgol. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at wala akong lakas na alisin ito. "I-I'm sorry.. Fuck.." I heard him cursing and I feel the frustration in his voice. 

"W-were you the one who saved me that night?" May panginginig sa boses ko at nararamdaman ko ang panghihina sa katawan ko. All that dreadful memories I've been trying to forget comes back simultaneously. 

"Yes." Mahinang sagot niya. Nanghihina man ay nagawa ko siyang lingunin at tignan. Nakita ko ang magulo niyang buhok at ang lungkot sa mukha nito. "I'm sorry, Avery. I should have told you. I didn't mean this to happen." Mabilis niyang iniwas ang tingin sa mga mata ko at pinili na lamang yumuko. 

"We've known each other for a long time." Nanlaki at may halong pagtatanong ang mga mata ko sa sinabi niya. "I don't know why you did forget me but I understand what you've been through. I was there... you called me.  And the first thing that came to my mind was to save you.  I made a promise." Hinintay ko siya kung may idudugtong pa sa sinabi niya pero wala ni isang letrang lumabas sa bibig niya. Napaawang ang labi ko sa narinig at may pagtatanong pa rin sa mga mata. I knew him but I don't remember his face. I just remember his voice. And it seems he really knew me. 

Napapitlag ako nang maramdaman ang pag vibrate ng phone sa bulsa ng pantalon ko. Kinuha ko ito at dali-daling sinagot ang tawag. 

"Avery! Oh God!" sigaw ng tao sa kabilang linya at ramdam ko ang takot sa boses nito. Para siyang umiiyak.

"Aria? Anong nangyayari?" 

"Something happened. Saan ka?" Bigla akong kinabahan.

"I'm on my way to Bonnie's. I-I'm with someone. What's happening?"

Si Aria ay isa sa mga kaklase ko. We're not that close but she's one of my good friends in school. Making her call me doesn't always happen unless it's important. Imbes na sagutin ang tanong ko, hikbi lang ang narinig ko mula sa kanya. Mas lalo akong kinabahan.

Napatingin ako kay Kayden at nakita kong nakatingin din siya sakin. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito at halatang gustong magtanong kung sino ang kausap ko ngunit pinili na lamang niyang manahimik. Napagtanto ko na lamang na nakababa na ang tawag. 

"Can you drive faster?"

-------------------------------------

Pagkahinto ng sasakyan ay mabilis kong binuksan ang pinto at lumabas. Naramdaman kong nakasunod lamang sa likuran ko si Kayden kaya naman hindi ko na siya nagawan pang lingunin.

Bonnie's house is big. Her parents are not always around because of their work, but she isn't lonely about it. She loves parties.

Sinalubong kami ng mga nagagandahang palamuting nakasabit sa pader at mga kumukutitap na maliliit na ilaw na nakapalibot sa mga ito. Makikita din ang iilang mga paintings na nakasabit ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay ang nakakasulasok na amoy na nanggagaling sa katawang nakasalampak sa sahig. Mula roon ay ang mga pulis na nag-iimbestiga at kinikwestyon ang ilang mga tao. Mayroong dilaw na linya na nakaharang at nakapalibot rito kaya naman hindi kami pwedeng makapasok. Nakita ko ang duguan at bali-bali nitong katawan kaya't iniwas ko ang tingin. Nagsisimula na naman ang panic attack ko nang bigla kong naramdaman ang pagyakap sakin.

"Avery!" Si Aria na sinunggaban ako ng yakap matapos akong makita. Kita ang pamamaga at pamumula ng mga mata niya na halatang galing lamang sa kakaiyak. 

"Tell me this is not happening.." Hindi ko napigilang mapahagulgol at tuloy-tuloy lamang ang pagbagsak ng mga luha galing sa mga mata ko. "I don't understand. Why..."

Nakita ko ang lumuluhang mata ni Aria kaya naman mas lalo akong napahagulgol. 

"S-sabi niya may susunduin lang siya sa labas kanina pero hindi na siya bumalik. Someone killed her! I know that!" 

"A-anong ibig mong sabihin? She's a good person, Aria. No one could never do that to her."

"But someone did! Bonnie didn't deserve to die. We were just happy this morning and then this happened... I mean it's her birthday and she was supposed to celebrate but someone took that from her. She didn't deserve this, Ave..." Umiyak siya ng umiyak kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Sorry to interrupt. I'm Detective Ezra and I'm in charge of this case. I just need a few words from you and your cooperation will be appreciated. Shall we?" Napahiwalay ang yakap namin ni Aria nang marinig ang isang malalim na boses at parehas naming itong nilingon. Isang lalaking nakasuot ng mahabang brown na abrigo at may hawak itong maliit na notebook at ballpen. 

Napatingin ako kay Aria at saka tumango sa kanya. "We'll talk later." Sabi ko at saka sila iniwanan. 

"Are you alright?" Napaangat ako ng tingin nang mapagtanto ang taong nasa gilid ko. Hindi ko siya napansin kanina. Tumango na lamang ako at saka tipid na ngumiti.

"I just don't understand. Everything that happened tonight is too much."

"Gusto mo na bang umuwi? I'll get you home." Mabilis akong umiling. "My friends need me. But thank you." Lumabas ako ng restaurant para magpahangin. Nasa gilid ko siya at nakasabay sa paglabas. Tumingala ako sa taas at nakita ang buwang natatakpan ng mga ulap. 

"Then, I'm staying too." Rinig kong sabi niya. Hindi ko na siya nilingon at tipid na lamang na ngumiti. 

 ----------------------

END OF CHAPTER SIX.

Sorry for this short update. 

THANKS FOR READING!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Walks at NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon