s h w l k s t n g h t
3"She's dead."
-----------------------------------------------------------
(THIRD PERSON'S POINT OF VIEW)
Alas dose y media ng hatinggabi ay bumangon si Avery mula sa pagkakahiga sa kama, suot ang kulay puting pantulog nito. Naglakad siya patungo sa pintuan at saka lumabas na hindi alintana ang hubad nitong mga paa.
Halos patay-sindi ang ilaw sa mga poste habang tinatawid niya ang madilim na kalsada.
Hindi kalayuan sa kinaroroonan niya, may isang dalagang naglalakad bitbit ang isang maleta at bagpack na suot nito.
"Edi maglayas! Hinding-hindi na ko babalik sa bahay na 'yon! Akala mo naman..." Paghihimutok ni Milli habang bitbit ang kanyang maleta at bagpack na may lamang damit at gamit niya.
Dahil sa suot niyang crop top at high waist short ay napayakap siya sa kanyang braso nang biglang umihip ang malamig na hangin.
"Fuck! Kaasar talaga!" Inis na sambit ng dalaga.
Nang mapansin niya ang mahabang upuan sa harap ng tindahan na kanyang dinaanan ay nagdesisyon siyang maupo roon pansamantala. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bagpack at saka tinawagan ang kanyang kasintahan.
Sa kabilang banda, naglakad palapit si Avery sa kinaroroonan ni Milli habang nakatapat ang telepono nito sa tenga.
"Punyeta ha! Magbebreak talaga tayo Kirby pag di mo pa sinagot 'to!" Inis na sambit ni Milli habang tinatawagan ang kanyang kasintahan sa pangalawang pagkakataon.
Nabitawan niya ang kanyang cellphone at nanlaki ang mga mata nang mapagtantong may nakatutok na malamig na bagay sa kanyang leeg. Kinakabahan man, unti-unti niyang binaba ang kanyang tingin at nakita ang isang kamay mula sa likod. Bago pa man siya makasigaw ay nakaramdam siya ng hapdi sa kanyang leeg at tuluyang umagos ang dugo mula sa bibig.
Walang emosyong pinagmasdan ni Avery ang wala nang buhay na dalaga na ngayon ay naliligo na sa sarili nitong dugo.
--------------------
Kumislap ang ilaw ng kamera nang maitutok ito sa bangkay na natagpuan sa isang tindahan, hindi nalalayo sa tinitirhan ni Avery. Madaming nakapalibot na mga residente at nakikiusisa sa nangyari habang nagsisimulang mag-imbestiga ang mga pulis.
Lulan ng sasakyan na minamaneho, binaba ni Paula ang bintana ng sasakyan at takang tinignan ang mga taong nakakumpol sa isang tabi.
"Hindi patay ang anak ko! Padaanin niyo ko!" Rinig niyang sigaw mula sa kumpol ng mga tao.
Dahil sa kuryusidad ay nagtanong siya sa isa niyang kapitbahay na si Nanay Rosa, edad singkwenta'y dos nang makita niya itong lumabas mula sa crime scene.
"Nanay Rosa!" Tawag niya rito. Lumapit ang matanda at saka siya nito binati.
"Oh Paula! Papasok ka pa lang?" Tumango siya. "Ano pong nangyayari?"
"Ay nako alam mo ba, may pinatay na naman na dalaga kagabi. Nakita ko yung hitsura, may laslas sa leeg, ay! Kinikilabutan ako." Sabi nito at kinumpas pa ang kamay sa ere.
"Kilala na 'ho ba kung sino ang suspek?" Tanong niya, kasabay nito ang pag-iling ng matanda.
"Narinig ko wala daw bakas ng finger, fing--- ano ba yon?--" Pag-iisip ng matanda.
"Fingerprints po?" Pagtatapos ni Paula.
"Ayun! Oo, yun daw. Hay jusko ano bang nagyayari. Naku 'wag mong papalabasin pamangkin mo at dalaga pa naman yun. Delikado, tsk tsk." Saad pa ng matanda at saka ito nagpaalam sa kanya.