C2

8 0 0
                                    

"No Deal." Ngumingising aniya kaya nagtiim ang bagang namin ni Chris.

"J-jano, we're not this. We're not thieves for damn sake!" Hindi ko na napigilan pang sumabat. Nalipat naman agad ang tingin nito sa akin.

"Hindi ako mag aadjust para sa inyo. I already told you to pay me back but you didn't. Ngayon sasabihin niyo sa akin 'yan?! Hindi lang kayo ang nangangailangan ng pera! Kung 'di niyo ako mabayaran you've no choice then." Aniya at nginisihan kami.

"J-just give us time! W-we'll pay you j-just--"

"No Tam, Kung 'di niyo ako mababayaran then you should deal with that. Pare parehas tayong gipit ngayon. Higit na swerte lang ako dahil may utang na loob kayo sa akin." Humakbang ako at agad naman akong hinawakan sa braso ni Chris.

"We're leaving." Anito at hinila ako. Gusto kong magwala pero nagtitimpi lang ako. How dare him!

"Tam, umuwi ka na may pupuntahan pa ako." Ani Chris at binitawan na ako. Tumango lang ako at tuluyang naiwan sa gitna ng kalsada. 

"Tamy!" Napalingon ako sa likod at nakita si Rosie. Agad nanlaki ang mga mata ko.

"Rosie? Kamusta na?!" Hindi ko mapigilang 'di siya yakapin dahil matagal na rin kaming hindi nagkita.

"Okay lang.. Nga pala, g-gusto mo bang sumama ulit sa Frat? I heard Sean's looking at you." Kumunot naman ang noo ko at umiling.

"M-matagal na akong umalis doon." Aniko at nag iwas ng tingin kaya natahimik naman siya. Sumali ako sa frat noong Grade 8 ako. 'Yun ang panahon ng pagbubulakbol ko.

"Y-you don't have any plans to go back?" Umiling ako kaya napanguso siya. Ayoko ng dagdagan ang mga kasalanan ko, besides wala ng dahilan para bumalik ako.

"Tamy saan ka na nag aaral ngayon?" Napakagat muna ako sa labi bago sumagot.

"Hindi na ako nag aaral."

"W-what?!"

"Siguro after summer, mag eenroll ako." Kibit balikat na aniko.

"Saan mo planong mag aral? Ako sa WS... Doon ka nalang din kaya?" Tumango ako.

"Sayang at nahuli ka ng isang taon edi sana sabay tayong grade 12 na. Ano nga palang dahilan at bakit 'di ka nag aral?? Nag drop out ka?"

"Nagkasakit si Mama, saktong wala na kaming pera kaya tumigil ako isa pa, mas dapat mag aral si Trina kaysa sa akin."

"Hmm.. Bali-balita daw na may nakawan dito ah? Buti 'di ka pa nananakawan?" Aniya kaya humigpit ang kamao ko.

"A-ah s-syempre nagiingat ako eh h-haha." Tumango tango naman siya. Pagkadating namin sa street namin ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Matapos niyang makalis ay dineretso ko na ang street namin. Ayoko pa sanang umuwi pero baka hindi pa kumakain sila mama..

Nang makarating sa bahay ay agad akong nagmano kay mama at pinainit ang pakbet.

"Anak, bukas pala ikaw ang maghatid kay Trina." Tumango lang ako at hinanda na ang pinainit na pakbet. Pinagmasdan ko lang silang kumakain atsaka ko naisipang lumabas muna.

Sa labas ng bahay namin ay may maliit na upuang kahoy kaya 'don ako naupo. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at pinagkatitigan iyon. Si papa ang bumili nito. Ayoko mang gamitin pero kailangan. I shouldn't owe him.

Naiiling ko iyong binuksan at may lumabas naman mensahe galing doon.

Chris: Jano texted me. Kailangan ulit niya ng pera.

Captured Where stories live. Discover now