"Ouch huhu!"
"Miss, paki assist si Miss Quena." Naalarma ako nang marinig ko kung sino iyon.
"What happened Mr. Alonte?"
"She accidentally fell from the chair." 'di ko na sila pa narinig at agad kong pinokus ang atensyon kay Chris. Dahan dahan nitong minulat ang mata kaya napatayo ako sa pagkakaupo.
"May masakit pa sayo??"
"W-wala na. Sinaktan ka ba nila, Tam?" Umiling ako at kasabay 'non ang paghawi ng kurtinang nakatakip rito sa kwarto. Iniluwa 'non si Daniel na seryosong nakatingin sa ami--akin.
"Why are you wearing civilian clothes." Agad nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto iyon. K-kaya pala ako tinitigan ng nurse!!
"U-uhm--"
"What are you doing here, Daniel?" Agad akong ginatungan ni Chris kaya napahinga ako ng kaunti.
"Someone reported you cut your class." Agad napaiwas si Chris at ako naman ay tuluyan ng natameme.
"Now, Why are you wearing civilian clothes?" Baling ulit nito sa akin.
"Pupunta ako mamaya sa D.O" Ani Chris kaya nakahinga ulit ako.
"Care to talk, Tamy?" Napatingin sa akin si Chris dahil sa sinabi ni Daniel.
"She's busy today right, Tam?" Laking pasasalamat ko kay Chris dahil kanina pa ako nito pinag tatakpan.
"I'm talking to you Tamy." Seryosong ani Daniel at hindi pinansin ang sinabing iyon ni Chris.
"Stop it Daniel.. Next time ka na magtanong you see? We're busy." Ani ulit ni Chris kaya napailing na umalis naman si Daniel.
"Thank you, Chris!!" Aniko at tuluyang nakahinga ng maliwag.
"Mamayang 1:30 ka na magpalit. Puntahan mo locker ko nandun ang extra PE ko." Tumango lang ako.
"Nga pala Tam, sino yung mga 'yon? I mean bakit ka nila hinahanap?" Aniya na ang sinasabi ay tungkol kanila Sean.
"Kasali ako sa Frat dati." Nalaglag naman ang panga niya.
"Holy shit?! Tam! Kailan pa?!"
"Grade 8 pa ako 'non. Sa Frat kasi bawal ang umalis once na maging member ka na, ang aalis well.." Hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin at nag iwas ng tingin.
"Sasamahan kita bukas." Aniya.
"No! I can handle Chris.. Ayokong madamay ka ulit. Hindi naman nila ako sasaktan, we used to be friends before."
"Tam. It's before." Aniya at talagang diniininan ang salitang 'Before' kaya napanguso ako.
"I'll call you if I can't handle them, deal?"
"Alright." Buntong hiningang aniya. Maya maya lang ay nagpaalam na ako dito na magpapalit na. Malapit na ang dismissal kaya paniguradong maraming estudyante ang magtatakha kapag nakita akong naka civilian.
Pagkalabas ay naabutan ko si Daniel na nakahalukipkip sa gilid at matama akong tinitignan. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil paniguradong tatanungin nanaman niya ako. Lumunok ako at hindi na siya pinansin pa. Pero bago pa ako makalagpas ay hinatak niya ang braso.
"A-ano nanaman?!" Aniko pero hindi siya nagsalita at sa halip ay hinatak niya ako kung saan. Natagpuan ko ang sarili sa Girl's Locker Room kaya nanlamig ang buong katawan ko.
YOU ARE READING
Captured
أدب المراهقينMaayos na sana ang buhay nila Tamarra kung hindi lang umalis ang kanyang papa at sumama sa ibang babae. Dahil sa pagkakasakit ng kanyang Ina ay napilitan siyang mangutang ng malaking halaga. Hindi niya lubos akalaing ang lalaking nagpautang sa kany...