Pilit akong pinahahatid ni Mrs. Alonte kay Daniel. Pinanindigan niya talaga ang paniniwala niyang kami ng anak niya.
"Sige na hija, Niel ihatid mo na siya." Wala na akong nagawa kung 'di ang sumakay sa kotse nito. Kumaway si Mrs. Alonte pati si Rosie sa akin at tinanguan lang ako ng daddy nila.
Buong biyahe ay tahimik lang kami at nagkakapaan. Hiyang hiya pa rin ako sa nangyari kanina. I can't believe na iniisip ni Mrs. Alonte na boyfriend ko ang anak niya.
"Pasensya ka na." Ani Daniel kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso lang siyang nagdidrive.
"O-okay lang. It's not a big deal." Tumango naman siya.
"Is it okay kung dumaan muna tayo sa school namin? I forgot to bring this." Aniya at pinakita ang isang papeles. Tumango naman ako dahil maaga pa naman.
Nakarating kami sa school nila at unti nalang ang mga estudyante 'don. Dumaan kami sa D.O at sinalubong naman kami ng isang babaeng nakaupo sa swivel chair. I'm not sure if she's the dean. Masyado siyang bata tignan.
"How can I help you?" Bungad nito.
"Where's the dean?" I'm right she's not the dean. Sumingkit ang mga mata nito at pinagkatitigan si Daniel.
"Daniel?" She knew him.
"Excuse me?"
"I'm Cassandra didn't you remember me?"
"C-cassandra? F-from English Department---I-I'm sorry ma'am I didn't recognize you!" Anito at yumuko ng paulit ulit. Nalaglag naman ang panga ko. Hindi siya mukhang teacher!
"So what brings you here hijo?" Ngumiti ito pero binalingan niya ako ng tingin.
"Your girlfriend, Daniel?" I'm sure I look like a fvcking red tomato.
"N-no ma'am. She's a friend of mine." Tumango naman ito at tumayo.
"Dean Ramos isn't here. I think he have a meeting. Maybe you can talk to him tomorrow." Yumuko lang si Daniel at walang sinabi. Nagpaalam na ang guro kaya lumabas na rin kami. Tahimik lang kaming naglakad kung saan. Hindi ko kabisado ang daan of course, kaya 'di ko alam kung saan kami pupunta.
"Dan!" Biglang may dumaan sa gitna namin kaya medyo nasanggi ako at napaatras. Sinakyan ng lalaking 'yon si Daniel sa likod at pabirong sinakal.
"Why are you here?? Umuwi ka na diba?" He's not aware I'm existing.
"Stop it, Lloyd. Ipapasa ko sana 'yung list natin--"
"Daniel!" Lalo akong napaatras dahil dumami ang kaibigan nitong lalaki.
"Sama ka samin sa group study." Tumingin naman sa akin si Daniel kaya napatingin silang lahat sa akin. They look shocked. Ngumiti ako ng pilit.
"W-who's this girl Dan?" Said the one who's wearing a red bag.
"What's your name miss?" Tila nagpalit kami ni Daniel. Kung kanina'y nasa kanya ang atensyon ng lahat, ngayon naman ay nasa akin na ito.
"T-tam--"
"She's Tamarra." Sabat ni Daniel sa malamig na tono.
"Cool! You're his girlfriend?" Here we go again. Gusto kong umirap pero umiling lang ako at pinanatili ang pilit ng ngiti sa labi.
"Great! So pwede kitang ligawan? Haha." What the??
"Back off, Fred. Let's go Tam." Ani Daniel at hinila ako sa pulsuhan. Sumipol naman sila. Habang tumatagal ay humihigpit ang hawak nito sa pulsuhan ko kaya 'di ko maiwasang 'di tumigil sa paglalakad.
YOU ARE READING
Captured
Roman pour AdolescentsMaayos na sana ang buhay nila Tamarra kung hindi lang umalis ang kanyang papa at sumama sa ibang babae. Dahil sa pagkakasakit ng kanyang Ina ay napilitan siyang mangutang ng malaking halaga. Hindi niya lubos akalaing ang lalaking nagpautang sa kany...