C4

1 0 0
                                    

Flashback

Tahimik lang na naglalakad si Rosie pero natigil iyon nang matanaw nito ang frat. Naguusap sila Sean at Tamy pero mukhang hindi yata maganda iyon. Kasali rin siya rito pero hindi niya alam ang gagawin kung magpapakita ba siya o hindi, paniguradong malilintikan rin siya kay Sean kapag tinulungan ang kaibigan.

Natataranta itong tumakbo at tinawagan ang kapatid. Wala na siyang iba pang alam na pwedeng tumulong sa kanya.

"Kuya! Nasaan ka??!"

"Library, why?"

"Pupuntahan kita dyan ka lang!!" Anito at tinakbo ang maiksing distansya papunta sa likod ng paaralan. Nakita pa niya ang isang lalaki sa likod ng puno pero hindi niya na iyon pinansin pa. Patakbo nitong pinuntahan ang library at nang makarating ay namataan niya ang kapatid na nagbabasa habang nakaearphones. Free time nila pero malapit na ring mag ring ang bell.

"Kuya!!"

"Shh!" Sinuway siya ng librarian pero hindi niya iyon pinansin at sa halip ay hinila ang kapatid palabas.

Malumanay na tinanggal nito ang earphones at nagtatakha itong tinignan.

"Ano ba 'yon, Rosie?"

"Kuya tulungan mo ako! 'Yung kaibigan ko!!" Anito at hinila ang kapatid papunta sa likod ng paaralan.

"Rosie! Papagalitan ako nito! Bawal akong mag cutting ano ba?!" Nasa likod na sila ng school at inis naman siyang nilingon ng kapatid.

"Ngayon lang kuya please! Bilisan na natin baka mapaano si Tamy shit!" Nagulat ang kuya nito dahil sa sinabi ng kapatid. May kilala siyang Tamy.

"Tamy?" Napatingin ang magkapatid sa lalaking kanina ay nakita ni Rosie.

"Oo si Tamy! Tamarra Roan! Ano ba tara na kuya!!"

"Shit!" Napamura ang lalaki at siya mismo ang naunang tumakbo. Tumakbo na rin si Daniel at hinila ang kapatid. Kung kanina ay wala siyang pakialam, ngayon ay kinakabahan na siya para kay Tamy.

"Nasaan si Tamy?!" Anitong lalaking nakita niya kanina at nagtatakha naman itong sinagot ni Rosie.

"S-sa Antiliona.. Teka sino ka ba?!"

"Chris!" Sigaw nito habang tumatakbo.

Flashback Ends

"Kuya, tumatawag si Dad." Napanganga ako nang sabihin iyon ni Rosie kay Daniel. Alam kong may kapatid si Rosie pero hindi ko alam na si Daniel iyon!

"Excuse me." Anito sa aming dalawa ni Rosie bago lumabas. Wala ngayon si mama dahil umuwi pa siya para kumuha ng damit. Sa susunod na araw pa ako makakauwi. Si Chris naman ay umalis rin dahil may family dinner sila ngayon.

"Tamy, 'yon pala si kuya Daniel." Anito.

"Kilala ko siya." Napa O naman siya at hinintay ang susunod kong sasabihin.

"Pumupunta ako sa school nila Chris at tumatambay sa library kaya ganon." Tumango tango naman siya.

"Wag mo akong isumbong ahh? 'Di alam ni kuya na kasali ako sa Frat." Aniya at binulong ang huling sinabi.

"A-ano?! Bakit ka kasi sumali??" Mahinang sabi ko.

"Ih! Kasalanan ni kuya.. M-masyado siyang perpekto t-tss." Aniya at ngumuso.

"Wag mong gawin 'yung ginawa ko, 'wag kang basta bastang umalis." Buntong hiningang aniko at tumango naman siya. Maya maya lang ay bumukas ang pinto at iniluwa 'non si Daniel.

"Rosie, gusto kang kausapin ni Dad." Tumango si Rosie at sinenyasan pa ako na 'wag kong sasabihin.

"Didn't I told you to stop?" Malamig na aniya at hindi ko 'yon naintindihan.

Captured Where stories live. Discover now