PRESENT ......
Kring !!! Kring !!! Kring !!! ( tunog ng alarm clock ) meaning 6:00 o'clock na. I still have 2 hours to prepare myself to school, kaya naman bumangon na ako at naligo. I just wear some simple clothes.
at bago ako lumabas ng kwarto ko kinuha ko your nerdy eye glasses ko na walang grado. Kung bakit ako magsusuot nun?? Wala lang, trip ko lang, para hindi rin sila makahalata sa G.A.U. After that bumaba na ako para magbreakfast. "Good morning Princess" "Good morning Sweetie" "Good morning Baby" sunud- sunod na bati nila sakin. "Good morning din po" bati ko naman pabalik. "Kumusta naman ang company natin sa Thailand anak?" daddy asked kuya. " It's doing great Dad, It's the highest rating of all companies in Thailand so far, followed by Cortez group of companies" sabi ni kuya. "That's good" sabi naman ni Daddy. "Kamusta naman ang first day mo princess ??" baling naman na tanong sakin ni dad. "Ok naman po Dad. Nakita ko po pala si Ma'am Rosalie kahapon at nagkamustahan lang po kami. It was a fine day naman po except nung uwian na kasi si kuya gumawa ng scene. Tinawag niya po akong 'Baby' sa harap ng mga fan girls niya sa school" sumbong ko. "Sorry na baby sis, hindi ko naman alam na ayaw mong malaman nila na kapatid kita eh" sabi nya. "Sige na nga kuya, your forgiven na. Bahala na akong lumusot sa mga fan girls mo" sabi ko habang natatawa. "Sinaktan ka ba nila sweetie?" nag-aalalang tanong ni Mommy. "Hindi naman po Mommy" nakangiting sagot ko. "Pero kapag nagkaproblema Princess tawagan mo lang kami and we will fix it right away, ok?" sabi ni daddy. "Yes Dad" sagot ko naman.
Lumipas ang isang oras....
Nauna nang umalis sila Daddy at Mommy dahil may mga naiwan pa daw silang paper works. Tinignan ko naman yung relo ko. It's already 7:00 am, kinuha ko na yung bag ko at hinihintay nalang si kuya driver na maghahatid sakin,dumating naman siya makalipas ang limang minuto. "Kuya Win, alis na ko" paalam ko sa kuya ko na nakaupo sa sala at nanunuod ng TV. "Sige, Ingat ka Baby. Tawag ka lang pag may problema ha??" "Chai kha (yes) Sawadee kha!! (bye)" paalam ko at sumakay na ng sasakyan.
SA SCHOOL
oh my god!! I only have 10 minutes bago mag-start ang klase.nasa pinakataas pa naman ang classroom namin. Pasakay na sana ako ng elevator ng biglang may humila ng braso ko at dinala ako sa gilid. "Eto na siya Cass" rinig kong sabi ng isa sa dalawang babaeng kumaladkad sakin. "Sino kayo?? Anong kailangan niyo sakin??" gulat kong tanong sa kanila. "Layuan mo ang future boyfriend ko" sabi ng leader nila na nagngangalang Cass. "Huh??" nagtatakang tanong ko. "Eh sino bang tinutukoy mo??" tanong ko na naman. "Wag ka nang mag maang-maangan, alam naming alam mo kung sino ang tinutukoy nya" sabi nung isang babae na may hawak ng braso ko. "Sabi nang hindi ko alam kung sino yung tinutukoy niyo!" I said slightly irritated. " oh, so hindi ka lang nerd at malandi.... bobo ka rin pala" tumatawang sabi ng leader nilang si Cass. "I'm talking about Win. Winston Anderson-Grey you dumb" sabi nya ulit. 'Sumosobra na to kakalait sakin ha!!! Calm down Autumn . Ginusto mong itago ang identity mo, now panindigan mo. Be tough, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo without telling them who you really are!!!' pagkausap ko sa sarili ko. Pero ang hirap din kasi magtimpi kapag ganitong klase ng tao ang kausap ko, kaya kung kaya ko pang magtimpi, magtitimpi na lang ako. Pero kapag napuno ako, lumalabas din ang pagiging suplada at katarayan ko. "Bitawan niyo nga ako. Ayoko ng gulo ,kaya kung pwede hayaan niyo na kong sumakay ng elevator at nang makapasok na ko sa klase namin" medyo nabubwisit kong sabi..... medyo lang. "Playing tough aren't we??.....mukhang kailangan mong turuan ng leksyon" sasampalin niya sana ako ng biglang.....