Few weeks have passed, at naging tahimik naman ang buhay ko sa G.A.U. dahil kasama ko si Kimmy. Sa mga lumipas na yon, naging pursigido talaga siyang mag-aral magsalita ng tagalog, laki rin ng naitulong ng English-Filipino Dictionary sa kanya, ngayon nakakaintindi na siya. Kaya na rin niya magtagalog ng konti, Bilis noh?? pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan.
Sabado ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. 8:00 pa lang ng umaga pero nabobored na ko, kaya di-nial ko na lang yung number ni Kimmy. "Hello?" tanong sa kabilang linya. "Hey, Kimmy!!" bati ko. ''Oh, hey Autumn!! What's up??" sabi niya. "Are you busy??" tanong ko. "Nope, why??" tanong niya. "Gala tayo sa mall" pag aya ko sa kanya. "Sure, what time??" tanong niya. "Mamayang 9??" sabi ko. "9 is good" sabi niya. "I'll pick you up later, ok??" tanong ko. "Ok kha" sagot niya. "Bye" paalam ko at pinatay yung call. Matapos kong mag-almusal at maligo, tumawag ako kay mommy at daddy para magpaalam na pupunta ako sa mall with Kimmy. Malapit na rin mag 9 kaya pinahanda ko na kay Manong Jimmy yung sasakyan. "Hahatid ba kita iha??"tanong ni manong Jimmy. "Hindi na po manong Jimmy. Hindi naman po ako masyadong lalayo. Mag ma-mall lang po kami ni Kimmy. Day off niyo po ngayon ehh" paalam ko. "Sigurado ka iha??" tanong niya ulit. "Yes po manong Jimmy, don't worry may license naman na po ako at nagpaalam na po ako kay mommy at daddy kanina." magalang na sagot ko at pinaandar na yung sasakyan. Nakarating na ako, sakto namang paglabas ni Kimmy. "Hey sis!!" tawag niya sakin. "Hello" bati ko naman. Sumakay na siya at nagpunta na kami sa mall.
SA MALL
Nagpaikot- ikot kami ni Kimmy sa mall hanggang sa napunta kami sa clothes section. Andami naming binili ni Kimmy na dresses, blouses, skirts, etc... "Wow, napagod ako dun ha" sabi ko. "Me too, but atleast we enjoyed dressing up" sabi niya. "True" I agreed. Tinignan ko yung oras, mag e-11:30 na rin pala. Suddenly biglang nag ring yung phone ko na agad ko namang sinagot ng makita ko na si Mommy pala yung tumatawag. "Mommy?? Bakit po kayo napatawag??" tanong ko. "Sweetie, pwede bang pumunta ka rito sa food house ng Tita Sandra mo?? May sasabihin daw siya sayo" sabi ni Mommy sa kabilang linya. "Sure Mom, isasama ko rin po pala si Kimmy para po mameet niyo ang bestfriend ko" naeexcite kong sabi. "Sure thing sweetie, I'd really like to meet your bestfriend. Ingat sa pagdridrive anak, Love you , Bye!!" paalam ni mommy. "Love you rin po, Bye" paalam ko rin bago inend yung call. "Mommy mo??" tanong ni Kimmy. "Chai kha (yes)" sagot ko. "Bakit daw??" tanong ulit niya. "Pinapapunta niya ko sa food house ni Tita Sandra, friend ni mommy. Sinabi ko na isasama kita para naman mameet niyo ang isa't-isa, ok lang ba?" tanong ko sa kanya. "Oo naman, no problem" sabi niya. "Tara, dun na lang tayo kumain" sabi ko naman. "Let's go then" sabi niya.
FOOD HOUSE
Pagkapasok pa lang namin, natatanawan ko na sila Mommy na masayang nag-uusap sa isang table na siyang tinungo namin ni Kimmy. "Mommy, we're here!!" sabi ko sabay beso at hug kay mommy. "Hi po Tita Sandra" Bati ko. "Hello dear" bati niya rin. "Have you eaten lunch already??" tanong ni Mommy. "Hindi pa po, By the way, Mom, Tita Sandra. This is my best friend Kimberly Cortez. Kimmy This is my mom and Tita Sandra, mommy's friend" pagpapakilala ko sa kanila. "Nice to meet you po!!" magalang na sabi ni Kimmy. "Call me Tita Bella iha, it's nice to meet you too" nakangiting sabi ni mommy. Naupo na kami at umorder ng pagkain. "Ano po pala yung sasabihin niyo sakin Tita Sandra??" tanong ko naman. "Kukunin sana kitang abay iha, para sa 25th wedding anniversary namin ng Tito Paul mo next week. Kung ok lang sayo??" tanong ni tita. "Ok lang po Tita. Malakas po kayo sakin eh" nakangiti kong sabi. "Invited ka rin Kimberly ha?? Wag kang mawawala next week" nakangiting sabi ni Tita Sandra kay Kimmy. "I'd be delighted po" sabi naman ni Kimmy. Sakto namang dating ng inorder nila mommy. "Autumn dear, bukas pala ang fitting niyong mga abay at may rehearsals tayo sa church at 9;30 AM" sabi ni tita Sandra. "Ok po" sagot ko. Bigla namang nag-ring yung phone ni Tita Sandra kaya agad naman siyang nag-excuse para sagutin yun. 2 minutes after, bumalik na siya sa table namin. "I'm sorry my dears, but I really have to go. Paul is asking for my help para sa food tasting" paliwanag ni Tita Sandra. "It's ok Sandra. We understand na busy ka para sa upcoming wedding anniversary niyo. Don't worry, hindi kami mawawala dun next week" sabi ni mommy ng nakangiti. "Thank you Bells, nice chatting with you three, and it's really nice meeting you Kimberly. I'll see you all next week ok?? Bye!!" tumayo na si Tita at bumeso samin. "Ingat lagi Sans bye!!"sabi ni Mommy. "Bye po Tita!" sabi naman namin ni Kimmy. Nag umpisa naman na kaming kumain pagka-alis ni Tita Sandra. "So, you're from Thailand iha??" tanong ni mommy kay Kimmy. "Yes po Tita, Autumn told me po na 1/2 Thai blooded ka po" sabi ni Kimmy. "Chai kha" sagot ni mommy. "San ka pala banda sa Thailand Kimmy?" tanong ko. "Sa Bangkok sis" nakangiting sagot niya. "Really? sa Pattaya naman kami!" sabi ni Mommy. Medyo tumagal pa yung kwentuhan namin ng ilang oras, hanggang sa nagpaalam na si Mommy na pupunta na sa boutique at magkita na lang daw kami sa bahay. Dumeretso naman kami sa condo ni Kimmy. "Your mom is so nice" sabi niya. "ah oo, mabait talaga yun. IKaw naman magkwento about sa family mo" baling ko sa kanya. "Well, Mom and Dad are gleeful, sweet, and loving parents. Minsan ko lang nakitang magalit si Dad, that was when he found out that my first and only boyfriend cheated on me. But that was two years ago. Mom and Dad helped me moved on and supported me in everything, and that's why I'm here" she said. "I can tell that you have a wonderful parents" I said smiling. "They really are" nakangiti niya ring sabi.
SA BAHAY
Kasalukuyan kaming nagdidinner at nagkwekwentuhan ng maalala ko na hindi nabanggit sakin ni Tita Sandra kung sino ang magiging partner ko. "Mommy nabanggit po ba sayo ni Tita Sandra kung sino po ang magiging partner ko next week?" tanong ko. "Sorry sweetie, hindi eh" sabi ni mommy. "It's ok mom, na curious lang po ako" sabi ko. Matapos kaming mag-dinner nagpaalam na ko kay Mom, Dad at kuya Win na matutulog na ko. Kaya heto ako nakahiga at iniisip kung sino makakapartner ko bukas pero habang tumatagal unti unti na rin akong hinihila ng antok.
KINABUKASAN
Nagising ako ng 7:30 at mamaya pang 9:30 ang practice naming sa church, since may misa pa mamayang 8 until 9. Bumaba na ako at dumeretso sa kusina para magpaluto ng breakfast kay Nanay Fe at puntang dining area kung saan nandun si Mommy at nagkakape. "Good morning po Mommy" bati ko. "Good morning sweetie" bati ni mommy pabalik. "Si Daddy at kuya Win po??" tanong ko. "They're still asleep sweetie. Di bale it's sunday naman, meaning 'no work day' kaya hinayaan ko na" sabi ni mommy. Tumango na lang ako. "Mommy, pupunta po pala ako sa church mamaya para magpractice sa kasal nila Tita Sandra mamaya" paalam ko. "Sure sweetie, no problem" sabi ni mommy.
TIME SKIP 9;30 SA CHURCH
Nakarating na ako sa simbahan at agad kong namataan si Tita Sandra kaya nilapitan ko naman siya agad para tanungin kung sino ang magiging partner ko. Si Tita Sandra mismo ang nag-aayos ng pairing ng mga abay. "Good morning Tita" bati ko. "Good morning din iha, Eksakto ang dating mo, inaayos ko na ang pairing niyo" sabi ni Tita. "Sino po ba magiging partner ko Tita??" curious na tanong ko. "Si James ang makakapartner mo iha" sagot ni Tita. "Sino pong James?" tanong ko ulit. "Si James Howell, anak ng kaibigan ng Tito Paul mo. Kanina ko pa nga hinahanap eh, pero hindi pa ata dumarating" sabi ni Tita. Maya-maya may putting kotse na tumigil sa tapat naming ni Tita kaya napatigil kami sa pag uusap, bumabaang isang lalaki na medyo may kapogian. "Good morning po Tita, I'm sorry I'm late" sabi niya. "James!!! Good thing your here already. This is Autumn, siya ang makakapartner mo" sabi ni Tita Sandra.
"Hi, ako nga pala si James" pakilala niya. "Hello, I'm Autumn, nice to meet you" pakilala ko rin. "It's my pleasure" nakangiti niyang sabi. Then the wedding coordinator announced that rehearsals is about to start.
TIME SKIP (2 HOURS HAVE PASSED)
It's almost lunch time ng matapos ang rehearsal and fitting naming at nakauwi na rin ako.
Nandito kami sa dining area para maglunch. "How did the rehearsal go??" tanong ni Mommy. "ok lang po" sagot ko. "Sinong partner mo sweetie?" tanong ulit ni mommy. "Anak po ng kaibigan ni Tito Paul, James Howell po ang pangalan" sabi ko.