Chapter 5

119 8 0
                                    

It says that the morning is really important, special and stunning. Because of the rising sun from a far. Behind the scenic mountains. I really appreciate the beauty of the world and its nature. Seeing the ray of the sun makes a light mood in the morning.

But hearing a loud, noisy and annoying voices outsides really darken my morning.

I woke up because of the noise probably coming from downstairs. Malaki ang mansion, malawak at talagang lalakas ang ingay dahil sa pag-echo ng mga iyon. I am now irritated and everybody's here knows about how I really hate loud noises inside of this mansion.

Kahit na wala akong balak na gisingin pa ang aking sarili ay wala na akong nagawa nang mas lalong lumakas ang ingay mula sa ibaba. Hindi ko mawari kung anong mayroon doon, magulo at siguradong lalo lang akong maiirita sa bubungad sa akin mamaya.

Nilisan ko ang aking kama, tumayo at iritang diniritsyo ang banyo para ayusin ang sarili. I changed my clothes. An oversize gray t-shirt and black short shorts. Inipit ko ang sa kabilang kanan sa ilalim ng aking itim na shorts. That's it.

Nilingon ko ang orasan at halos sugudin ang nag-iingay sa baba nang mapagtanto kong alas otso pa lamang ng umaga. Hinagilap ng paningin ko ang aking cellphone. Hindi ko inabalang tingnan iyon noong gabing iyon dahil alam kong puros mensahe mula kila Kuya ang dadatnan ko dahilan patungkol sa aking ginawa.

I checked the messages at tama ang hinala ko. Puno ng text mula sa kanila ang nandoon. Kila Kuya, kina Mommy at Daddy. Mayroon pang unregistered number.

Binasa ko ang mga text galing sa kanila at halos pari-pariho lamang ang paksa noon.

Kuya Jerome: Are you really just escape, Hime?

Kuya Jerome: We're talking the deal and the two are really a hardheaded. Tsk!

Kuya Jerome: Damn, Hime! You little silly girl!

Kuya Jerome: You use my property, Hime! You just really madly use my Aston Martin without actually asking my the permission!

I urge to raised my brow after reading Kuya Jerome's messages. Doon ay naalala ko ang deal na ginawa ko. Iniwan ko silang patuloy na pinag-uusapan iyon. And that, I used his car, too.

Ngumisi ako at umupo sa aking kama. Binasa ko ang ibang nandoon at halos walang pinagkaiba. Sa huling mga pinadala niyang mensahe ay patungkol sa kanyang sasakyan.

Binuksan ko ang sa kay Kuya James.

Kuya James: I really hate you, Hime. You escape during our discussion for dealing you business.

Kuya James: Jerome's really preoccupied for you using his precious car. You really a good escaper.

Kuya James: Good to know that you didn't used mine. It'll be in a bad condition now if ever that's happened. ;)

Mas lalong tumaas ang aking kilay. Does Kuya James' thinking that I will turn his precious car that bad, too? Nagbaba ako ng kilay at ngumisi. Well, then, I'll try his car next time. Nagdiwang ang kalooban ko sa isipang iyon. Marahil ay maaaring magasgasan ang kanyang sasakyan dahil sa gagawin ko, kung iyon ang iniisip niya.

Ang kina Mommy at Daddy ay halos talagang pariho. They asked me if where I am or even I am already in the mansion. Hindi ako nagbigay ng sagot sa kanilang lahat dahil noong gabi pa iyon at marahil na alam na ng mga magulang ko na nandito na ako.

Ibababa ko na sana ang aking cellphone nang hinagilap ng isang mensahe ang aking paningin. Iyong unregistered number ay hindi ko sana titingnan ngunit naging kuryuso ako. Pinuna ko iyon at binuksan.

UN: Very stubborn.

Doon ay agad na naningkit ang aking mga mata. What the heck? Is this really meant for me? Pawang mas lalo akong nairita dahil doon. Maybe the sender was just mistaken to send this to me. That's it. Isinawalang bahala ko iyon.

Make You Mine (Sanchez Series 1)Where stories live. Discover now