Chapter 7: Happy Birthday?

41 11 4
                                    

Warning: Hindi pa nap-proofread so please, bear with the wrong grammar and spelling. Thank you!

--

Masama ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko habang siya ay prente lamang na nakatingin sa akin.

I am trying to intimidate him by my stares... But it's no use. Ni hindi man lang ito nag-iiwas ng tingin! Samantalang ako! Naluluha na dahil sa hindi ko pagkurap!

Mag-iiwas na sana ako ng tingin at susuko sa tinginan namin nang bigla niyang hinilamos ang palad niya sa mukha ko.

Kumalabog ang dibdib ko at napaatras.

"Stop killing me with your eyes. Sasakit lang ang mga mata mo," Valix told while he rested his hand near mine.

Hinampas ko ang kamay niya at nag-init ang pisngi. Bakit kailangan pang hawakan?!

"Don't touch me! Talagang dinadagdagan mo ang mga kasalanan mo sa akin, 'no?" Pagalit kong tanong.

Bakit pa kasi siya lumipat dito sa lamesa ko? Feeling close masyado. Buti na lamang at lumabas 'yung librarian kaya nakakapag-ingay kami.

Kaso ang epal naman ng mga babae sa kabilang table. 'Yung kaninang pinag-uusapan ako. Akala mo hindi sila dumadaldal kanina? Chinichismis pa nga nila kaming dalawa ni Valix!

"Shh!" Saway nito sa amin. Mali! Sa akin lang pala. Kasi sa akin lamang ito nakatingin nang masama. Ito yata 'yung gustong mahalikan si Valix.

"Nakitang may nagre-review rito..." Bulong pa niya kahit dinig na dinig ko naman.

Wow, ha! Hiyang-hiya naman ako sayo na imbes na mag-review, pinagchi-chismisan ang buhay ng ibang tao!

"Tsk, hindi lang nakahalik..." Tumingin ako kay Valix at tinaasan siya ng kilay. "Halikan mo nga para manahimik. Baka kung anong magawa ko r'yan..." Mahinang sambit ko habang nakatirik ang mata.

Mariin na tingin ang binigay niya sa akin.

"Hindi ako basta nanghahalik," he clenched his jaw and looked at a different direction.

Bumaba ang tingin ko sa panga niyang umiigting. Since he's not looking at my way, he unconsciously gave me an access to look at it for long.

"Anong tawag mo sa ginawa mo sa akin? Spur of the moment?" I asked, angrily. "Huwag nga ako..." Inirapan ko siya at kalaunan ay pinag-initan din ng pisngi.

Mula sa seryosong mukha, unti-unting nag-iba ang ekspresyon niya. He smirked and I smelled playfulness in his face.

"Ako ba ang humalik?" Kunot-noo niyang tanong na parang hindi matandaan ang nangyari. "As far as I know, you were the one who tried to stood up and kissed me instead-"

"Wow! I didn't kiss you! It was an accident!" I defended. "Kasalanan mo rin naman, ah? Bakit sobrang lapit mo sa akin? If not because of what you did, hindi sana nangyari 'yon!"

"Because the bee in your hair is bothering me."

"Sinisi pa sa talaga sa hayop? You should have ignored it in the first place! My hair, my problem!"

Tumawa siya. "Natakot ka nga, e. Paano kung hindi ko inalis 'yon? Baka dinala mo sa bahay niyo 'yun."

Humalakhak siya lalo. Tinitingnan ko lang siyang gawin 'yon.

"Alam mo, ang tahimik ko rito kanina, ginulo mo lang ako!"

"Let's not blame each other. Katulad nga ng sabi mo, it was an accident. There's no use on pointing fingers because that wasn't intentional."

She Doesn't Need A CrownWhere stories live. Discover now