Prologue

212 25 8
                                    

Warning: Hindi pa nap-proofread so please, bear with the wrong grammar and spelling. Thank you!

--

Dream.

If you would search the definition of dream in a local or international dictionary, you'll find the same thing—sometimes, few have different ways to state the definition but all of those have the same meaning.

Dream. A series of thoughts, visions, or feelings that happen during your sleep. An idea or vision that is created in your imagination and that is not real.

Pero sa bata kong pag-iisip, madaling maniwala sa mga sinasabi ng mga mas matatanda at mas nakakaalam sa akin, ang panaginip daw ay isang bagay na gusto mong mangyari kapag may malay ka at naaalala mo ito hanggang sa pagtulog.

I actually believed in that.

Minsan ko na rin kasing ginusto na magkaroon ng sariling skateboard.

And I dreamt of it.

But I doubted before if my mom would buy me one. Ayaw niya kasi na sumasama ako kina Timothy, Tracy at Xian sa pagpunta sa skate park para maglaro kami roon, kahit minsan lang.

She ridiculously thought that her only daughter might become a lesbian, katulad nang iba kong mga pinsan na naglabas na nang totoong katauhan.

Palagi nga naming pinag-aawayan ang bagay na iyon. I always justify my friends and our hobbies and why I liked hanging out with boys. I always tell her that I'm used to it. My dad is a guy. My brother and my few cousins, too. Some of them naman is lesbian... man at heart. Even most of our neighbors are guys, too.

Tatlo na nga lang yata ang nakakalaro kong babae. Ang iba pa ay ayaw payagan ng mga magulang na lumabas, kaya ang resulta ay palagi akong nag-iisa. Ako naman, pupunta sa mga lalaking kaibigan at sa kanila na lamang makikipaglaro.

In the end, I got used to it.

Along the way, I believed that dreams are also the opposite of what will happen in real life. May mga sabi-sabi na ganoon mula sa neighborhood namin.

Sabi ng isang dalaga na nakatira sa kabilang street, minsan daw ay napanaginipan niyang nakapulot siya ng isang attached case na puno ng pera. Tuwang-tuwa siya paggising, syempre. Libo-libo raw kasi ang laman. So she became excited when she saw one, sitting alone at a bench near the park, pero nadismaya siya dahil puro papeles lang ang laman nito.

Naniwala ako sa ibang mga usap-usapan tungkol sa panaginip because I experienced some of those firsthand. Nanaginip ako na reregaluhan daw ako ni Mommy sa birthday ko nang gusto kong laruan noon, a big box containing different kind of beads, pendants, and stones. May tali rin na kasama at cutter para makagawa ng mga bracelet at necklace.

But then, she bought me a baby alive. That's what they called that thing. It can talk, it can eat and poop. Pero hindi iyon ang gusto ko. Ang huli kong natatandaan ay sinira ko iyon. I cut that doll's light blonde hair and her eyelashes, sprained her arms and feet at ibinabad ko sa toilet bowl ang ulo nito.

Nagalit si Mom at pinalo niya ako ng hanger sa puwitan ko dahil nagsasampay pala siya noon nang napadaan sa CR malapit sa kusina. Inirapan ko lang siya at tumakbo paakyat sa kwarto.

I didn't regret what I did. Ang tanging kinainisan ko lang noon ay bakit sa kusina pa ako kumuha ng gunting at sa CR pa ng kitchen ko ibinabad ang bagay na iyon. Hindi ko tuloy naibabad nang matagal ang manika.

Apparently, some of the meaning of things doesn't only come from dictionary. Sometimes, it come from the community. I heard almost all of the rumors and things about dream through it.

She Doesn't Need A CrownWhere stories live. Discover now