Chapter 1

1 2 0
                                    

Room

When I was about to open the abandoned room, ay bigla na lamang itong bumukas. Nakita ko ang nasa loob nito na kaagad kong ikinatakot. Natulala at halos hindi ako makagalaw. Totoo ba ito? Panaginip lang ba ito? Gusto ko nang magising mula sa masamang panaginip na ito.

Parang pinako ang mga paa ko mula sa lupa sa kinatatayuan ko. Hindi ko ito maigalaw. Para na lamang akong isang bagay na hindi na makakaalis pa rito. I tried to move my knees, but I failed.

"HELP!"

Napabalikwas kaagad ako. Basang basa na ako dahil sa pawis. It's because of that dream. Lagi na lamang ako nitong binabagabag. Halos gabi-gabi, hindi na ako nito hinahayaang makatulog. Makatulog na wala akong kinakatakutan.

Bumakas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito ang nagmamadaling tao na naging ate ko na rin. Kahit na hindi kami magkadugo, itinuring pa rin namin ang isa't isa bilang magkapatid, dahil halos sabay kaming lumaki, sabay naming iminulat ang mga sarili namin sa mundong ito. Kaagad niya akong niyakap. Ganun din ang ginawa ko. Kung wala sya, baka natataranta na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko.

I am very thankful that there's a person like ate Khailee who's giving me hopes to live more...

"Are you okay?" inalis niya ang mga nakaharang na buhok sa mukha ko at pinunasan niya ang pawis ko gamit ang mga kamay niya. "Binabagabag ka na naman ba nang panaginip mo na iyon?" dahan-dahan akong tumango. Lagi kong ikinukwento kay ate Khailee ang mga napapanaginipan ko. Halos gabi-gabi, parehas lang din ang napapanaginipan ko. Room.

"Ate I'm scared."

"Wala kang dapat katakutan. Fight your bad dreams. Labanan mo ang mga taong gusto kang saktan sa panaginip mo." napaluha na lamang ako sa mga sinabi nito. May lakas nga ba talaga ako na harapin ang mga tao sa likod ng panaginip ko? May lakas nga ba ako na labanan sila kung sakali? Meron ba akong lakas para matalo sila? Pero sa panaginip lamang sila, so it's very impossible.

Tumatama ang init ng sikat ng araw sa balat ko. Nagmamadali ang mga ibang estudyante. Ang iba'y nagtatakbuhan na para lamang makapunta sa mini canteen ng school na ito. 1 hour ang lunch namin. Sa gazebo ako madalas kumakain kaya, heto, nandito ako ngayon. Binuksan ko na ang baunan ko at sinimulan ko nang kumain.

I'm a lonely person. Halos walang gustong makipagkaibigan sa akin. I don't know. Hindi ko alam kung bakit lagi nalang nila akong iniiwasan. Wala akong naaalala na may nagawa akong kasalanan sa kanila. Pero kahit na ganun, ngumingiti pa rin ako sa kanila pabalik. Kahit na pinagbubulungan lang nila ako, I always wear my genuine smile to show them that I'm not affected. Sabi kasi ni Ate Khailee, if you're brave, you will not hurt them or you will not fight back, instead you just need to smile to those people. And I agreed.

"Pwede ba akong tumabi?" napatigil ako sa pagnguya nang lapitan ako ng hindi ko kilalang estudyante. Matangkad, maputi and she has a beauty na paniguradong pag-aagawan ng mga kalalakihan. Dahan-dahan ko ulit ibinalik ang tingin sa pagkain ko at hinayaan na lamang siyang umupo sa harap ko. Hindi ako sanay na bigla-bigla na lamang akong lalapitan ng mga hindi ko kilalang estudyante, or kahit ang mga kaklase ko. I continued eating and I stopped when she asked me a question.

"Bakit ang tahimik mo? Is...there any problem? Kung ayaw mo akong nandito, maybe, I need to transfer." when she's about to leave, I hold her hand. Nagulat ako sa naging reaksyon ko.

"I-I'm fine." tumango naman sya at pinagpatuloy namin parehas ang pagkain. The bell rang and all the students are now running. Kaagad akong tinignan ng babae na nakasabay ko.

"Ahm, btw I'm Lalaine Piñanes. Nice to meet you. Kailangan ko nang umalis. Bye." at gaya kanina, ay tumakbo rin siya. Napangiti ako bigla. Atleast, I have a new friend here.

When I entered our room, all eyes are now on me. All of them are whispering to one another. But I'm used to it. I just walked straight. Just focused. Nang makaupo ay inilabas ko na ang notebook ko na gagamitin namin for our next subject. History. Sir Raymond got the attention of all when he entered the room.

"Good morning Sir Raymond!" malamyang pagbati ang sinabi ng mga kaklase ko.

Inilabas na ni Sir Raymond ang kaniyang laptop at ikinonect niya ito sa tv. May mga kinabit lang siyang switch, and then a presentation appeared.

He stood straight and he faced us all.

"Do you believe in witch?"

"Yes sir."

"Okay. Uhm, pwede niyo bang ilarawan ang itsura ng isang mangkukulam or in English, witch."

Bigla na lamang akong tinignan ng mga kaklase ko at ang iba sa kanila ay nagtawanan. Kaagad na nagtaas ng kamay si Dexter.

"Ang mga witch sir mga panget." tawanan ang namayani sa paligid. May isa pa ang nagtaas.

"Yung mga witch po may mga kapangyarihan po sila or may mga spells sila na kadalasan ay hindi alam ng mga tao."

"Uhm, good. Another?"

"Sir!"

"Yes Deanah?"

"Yung may mga magugulong  at kulot na buhok sir." natawa naman ang teacher namin sa isinagot nito.

"Hindi lahat ng witch ay kulot noh? Ang iba ay straight at minsan ay may clip na ribbon sa gilid." kung maingay kanina, mas maingay na ngayon. Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Ang iba ay kinakantyawan pa ako. Tawa ng tawa at ang iba ay tinuturo pa ako. STAY CHILL AND DON'T GET AFFECTED. Humupa ang tawanan ng nagsimula nang magdiscuss si Sir tungkol sa mga myths. Ang iba ay patingin tingin pa din sa side ko at bigla na lamang tatawa.

Nang matapos ang klase ay pumunta na muna ako ng cr. Parang hindi ko na kayang mag-stay sa room. I closed the door and I stared at my self in the mirror. What is wrong with me? May pangit ba? Pangit ba ako para kantyawan ng mga kaklase ko pati na rin ng guro namin? Nakakahiya ba ang itsura ko?

When I was in elementary, lagi na akong inaasar. Nagkatrauma ako that time kaya ayaw ko munang pumasok. Halos 1 week akong nagstay sa kwarto ko. Parang hindi ko kayang harapin ang mga tao sa labas, dahil kapag ginawa ko iyon, alam kong tatawanan lang din nila ako ng tatawanan.

Someone grabbed my hand. I immediately looked at her. She's the girl in the gazebo. Why she's here?

"Are you ok? Is there any problem? Why are you crying?" she started to wiped away my tears. I don't know but I asked her a question...

"Am I ugly para hindi ako tanggapin ng mga taong nakapaligid sa akin?" bago niya ako sagutin ay pinunasan niya ang mukha ko.

"Pumapangit ka kapag umiiyak ka, alam mo ba yun? So, para hindi ka maging mukhang panget, wag na wag kang iiyak." she gave me a smile. "When I saw you in the gazebo, I know you're not ugly. You have a great characteristics. I felt it. You have a good heart. So don't doubt yourself. You must be proud, baby girl. Prove to them that they are 100℅ wrong. And as a new friend, I'm here to protect you. Here." atsaka niya ibinuka ang mga palad ko at inilapag ang isang piraso ng papel. "Take this and if you want someone to talk to, I'm always ready. So, yun, wag ka nang iiyak. Baka malate na ako, bye."

Binuklat ko ang piraso ng papel at binasa ang nakalagay dito. Nakalagay dito ang number niya at may nakasulat pa...

Be brave. Call me if you want to talk something.

Kahit na lumuluha, napangiti ako dahil sa nakasulat dito.

Ngayon ko lang narealized na bukod pa kay Ate Khailee may taong handa akong pakinggan kahit na ano mang oras. Malaki ang pasasalamat ko sa kanilang dalawa.

Thank you...

Ate Khailee..

Ate Lalaine..

Hindrance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon